wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP7-FT1(2nd Qrtr)-Yamang Tao at Sinaunang Kabihasnang Asyano

Total questions: 20

Worksheet time: 7mins

Name
Class
Date
1.

Ang tawag sa bilang ng kabuuang dami ng tao na naninirahan sa isang partikular na lugar sa isang takdang panahon.

a)

Populasyon

b)

Demograpiya

c)

Literacy rate

d)

Population Growth Rate

2.

Ang tawag sa pag-aaral ng populasyon.

a)

Population Density

b)

Population Growth Rate

c)

Populasyon

d)

Demograpiya

3.

Ang tumutukoy sa distribusyon ng tao sa isang lugar

a)

Population Density

b)

Populasyon

c)

Literacy rate

d)

Demograpiya

4.

Ang kabuuang halaga ng produkto sa paglilingkod na ginawa sa loob ng bansa isang tiyak na panahon.

a)

Urbanisasyon

b)

Gross Domestic Product

c)

Migrasyon

d)

Life Expectancy

5.

Maraming mga Pilipino ay lumipat ng tirahan sa ibang bansa para makahanap nang mas maayos na pamumuhay. Ano ang tawag nito?

a)

Urbanisasyon

b)

Populasyon

c)

Migrasyon

d)

Demograpiya

6.

Alin sa mga sumusunod ang komposisyon ng gulang ng tao ang kabilang sa produktibong pangkat?

a)

0-15 na taon

b)

15-64 na taon

c)

65-pataas na taong gulang

d)

wala sa nabanggit

7.

Ang Japan ang may pinakamataas na life expectancy rate. Ano ang implikasyon nito?

a)

Mahirap ang kalagayan ng tao sa lugar na ito.

b)

Maginhawa ang buhay ng tao sa lugar na ito.

c)

Ang pamahalaan nila ay walang pakialam.

d)

Masagan sa likas na yaman ang lugar na ito.

8.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI positibong epekto ng migrasyon

a)

Kumita ng malaki ang mamamayan dahil sa pagkaroon ng hanapbuhay.

b)

Umunlad ang lugar na nilipatan.

c)

Nakapagpadala ang mga OFW ng pera sa kanilang pamilya sa Pilipinas.

d)

Kakulangan ng likas na yaman sa lugar.

9.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kaaya-aya ang bunga ng migrasyon?

a)

Mag-asawa ay karaniwang naghihiwalay dahil sa kakulangan sa komunikasyon.

b)

Kakulangan sa likas na yaman

c)

Pag-aaruga ng magulang.

d)

Mas maunlad ang buhay ng mga anak ng OFW.

10.

Bakit mahalaga ang kalidad ng edukasyon sa isang lugar?

a)

Dahil ito ay sukat sa kita ng isang lugar.

b)

Dahil ito ang mabisang sukat ng kaunlaran.

c)

Dahil ito ang sukat ng literacy rate sa isang lugar.

d)

Dahil ito ang sukat ng population growth rate ng isang lugar.

11.

Ang pamamaraan ng pamumuhay ng isang pangkat ng tao.

a)

Sibilisasyon

b)

Kultura

c)

Pamayanan

d)

Panahon

12.

Ang uri ng panahon na kung saan ang mga sinaunang tao ay walang permanenteng bahay at gumagamit ng mga magagaspang na bato.

a)

Paleolitiko

b)

Neolitiko

c)

Mesolitiko

d)

Metal

13.

Ang panahon na kung saan ang mga sinaunang tao ay marunong na magsaka gamit ang polido o makikinis na kasangkapang bato.

a)

Peleolitiko

b)

Neolitiko

c)

Mesolitiko

d)

Metal

14.

Ang panahon na kung saan ang mga sinaunang tao ay may maunlad at organisadong pamayanan.

a)

Paleolitiko

b)

Neolitiko

c)

Mesolitiko

d)

Metal

15.

Anong uri ng panahon nagsimulang manirahan ang mga Asyano sa pampang ng ilog at dagat?

a)

Metal

b)

Mesolitiko

c)

Neolitiko

d)

Paleolitiko

16.

Ang pag-alam ng pagkakakilanlan bilang Asyano ay mahalaga dahil higit natin makikilala ang ating sarili.

a)

Tama

b)

Mali

17.

Ang pamumuhay ng mga sinaunang tao sa panahon ng Paleolitiko ay masasabing maunlad at organisado.

a)

Tama

b)

Mali

18.

Ang tagumpay ng yamang tao ng Asya ay nakasasalaykung paano gagamitin ang mga likas na mayroon ang bawat bansa.

a)

Tama

b)

Mali

19.

Kapag mataas ang antas ng karunungan, mataas din ang GDP, employment rate per capita GDP ng bansa.

a)

Tama

b)

Mali

20.

Ang kaunlaran ng bansa ay nakasasalay sa pamamalakad ng pamahalaan lamang.

a)

Tama

b)

Mali