wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Akademikong Pagsulat

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Alin ang pangunahing layunin ng pagsulat ng mga sulating akademiko?

a)

ilarawan ang sining ng pagsulat

b)

linangin ang matatalinghagang pahayag

c)

magbigay ng tamang impormasyon

d)

pataasin ang kasanayan sa malikhaing isipan

2.

Anong katangian ng isang manunulat ng akademikong sulatin ang inilalarawan ng sumusunod na pahayag?

"Maingat na pinipili ang mga salitang ginagamit para sa isinusulat. Sinisiguro ding walang pagkakamali sa mga bantas na ginamit."

a)

organisadong pagtatahi ng ideya

b)

matapat na paggamit ng salita

c)

naninindigan sa sipi at tala

d)

pormal na estruktura ng teksto

3.

Paano magiging mas makabuluhan ang mga nakalap na impormasyon at datos para sa binubuong akademikong sulatin gaya ng pananaliksik?

a)

Talakayin ang mga pamamaraan ng pagkuha ng datos.

b)

Itala ang lahat ng mga kagayang literatura at pag-aaral.

c)

Gumawa ng talaan ng mga kaugnay na pag-aaral.

d)

Bumuo ng kongklusyon batay sa pagsusuri ng datos.

4.

Alin sa sumusunod na paglalarawan ang tumutukoy sa katangian ng akademikong sulating magtaglay ng pananagutan sa kapuwa manunulat sa mga nilalaman nito?

a)

pagiging tiyak sa mga pagtalakay ng konsepto at ideya sa sulatin

b)

paggamit ng listahan ng pinagbatayan ng mga pagtalakay

c)

pagpapabatid ng katiyakan sa tunguhin ng sulatin

d)

paglalahad ng mahusay na pangangatwiran sa pagtatalakay

5.

Alin sa sumusunod na paglalarawan ang tumutukoy sa katangian ng sulating akademiko ang nagtataglay ng paninindigan sa mga nilalaman nito?

a)

pagpapabatid ng katiyakan sa tunguhin ng sulatin

b)

paglalahad ng mahusay na pangangatwiran sa mga sipi at tala

c)

pagiging tiyak sa mga pagtalakay ng konsepto at ideya sa sulatin

d)

paggamit ng listahan ng pinagbatayan ng mga pagtalakay

6.

Alin sa sumusunod na paglalarawan ang tumutukoy sa katangian ng sulating akademiko na nagtataglay ng malinaw na kabatiran ayon sa layunin nito?

a)

pagiging tiyak sa mga pagtalakay ng konsepto at ideya sa sulatin

b)

paggamit ng listahan ng pinagbatayan ng mga pagtalakay

c)

pagpapabatid ng katiyakan sa tunguhin ng sulatin

d)

paglalahad ng mahusay na pangangatwiran sa pagtatalakay ng mga nilalaman ng sulatin

7.

Alin sa sumusunod ang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng e-mail?

a)

maikli, pormal, payak na salita

b)

mahaba, pormal, mataas na antas ng salita

c)

maikli, pormal, mataas na antas ng salita

d)

mahaba, pormal, payak na salita

8.

Alin sa sumusunod ang tamang pahayag kaugnay ng akademikong pagsulat?

a)

Pormal na pagsulat ang akademikong pagsulat, kung kaya inaasahang walang anumang impormal na salitang gagamitin kahit pa ang paksa ay may kaugnayan sa impormal na rehistro ng wika.

b)

Ang kritikal na pag-iisip ng manunulat ay kailangang kagaya ng pag-iisip ng mga manunulat ng malikhaing pagsulat, nang sa gayon ay makulay ang nilalaman ng isinusulat.

c)

Ang manlibang ay pangalawang layunin ng akademikong pagsulat. Mahalagang malibang ang mambabasa habang kumukuha ng impormasyon.

d)

Pinapataas ng akademikong pagsulat ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina.

9.

Bakit mahalaga na isaalang-alang ang paggamit ng pormal na wika sa pagsulat ng anumang sulating akademiko?

a)

Ito ang mabisang paraan sa pag-unawa ng mga mambabasa sa nilalaman ng sulating akademiko.

b)

Ito ang mabisang daluyan ng pagtatalakay at pag-unawa sa mga kaisipang intelektuwal na kabilang sa sulating akademiko.

c)

Ito ang mabisang sangkap sa pagbabanghay ng mga ideya sa binubuong sulating akademiko.

d)

Ito ang mabisang batayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulating akademiko.

10.

Anong uri ng akademikong pagsulat ang nakatuon sa pagpapayaman ng mga sulatin tungkol sa isang larangang pang-akademya?

a)

jornalistik na pagsulat

b)

propesyonal na pagsulat

c)

malikhaing pagsulat

d)

reperensiyal na pagsulat

11.

Alin sa sumusunod ang uri ng pagsulat na nakaangkla sa kakayahan ng isipan ng manunulat at maaaring maging masining sa paglalahad?

a)

teknikal na pagsulat

b)

reperensiyal na pagsulat

c)

jornalistik na pagsulat

d)

malikhaing pagsulat

12.

Ang pananaliksik ay tumalakay sa kasalukuyang imahen at konsepto ng pamilyang Pilipino na ipinakikita ng mga teleserye. Ipinakikita rin ang impluwensiya nito sa pagbabago ng pananaw at pag-uugali ng mga manonood tungo sa Pilipinong pagpapamilya. Layunin nitong (1) ilarawan at tukuyin ang kasalukuyang konsepto ng pamilyang Pilipinong ipinakikita ng mga teleserye, (2) alamin ang mga epekto nito sa pag-uugali at pananaw na nakukuha sa araw-araw na panonood, at (3) kung paano nababago ng teleserye ang pagtingin at paglutas sa mga problemang pampamilya.

- sipi mula sa Ang Pamilya sa Loob ng mga Teleserye sa Telebisyon ni Ma. Rita R. Aranda

Anong uri ng akademikong pagsulat ang binasang pananaliksik?

a)

jornalistik

b)

malikhain

c)

akademiko

d)

teknikal

13.

Sabi ni Lola Bining noon, kapag umakyat ka raw sa Banahaw, malilinis ang loob mo sa bawat pawis na papatak mula sa katawan mo. Hindi ko maisip noon kung paano maaaring magdumi ang loob, kung gaya rin ba ang dumi noon ng libag namin sa katawan kapag naghahalo ang alikabok at pawis sa tuwing maglalaro noon. Sabi pa ni Lola Bining, kapansin-pansin din na wala kang matatagpuang anumang mabangis na hayop o kahit maliit na insekto sa Banahaw.

- mula sa Kabanata 9: Banahaw mula sa Walong Diwata ng Pagkahulog ni Edgar Calabia Samar

Ang sipi ng tekstong binasa ay anong uri ng akademikong pagsulat?

a)

malikhaing pagsulat

b)

jornalistik na pagsulat

c)

akademikong pagsulat

d)

teknikal na pagsulat

14.

Alin sa sumusunod ang katangian ng isang akademikong pagsulat?

a)

Ang akademikong pagsulat ay binubuo lamang sa loob ng akademikong unibersidad na pinangungunahan ng mga manunulat nito.

b)

Ang akademikong pagsulat ay nalilimitahan lamang sa pagsulat ng mga tesis, sintesis, at posisyong papel.

c)

Ang akademikong pagsulat ay pagsusuri lamang ng mga napapanahong isyung panlipunan.

d)

Ang akademikong pagsulat ay may kumbensiyon na naglalayong maipakita ang resulta mula sa pagsisiyasat sa ideyang nais pangatwiranan.

15.

Anong katangian ng manunulat ng akademikong pagsulat ang kumikilala sa mga eksperto at awtoridad ng paksang ginawan ng pag-aaral?

a)

may pananagutan

b)

may kaisahan ang ideya

c)

may kahatulan ang mga sanggunian

d)

may paninindigan ang mga anotasyon