NEW
Font size
WorksheetsPAUNANG PAGSUBOK SA PE (1st QUARTER)
Total questions: 10
Worksheet time: 7mins
Anong mga kagamitan ang kailangan sa paglalaro ng tumbang preso?
a. bola at tsinelas
b.tansan at barya
c. latang walang laman at tsinelas
d. panyo at pamaypay
Ang mga sumusunod ay mga kagandahang-asal na nalilinang sa paglalaro ng tumbang preso MALIBAN sa isa.
a. pagiging madaya
b. pagiging patas
c. pakikiisa
d. sportsmanship
Saan nagmula ang larong ito?
a. San Fernando Bulacan
b. San Fernando, Tacloban
c. San Rafael Bulacan
d. San Vicente, Pampanga
Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng tumbang preso?
a. Matamaan ang mga manlalaro ng bola.
b. Masipa ng manlalaro ang bola sa malayo.
c. Mapalabas ang tansan sa loob ng parisukat.
d. Matumba ang lata sa pamamagitan ng paghagis ng pamato mula sa kinatatayuan nito.
Ano ang Target game na may basyong lata na walang laman bilang kagamitan?
a. Tatsing
b. Batuhang Bola
c. Tumbang Preso
d. Agawang panyo
Alin sa mga sumusunod na lugar ang mainam paglaruan ng tumbang preso?
a. bakuran o lansangan
b. loob ng bahay
c. loob ng silid-aralan
d. mabato at madamong lugar
Alin sa mga sumusunod na skill at health-related fitness ang hindi nalilinang sa paglalaro ng tumbang preso?
a. balance
b. bilis
c. lakas ng braso
d. liksi
Ilang metro ang layo ng lata mula sa linyang kinatatayuan ng mga manlalaro?
a. 1-2 metro
b. 3-4 metro
c. 5-6 metro
d. 5-7 metro
Nilalaro ang tumbang preso ng ______________.
a. isahan
b. dalawahan
c. tatluhan
d. maramihan
Ang tumbang preso ay halimbawa ng larong _________.
A. FIELDING GAME
B. Invasion game
C. Lead-up game
D. Target Game
