WorksheetsFilipino 3 - 1st Qtr. Exam
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa salitang patungo?
Alin sa mga sumusunod na aklat ang patungkol sa numero at bilang?
Anong pangalan ng tagapaglimbag ang makikita sa larawan?
K12
Yamang Filipino
Rex Bookstore
Anong bahagi ng aklat ang ipinapakita sa larawan?
Talaan ng Nilalaman
Pabalat
Talasanggunian
Anong salita ang tinutukoy ng nasa larawan?
nakababata
nakamtan
huwaran
Ako si Alma Cruz.
Alin sa mga sumunod ang pangngalan sa pangungusap?
Ako
Alma Cruz
si
Ano ang hindi kabilang sa tinutukoy ng pangngalan?
tao
bagay
ugali
lugar
Anong uri ng pangngalan ang tinutukoy ng pantangi?
hindi tiyak
walang kasarian
tiyak
Anong uri ng pangngalan ang tumutukoy sa hindi tiyak na pangngalan?
(a)
Alin sa mga sumusunod ang pangngalang pantangi?
paaralan
kapatid
Luneta Park
Alin sa mga sumusunod ang pangngalang pambalana?
Lina
Mambog
lapis
Monggol
Alin sa mga sumusunod ang pangngalan pantangi na lugar?
Pansibiko
Laguna
Paulo
Bantay
Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa salitang kasangga?
Ano ito na binubuo ng mga taludtod o linya, kadalasang magkatugma ang huling salita nito?
Kuwento
Diyalogo
Awit
Tula
Alin sa mga sumusunod na salita ang tumutukoy sa larawan?
kasangga
nakababata
masinop
nakamtan
Ano ito na tumutukoy sa mga salitang magkatulad o halos magkatulad ang huling tunog?
magkatugma
magkasing kahulugan
magkapareho
Alin sa mga sumusunod ang katugma ng salitang nakamtan?
kasama
biyaya
kabaitan
hatid
Alin mga sumusunod na salita ang hindi magkatugma?
masaya-papaya
kapatid-napatid
masinop-masipag
huwaran-tularan
Alin sa mga sumusunod ang may limang pantig?
pakisuyo
pagmamahalan
paaralan
pangako
Ito ay tumutukoy sa mga pahayag o mga hakbang na nagsasabi ng paraang susundin o iba pang gawain.
pangngalan
pantangi
panuto
pambalana
Alin sa mga sumusunod ang panuto?
Sumayaw si Lito.
Maglalaba si Rita.
Nag-aaral ng mabuti si June.
Isulat mo ang iyong apelyido sa loob ng kahon.
Saang bahagi ng aklat makikita ang listahan ng mga pamagat ng mga teksto o babasahin na nasa loob ng aklat at mga pahina nito?
Talaan ng Nilalaman
Talasanggunian
Pabalat
Glosari
Anong pamagat ng aralin ang nasa pahina 30?
Sa Paggalang
Sa Paaralan
Tayo Na!
Magbakasyon Na!
Anong uri ng pangngalan ang nagsisimula sa malaking letra?
(a)
Alin sa mga sumusunod ang pambalanang ngalan ng tao?
Anita
G. Lucas
lolo
Paulo
Anong salita ang ipinapakita sa larawan?
sakitin
nakamtan
mag-abot
pinigil
Ano ito na may mga tauhan, pinangyarihan at pangyayari?
Tula
Kuwento
Sanaysay
Comic Strip
Anong bahagi ng kuwento ito na nasa itaas at kug minsan ay naging ideya o paksa sa kuwento?
Banghay
Tauhan
Pamagat
Tagpuan
Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa banghay?
saan at kailan nangyari
taong gumaganap sa kuwento
mga pangyayari sa kuwento
paksa o ideya ng kuwento
Ilan ang elemento mayroon ang kuwento?
tatlo
sampu
dalawa
apat
Anong elemento ng kuwento ang tumutukoy sa mga taong gumaganap dito?
pamaagat
tauhan
banghay
tagpuan
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa bumubuo sa banghay?
simula
kalagitnaan
kaarawan
katapusan
Sino ang tinutukoy ng pamalit na salitang siya?
sa nagsasalita
sa kinakausap
sa pinag-uusapan
Anong pamalit na ngalan ng tao ang gagamitin kung ikaw ang nagsasalita?
siya
ako
ikaw
Ano ito na tumutukoy sa pagsulat o pagbigkas ng mga letra sa mga salita nang paisa-isa?
pagbibigkas
pag-awit
pagtula
pagbaybay
Ang mga salitang po at opo ay anong uri ng pananalita?
balbal
kalye
magalang
lansangan
Saan ginagamit ang mga salita po at opo?
kung ang kausap ay mas bata sa iyo
kung kausap ay kasing edad mo
kung kausap ay mas matanda sa iyo
Kami ay pareho ng pangalan.
Anong pamalit na pangalan ang ginamit sa pangungusap?
pareho
pangalan
kami
ay
Ano ito na nanglalahad ng impormasyon o mga kaalaman, mayroon itong tema o paksa?
Sanaysay
Pagbaybay
Diyalogo
Tula
Ito ay isang uri ng babasahin na nakaguhit ang larawan ng mga tauhang nag-uusap dito.
Tula
Comic Strip
Sanaysay
Kuwento
