Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ARAL PAN GRADE 9 WS 4

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Bakit nagkakaiba ang paraan at dahilan ng pagkonsumo?

a)

Maraming kalagayan ang isinasaalang-alang

b)

Magkakaiba ang katangian ng mga nakakaapekto dito

c)

Magkakaiba ang pangangailangan ng tao

d)

Hindi tiyak ang pangyayari sa lipunan

2.

Tsekan ang mga produkto na sa iyong palagay ay kabilang sa 6 na bagay na hindi kayang bilhin ng Pilipino sa panahon ng pandemyang COVID-19 ayon sa Survey ng Finder Philippines. (4 ang dapat may check)

a)

medisina

b)

bigas

c)

chocolate

d)

tissue

e)

shampoo

3.

Punan ng arrow up kung ang sitwasyon ay magreresulta sa pagtaas ng kakayahang makabili at arrow down kung ito magreresulta ng pagbaba.


Mataas ang buwis

(a)  

4.

Sa pagbabago ng presyo, sa anong pagkakataon tumataas ang pagkonsumo?

a)

kakaunti ang suplay

b)

marami ang suplay

c)

mataas ang presyo

d)

mababa ang presyo

5.

Alin sa sumusunod ang nagsasaad na ang tao ay hindi naapektuhan ng demonstration effect?

a)

Hindi sumusunod sa uso

b)

Nahuhumaling sa suot ng mga artista

c)

Binibili ang mga napapanahong gamit

d)

Suportado ang mga ini-endorso nga paboritong artista

6.

Bakit nakakaapekto ang pagkakaroon ng utang sa pagkonsumo ng tao?

a)

Lumulobo ang kanyang utang kapag hindi nababayaran

b)

Tumataas ang kanyang kakayahang makabili ng produkto

c)

Nababawasan ang kanyang kakayahan na makabili ng produkto

d)

Kakaunti ang naiipon sap era mula sa kita

7.

Kapag pinag-uusapan ang pagkonsumo, bakit mas mainam na kunti ang utang?

a)

Walang naniningil kapag nakatanggap ng sahod

b)

Lumalaki ang ipon sa bangko

c)

Walang utang na kailangang bayaran

d)

Tumataas ang kakayahang kumonsumo

8.

Paano nakakaapekto ang kalamidad sa pagtaas ng konsumo?

a)

Nagkakaroon ng kakulangan sa supply ng produkto

b)

Hindi na nakakabili ang mga tao sa pamilihan

c)

Nagsasara ang mga malalaking tindahan

d)

Inuuna ng mga tao ang kanilang tirahan

9.

Ang sumusunod ay ilan sa mga nakasaad sa aklat na pinamagatang The General Theory of Employment, Interest, and Money na inilathala noong 1936 MALIBAN sa:

a)

Malaki ang epekto ng kita sa konsumo

b)

Kapag lumalaki ang kita lumalaki din ang kakayahang kumonsumo

c)

Kapag lumiliit ang kila lumiliit din ang kakayahan kumonsumo

d)

Ang ekonomiya ay nakabatay sa kita ng mga tao sa lipunan

10.

Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga nabanggit ng pinagmumulan ng demonstration effect?

a)

Billboards

b)

Internet

c)

Pahayagan

d)

Radyo

11.

Bakit kumokunsumo ang tao?

a)

Upang tugunan ang kaniyang mga pangangailangan at kagustuhan

b)

Upang makiuso

c)

Upang may maipagmalaki sa social media

d)

Upang tumulong mga mga lokal na negosyo

12.

Si Mikaela ay bumili ng iphone12 dahil napanood niya ang patalastas nitong napakaganda. Anong salik ang nakaapekto sa kanyang pagkonsumo?

a)

Panahon

b)

Pag-aanunsiyo

c)

Kita

d)

Paggamit

13.

Kung magkakaroon ka ng trabaho at may pamilya na sa hinaharap, paano mo maiiwasan ang pagkabaon sa utang?

a)

Walang problema kung may utang dahil bahagi ito sa buhay ng tao.

b)

Huwag isipin kung gaano katagal bayaran ang utang dahil may trabaho ka naman.

c)

Maaaring humingi ng tulong pinansiyal sa kamag-anak kapag kapos sa pera.

d)

Huwag gumastos ng higit pa sa kinita. Mag-impok.

14.

Ito ang unang inaalam ng tao bago bumili ng produkto at serbisyo.

a)

Kita

b)

Pag - aanunsiyo

c)

Okasyon

d)

Presyo

15.

Ito ay tumutukoy sa taong bumibili at gumagamit ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang pangangailagan at magkaroon ng kasiyahan.

a)

Pagkonsumo

b)

Konsyumer

c)

Produksiyon

d)

Prodyuser

16.

Sitwasyon blg 1 Matagal nang binabalik-balikan ni Justin ang sapatos na gustung-gusto niya sa isang mall. Pero hindi niya ito mabili dahil medyo mahal at naghihinayang siya sa pera. Subalit ng minsang nagkaroon ng sale at naging 50% discount ang presyo nito, hindi na siya nagdalawang isip, kanyang itong binili agad

a)

Pagbabago sa presyo

b)

Kita

c)

Mga Inaasahan

d)

Pagkakautang

e)

Demontration effect

17.

Nung nagsisimula pa lang sa kanyang trabaho si Joan todo-budget niya ang kanyang pera. Madalas, nagbabaon siya ng pagkain para makatipid. Pero simula ng mapromote siya bilang manager, sa labas na ito madalas kumain at magshopping ng mamahaling mga gamit

a)

Pagbabago ng presyo

b)

Mga inaasahan

c)

Pagkakautang

d)

Kita

e)

Demonstration effect

18.

Habang sakay ng kanyang kotse si Rebecca, narinig nito ang balita na nakatakdang tumaas ng Php5.00 kada litro ang presyo ng gasolina kinabukasan. Kaya’t bago umuwi, dumaan muna siya sa gasolinahan para magpa-fulltank.

a)

Kita

b)

Demontration Effect

c)

Pagkakautang

d)

Mga Inaasahan

e)

Pagbabago ng presyo

19.

Ayun kay ___________________ ang may akda ng "An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of the Nations", ang pangunahing layunin ng produksyon ay ang pagkonsumo ng tao.

a)

Milton Friedman

b)

Adam Smith

c)

John Maynard Keynes

d)

Karl Marx

20.

Paraan ng pagkonsumo na agarang paggamit ng produkto o serbisyo.

a)

Tuwirang pagkonsumo

b)

Hindi tuwirang pagkonsumo

c)

Maaksayang pagkonsumo

d)

Mapanganib na pagkonsumo

21.

Si Jaira ay bumili ng tatlong kilo ng mangga. Isang kilo lamang nito ang kanilang nakain. Anong paraan ng pagkonsumo ang ginamit?

a)

Tuwirang pagkonsumo

b)

Hindi tuwirang pagkonsumo

c)

Maaksayang pagkonsumo

d)

Mapanganib na pagkonsumo

22.

Si Erica ay bumili ng mga sangkap sa paggawa ng tsokolate. Nang tapos na niyang gawin ang tsokolate ay ipinagbili niya ito. Anong paraan ng pagkonsumo ang ginamit?

a)

Tuwirang pagkonsumo

b)

Hindi tuwirang pagkonsumo

c)

Maaksayang pagkonsumo

d)

Mapangani na pagkonsumo

23.

Si Manong Bador ay walang tigil sa pagbili ng sigarilyo kahit alam niya na palagi na siyang inuubo pati ang kaniyang pamilya. Anong paraan ng pagkonsumo ang ginamit?

a)

Mapanganib na pagkonsumo

b)

Tuwirang pagkonsumo

c)

Hindi ito pagkonsumo

d)

Hindi tuwirang pagkonsumo

24.

Si Mikaela ay bumili ng iphone12 dahil napanood niya ang patalastas nitong napakaganda. Anong salik ang nakaapekto sa kanyang pagkonsumo?

a)

Panahon

b)

Pag-aanunsiyo

c)

Kita

d)

Paggamit

25.

Si Matthew ay bumili ng polo na bulaklakin dahil nakita niya na ang kaniyang mga kaibigan na sina DJ, Shawn, JC, James, Lance at Paul ay mayroon nito. Anong pamamaraan ng pag-aanunsiyo ang ginamit?

a)

Banwagon

b)

Testimonial

c)

Brand recall

d)

Panahon