wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EsP 6 Pagsusuri ng Sarili at Pangyayari

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay tumutukoy sa disiplinadong pag-iisip ng malinaw, makatuwiran, bukas ang isip, may kaukulang ebidensya at may pagtimbang ng impormasyon bago makuha ang isang sagot o desisyon.

a)

malikhaing pag-iisip

b)

mapanuring pag-iisip

c)

pagkabukas ng isipan

d)

pagsusuring personal

2.

4. Bakit mahalaga ang kakayahang magsuri ng mga pangyayari sa pagbuo ng desisyon?

a)

Nakakatulog ka ng mahimbing

b)

Nakikilala mo ang iyong mga pagpapahalaga

c)

Nabibigyang-linaw ang mga pangyayari batay sa tamang katwiran.

d)

Hindi kailanman nakakaranas ng anumang uri ng pagkabalisa at pag-aalala.

3.

Ang mga sumusunod ay palatandaan ng taong nagsusuri ng mga bagay na may kinalaman sa kanyang sarili, maliban sa:

a)

Bukas ang isipan sa makatwirang opinyon ng iba

b)

May kaalaman sa kanyang kalakasan at kahinaan

c)

Tinitimbang ang mga posibleng opsyon o solusyon

d)

Madaling makabuo ng desisyon sa bawat sitwasyon

4.

Ito ay isang proseso na nagbibigay-daan upang higit mong maunawaan kung sino ka, ano ang iyong mga pagpapahalaga, kung bakit ganyan kang mag-isip at kumilos at nagbibigay-daan upang maiayon mo ang iyong buhay sa kung ano ang nais mong mangyari.

a)

pagsusuring personal

b)

malikhaing pag-iisip

c)

mapanuring pagsusuri

d)

pagkabukas ng isipan

5.

Ano ang magagawa mo kung ikaw ay nais magpatuloy mag-aral subalit kailangan mong huminto dahil sa kakulangan ng pera?

I. Huminto na lamang at tulungan ang pamilya na kumita ng pera.

II. Kausapin ang gurong tagapayo at ikwento ang iyong kalagayan.

III. Pilitin ang kapamilya na ikaw ay tustusan sa pag-aaral sapagkat huling taon mo na sa elementarya.

IV. Alamin ang mga kakayahan o kasanayang taglay na maaaring magamit upang makatulong sa pamilya.

V. Suriing mabuti ang iyong sitwasyon at humanap ng ibang alternatibo upang maipagpatuloy ang pag-aaral.

a)

I, II at III

b)

II, IV at V

c)

II, III at V

d)

III, IV at V

6.

Ito ay tumutukoy sa disiplinadong pag-iisip ng malinaw,

makatuwiran, bukas ang isip, may kaukulang ebidensya at may pagtimbang ng impormasyon bago makuha ang isang sagot o desisyon.

a)

malikhaing pag-iisip

b)

mapanuring pag-iisip

c)

pagkabukas ng isipan

d)

pagsusuring personal

7.

Ito ay isang proseso na nagbibigay-daan upang higit mong maunawaan kung sino ka, ano ang iyong mga pagpapahalaga, kung bakit ganyan kang mag-isip at kumilos at nagbibigay-daan upang maiayon mo ang iyong buhay sa kung ano ang nais mong mangyari.

a)

pagsusuring personal

b)

malikhaing pag-iisip

c)

mapanuring pagsusuri

d)

pagkabukas ng isipan

8.

Mahalaga ang kakayahang magsuri ng mga pangyayari sa pagbuo ng desisyon. Alin ang di kabilang dito?

a)

Nakakatulog ka ng mahimbing

b)

Nakikilala mo ang iyong mga pagpapahalaga

c)

Nabibigyang-linaw ang mga pangyayari batay sa tamang

katwiran.

d)

Nakakaranas ng anumang uri ng pagkabalisa at pag-aalala.

9.

Ano ang magagawa mo kung ikaw ay nais magpatuloy mag-aral subalit kailangan mong huminto dahil sa kakulangan ng pera?

I. Huminto na lamang at tulungan ang pamilya na kumita ng pera.

II. Kausapin ang gurong tagapayo at ikwento ang iyong kalagayan.

III. Pilitin ang kapamilya na ikaw ay tustusan sa pag-aaral sapagkat

huling taon mo na sa elementarya.

IV. Alamin ang mga kakayahan o kasanayang taglay na maaaring

magamit upang makatulong sa pamilya.

V. Suriing mabuti ang iyong sitwasyon at humanap ng ibang

alternatibo upang maipagpatuloy ang pag-aaral.

a)

I, II, at III

b)

II, IV, at V

c)

II, III, at V

d)

III, IV, at V

10.

Pinipilit ni Edgar na gawin ng kanyang grupo ang kanyang naisip na proyekto. Alin sa mga sumusunod ang hindi pinapahalgahan ni Edgar?

a)

Pagkamahinahon

b)

Pagkabukas Isipan

c)

Pagkamatyaga

d)

Pagmamahal sa Katotohanan

11.

"May ganoon po palang balita? Mabuti na lamang at hindi agad ako naniwala," ang sabi ni Rita. Anong pagpapahalaga mayroon si Rita?

a)

Pagmamahal sa Katotohanan

b)

Katatagan ng Loob

c)

Pagkamatyaga

d)

Mapanuring Isipan

12.

Sinisikap ni Andrea na matapos ang kanyang proyekto nang may kahusayan kahit ilang araw lamang ang palugit na ibinigay ng guro.

a)

Pagmamahal sa Katotohanan

b)

Katatagan ng Loob

c)

Pagkamatyaga

d)

Mapanuring Isipan

13.

Ang pagsusuri mo ng iyong sarili ay isang paraan upang malinawagan mo ang mga bagay na gumugulo sa iyo.

a)

Tama

b)

Mali

14.

Isa sa pinakamahalagang resulta ng pagsusuri ng sarili at pagkilala sa sarili ay nagkakaroon ka ng __________ sa iyong sarili

a)

pagmamahal

b)

kapanatagan

c)

tiwala

d)

katapatan

15.

Ang mga sumusunod ay palatandaan ng taong nagsusuri ng mga bagay na may kinalaman sa kanyang sarili, maliban sa:

a)

Hindi nakikinig sa opinyon ng iba

b)

May kaalaman sa kanyang kalakasan at kahinaan

c)

Tinitimbang ang mga posibleng opsyon o solusyon

d)

Madaling makabuo ng desisyon sa bawat sitwasyon