NEW
Font size
WorksheetsReview Quiz Bee_Araling Panlipunan 10
Total questions: 25
Worksheet time: 8mins
1. Ang Kontemporaryong isyu ay hango sa wikang latin na contemporaries o napapanahon samantala ang Tempus naman ay nangangahulugang?
A. Kasama sa
B. Magkatulad
C. Magkaiba
D. Magkasalungat
2. Ang salitang Isyu ay tumutukoy sa __________.
A. Pagbabago
B. Pagkabahala
C. Pangyayari
D. Problema
3. Anu-ano ang mga batis ng kontemporaryong isyu?
A. online, visual, print
B. gossip, social, visual
C . visual, gaming, gossip
D. radio, literature, history
4. Dahil sa Covid-19, apektado ang sistema ng edukasyon sa ating bansa. Anong uri ng kontempoaryong isyu ang tumatalakay sa ganitong suliranin?
A. Panlipunan
B. Pangkalakalan
C. Pangkalusugan
D. Pangkapaligiran
5. Bakit mahalagang pag-aralan ang kontemporaryong isyu? Upang_____.
A. magkaroon ng mga isyung napag-uusapan
B. hindi maging mangmang sa mga pangyayari
C. magkaroon ng kaalaman sa nakaraang panahon
D. malinang ang kamalayan at mahasa ang kritikal na pag-iisip sa pagtugon sa suliranin.
6. Kilala ang Republic Act 9147 bilang_______________.
A. Water Code of the Philippines
B. Philippine Clean Air Act of 1999
C. Ecological balance and diversity
D. Wildlife Resources Conservation and Protection Act
7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI saklaw ng kontemporaryong isyung pangkapaligiran?
A. Global Warming
B. Slash and Burn
C. Teen age pregnancy
D. Landslide
8. Ang R.A.9003 ay nagtakda sa mga kinauukulan ng iba’t ibang paraan ng pangungulekta ng basura, isa na dito ang tinatawag na_____________.
A. waste burning
B. waste disposal
C. waste segregation
D. e-waste disposal
9. Ito ay tumutukoy sa paggamit muli sa ibang paraan ng mga bagay na itinunuturing na basura na_____________.
A. Recycle
B. Recovery
C. Compostable
D. Biodegradable
10. Ito ay tumutukoy sa maingat at makatuwirang paggamit ng mga yamang likas at ang pangangalaga sa mga ito laban sa walang pakundangang pagwasak at pagsira.
A. Konserbasyon
B. Energy Oriented
C. Biological diversity
D. Ecological diversity
11. Layunin ng batas na ito na pangalagaan ang yamang mineral ng bansa.
A. Republic Act 9003
B. Republic Act 7942
C. Batas Pambansa 7638
D. Presidential Decree 1067
ANALOGY
12. National Integrated Protected Areas System Act of 1992: Republic Act 7586; Water Code of the Philippines:___________________.
A. Republic Act 9003
B. Republic Act 7942
C. Presidential Decree 1067
D. Republic Act 9147
13. Ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao. Kung hindi maiiwasan, maaari itong magdulot ng pinsala sa buhay, ari-arian, at kalikasan.
A. Risk
B. Hazard
C. Disaster
D. Vulnerability
14. Ito ay tumutukoy sa mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao.
A. Hazard
B. Natural hazard
C. Community hazard
D. Anthropogenic hazard
15. Ang Human Risk ay pangunahing tinataya ang pinsala ng mga gusali o kagamitan na napinsala dulot ng kalamidad
TAMA
MALI
16. Maituturing na risk ang bahay ng pamilya ni Juan sa pagtama ng bagyo sapagkat malapit ito sa tabing ilog
TAMA
MALI
17. Kung sakaling magkaroon ng sunog sa tahanan, kumuha ng basang tuwalya, itakip sa ilong at dumapa habang lumalabas sa pinakamalapit na exit point ng gusali
TAMA
MALI
18. Magpakakampante sa bagyo na may lakas ng signal no. 1
TAMA
MALI
19. Gawin ang DUCK, COVER and HOLD bago, habang at pagkatapos ng isang lindol
TAMA
MALI
20. Laman nito ang mahahalagang gamit at pagkain na makakasalba sa buhay sa oras na dumating ang isang sakuna
A. pitaka
B. flashlight
C. survival kit
D. maleta
21. Kahulugan ng CBDRM?
Community-Based Data Resource Management
Commission-Based Data Risk Management
Community-Based Disaster Risk Reduction Management
Community-Based Data Rellocate Management
22. Kahulugan ng acronym na "PAGASA?"
Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Satellite
Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Station Association
Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Station Auxiliary
Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration
23. Ahensya ng pamahalaan na namamahala sa pagpapaunlad ng Agham at Teknolohiya sa bansa
PHIVOLCS
DOST
PNP
Philippine Coast Guard
24. Ahensya ng Pamahalaan na nagpapanatili ng seguridad at kapayapaan sa bawat lugar sa Pilipinas laban sa kriminalidad
DILG
PNP
BFP
PRC
25. Ang grupo o organisasyong ito ang nagpasimula ng programang "piso para sa ilog pasig"
Mother Earth Foundation
Greenpeace
Bantay Kalikasan
Heal the bay
