wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

SALIKSIK-DUNONG

Total questions: 10

Worksheet time: 2mins

Name
Class
Date
1.

Nagmula sa dalawang (2) salita, ang "sanay" at "pagsasalaysay" ay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw) ng may katha pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, pangaraw-araw na pangyayari, alaala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao.

a)

Talumpati

b)

Sanaysay

c)

Maikling Kuwento

2.

2. Uri ng Sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng pagkakasunud-sunod upang lubos na maunawaan ng bumabasa ang mga salita'y umaakma sa piniling isyu at kadalasang may mga terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignaturang ginawan ng pananaliksik.

a)

Pormal

b)

Di-pormal

c)

Malayang Pagsulat

3.

3. Uri ng Sanaysay na tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pangaraw-araw at personal karaniwang nagtataglay ng opinyon, kuru- kuro at paglalarawan ng isang may akda naglalaman ng nasasaloob at kaisipan tungkol sa iba't ibang bagay at mga pangyayari na nakikita at nararanasan ng may-akda.

a)

Pormal

b)

Di-pormal

c)

Malayang Pagsulat

4.

4. Pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang titingnan ng mga mambabasa at dapat nakapupukaw ng atensyon.

a)

Panimula

b)

Wakas

c)

Katawan

5.

5. Bahagi ng Sanaysay na makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos

ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay

a)

Panimula

b)

Katawan

c)

Wakas

6.

6. Bahagi ng Sanaysay na nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng

sanaysay.

a)

Panimula

b)

Katawan

c)

Wakas

7.

7. Elemento ng Sanaysay na ang nilalaman ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sa pagkakasulat nito at kaisipang ibinahagi.

a)

Tema at Nilalaman

b)

Anyo at Istruktura

c)

Kaisipan

8.

8. Elemento ng Sanaysay na naglalahad ng mga ideyang nabanggit na kaugnay o panlinaw sa tema.

a)

Tema at Nilalaman

b)

Anyo at Istruktura

c)

Kaisipan

9.

9. Elemento ng Sanaysay na naglalahad ng maayos na pagkakasunud-sunod ng ideya o pangyayari

a)

Tema at Nilalaman

b)

Anyo at Istruktura

c)

Kaisipan

10.

10. Elemento ng Sanaysay na naglalahad na dapat ay mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag

a)

Wika at Istilo

b)

Kaisipan

c)

Tema at Nilalaman