Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Review Tayo!

Total questions: 13

Worksheet time: 16mins

Name
Class
Date
1.

Ang sumusunod ay mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao maliban sa:

a)

Nagsisilbing gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng buhay

b)

Nakatutulong upang malinang ang kakayahang iakma ang sarili sa mga bagong sitwasyon

c)

Nagtuturo sa isang nagdadalaga/nagbibinata ng mga nararapat na gawin na akma sa kanilang edad

d)

Nagsisilbing pangganyak o motibasyon upang gawin ng isang nagdadalaga/nagbibinata ang inaasahan sa kanya ng lipunan

2.

Ang sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata maliban sa

a)

Pagsisikap na makakilos nang angkop sa kanyang edad

b)

Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki

c)

Pagtatamo at pagtanggap ng maayos na ugali sa pakikipagkapwa

d)

Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad

3.

Sa inaasahang kilos at kakayahan na ito, nagiging mas malalim ang pagtingin ng isang nagdadalaga/nagbibinata sa pakikipagugnayan.

(a)  

4.

Palaging sinasabi ni Rosemarie sa kanyang sarili na hindi siya perpekto, alam niyang sa bawat pakakamali ay mayroong siyang matututuhan. Ano ang mahuhubog kung ipagpapatuloy niya ang kanyang gawi?

a)

tapang

b)

talento at kakayahan

c)

tiwala sa sarili

d)

positibong pagtingin sa sarili

5.

Ang mga sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayahan maliban sa:

a)

Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan samantalang ang kakayahan ay kalakasang intelektwal upang makagawa ng isang pambihirang bagay.

b)

Ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa magulang samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.

c)

Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.

d)

Ang talento ay kusang lumalabas sa takdang panahon samantalang ang kakayahan ay kailangang dumaan sa proseso ng pagsasanay.

6.

Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento at kakayahan?

a)

Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan

b)

Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at sa lipunan

c)

Upang makapaglingkod sa pamayanan

d)

Lahat ng nabanggit

7.

Anong teorya ang nagsasabi na mas angkop ang tanong na, "Ano ang iyong talino?" at hindi ang "Gaano ka katalino?"

(a)  

8.

Ang taong may ganitong kakayahan ay mahusay sa pakikipag-ugnayan

nang may pagdama at pag-unawa sa

damdamin ng kapwa.

(a)  

9.

Mabilis na nalutas ni Leo ang problem set na ipinagawa ng kanilang guro sa Math. Anong talino o kakayahan mayroon si Leo?

(a)  

10.

Mabilis na nasagutan ni Anne ang mga tanong tungkol sa mga mahahalagang petsa sa kanilang pagsusulit sa History. Anong talino o kakayahan mayroon si Anne?

(a)  

11.

Ang sumusunod ay paraan sa pagtuklas ng hilig maliban sa:

a)

Suriin ang mga gawaing iniiwasang gawin

b)

Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo.

c)

Pagnilayan ang iyong mga libangan at paboritong gawin.

d)

Suriin ang pamilya at ang kinahihiligang gawin kasama ang mga ito.

12.

Si Jamir ay laging kasama ng kaniyang ama sa pinagtatrabahuhan nitong kompanya bilang isang inhinyero. Namulat siya sa gawain ng kaniyang ama at napansin niyang nagkakainteres na rin siya sa matematika, pagguhit, at pagdidisenyo. Anong katangian ng hilig ang ipinapakita rito?

a)

Ang hilig ay natututuhan mula sa mga

karanasan.

b)

Ang hilig ay minamana.

c)

Ang hilig ay galing sa ating mga

pagpapahalaga at

kakayahan.

d)

Ang hilig ay lumalabas sa takdang panahon.

13.

Ito ay ang paglipat mula sa isang yugto ng buhay patungo sa susunod.

(a)