WorksheetsBarayti ng Wika
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
Nagkomento ang tiyo ko sa nilutong ulam ng aking pinsan, aniya "Ala! Ang ulam eh matabang! Matabang eh! " Anong barayti ng wika ang makikita sa sitwasyon na ito?
Sosyolek
Register
Idyolek
Dayalek
Maririnig sa usapan nina Tita Palky at Beshie ang mga salitang charot, chaka, eme, at closeta. Anong barayti ng wika ang makikita sa sitwasyon na ito?
Sosyolek
Register
Idyolek
Dayalek
"Kunin mo nga sa pahingaan ang aking damit." Ang salitang pahingaan ay barayti ng wikang?
Sosyolek
Ekolek
Register
Dayalek
Habang nakasakay sa bus si Keysee ay naulinigan niya ang dalawang babaeng nag-uusap sa unahan. Narinig niya ang mga terminong autocad, T-square, blueprint at miniature. Anong barayti ng wika ang makikita sa sitwasyon na ito?
Sosyolek
Register
Idyolek
Dayalek
Nakatanggap ng text message si Naomi na naglalaman ng pinaghalong maliit at malaking letra na sinamahan pa ng ilang numero "3ow IMiszqcKyuH". Anong barayti ng wika ang makikita sa sitwasyon na ito?
Sosyolek
Register
Idyolek
Dayalek
Ang wikang nabuo ng mga Tsino sa Binondo ay maituturing na hindi pag-aari ninuman, ngunit kalaunan ito ay naging unang wika ng mga taong naninirahan doon. Anong barayti ng wika ang makikita sa sitwasyon na ito?
Idyolek
Register
Pidgin
Creole
Anong domeyn sa register ng wika ang tumutukoy sa relasyon ng magkausap sa isang sitwasyon?
Field
Tenor of discourse
Mode of discourse
Wala sa nabanggit
Anong barayti ng wika ang ginagamit ng mga pangkat etniko.
Pidgin
Creole
Sosyolek
Etnolek
"Grabe na 'to, to the highest level." Kilalang-kilala ng mga tao ay boses ni Ruffa Mae Quinto.
Idyolek
Sosyolek
Pidgin
Etnolek
"Handa na ba kayo?" Ito ay pamosong linyang binibigkas ni Korina Sanchez sa programang Rated K. Anong barayti ito ng wika?
Sosyolek
Idyolek
Etnolek
Dayalek
