Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

IKALIMANG PAGSUSULIT SA AP 9

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Bakit nagkakaiba ang paraan at dahilan ng pagkonsumo?

a)

Maraming kalagayan ang isinasaalang-alang

b)

Magkakaiba ang katangian ng mga nakakaapekto dito

c)

Magkakaiba ang pangangailangan ng tao

d)

Hindi tiyak ang pangyayari sa lipunan

2.

Sa pagbabago ng presyo, sa anong pagkakataon tumataas ang pagkonsumo?

a)

kakaunti ang suplay

b)

marami ang suplay

c)

mataas ang presyo

d)

mababa ang presyo

3.

Alin sa sumusunod ang nagsasaad na ang tao ay HINDI naapektuhan ng demonstration effect?

a)

Hindi sumusunod sa uso

b)

Nahuhumaling sa suot ng mga artista

c)

Binibili ang mga napapanahong gamit

d)

Suportado ang mga ini-endorso nga paboritong artista

4.

Bakit nakakaapekto ang pagkakaroon ng utang sa pagkonsumo ng tao?

a)

Lumulobo ang kanyang utang kapag hindi nababayaran

b)

Tumataas ang kanyang kakayahang makabili ng produkto

c)

Nababawasan ang kanyang kakayahan na makabili ng produkto

d)

Kakaunti ang naiipon sa pera mula sa kita

5.

Kapag pinag-uusapan ang pagkonsumo, bakit mas mainam na kunti ang utang?

a)

Walang naniningil kapag nakatanggap ng sahod

b)

Lumalaki ang ipon sa bangko

c)

Walang utang na kailangang bayaran

d)

Tumataas ang kakayahang kumonsumo

6.

Paano nakakaapekto ang kalamidad sa pagtaas ng konsumo?

a)

Nagkakaroon ng kakulangan sa supply ng produkto

b)

Hindi na nakakabili ang mga tao sa pamilihan

c)

Nagsasara ang mga malalaking tindahan

d)

Inuuna ng mga tao ang kanilang tirahan

7.

Sino ang may akda ng aklat na The General Theory of Employment, Interest, and Money na inilathala noong 1936?

a)

Antonio Abatemarco

b)

John Maynard Keynes

c)

Frank Ackerman

d)

Sandra Andraszewicz

8.

Ang sumusunod ay ilan sa mga nakasaad sa aklat na pinamagatang The General Theory of Employment, Interest, and Money na inilathala noong 1936 MALIBAN sa:

a)

Malaki ang epekto ng kita sa konsumo

b)

Kapag lumalaki ang kita lumalaki din ang kakayahang kumonsumo

c)

Kapag lumiliit ang kila lumiliit din ang kakayahan kumonsumo

d)

Ang ekonomiya ay nakabatay sa kita ng mga tao sa lipunan

9.

Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga nabanggit ng pinagmumulan ng demonstration effect?

a)

Billboards

b)

Internet

c)

Pahayagan

d)

Radyo

10.

Alin sa sumusunod ang halimbawa ng mga inaasahan na kabilang sa mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo?

a)

Araw ng eleksyon

b)

kaarawan

c)

Kalamidad

d)

Palabas sa telebisyon