Worksheets1st Quarterly Examination in Edukasyon sa Pagpapakatao 4
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Ano ang katangiang ipinapakita ng mga tauhan sa bawat sitwasyon.
"Tatay hindi po ako napasama sa lineup ng basketball team ng aming paaralan. Kulang pa siguro ang aking kakayahan. Maari po ba ninyo akong turuan tuwing umaga ng Sabado at LInggo upang higit pa akong gumaling?" ang pahayag ni Geno.
Hindi nagdaramdam kahit may problema.
Handang magtiis at magsakripisyo para sa mabuting resulta.
May tiwala sa sarili
Naniniwala na may solusyon sa bawat problema
Matiyagang isinasagawa ang mga hakbang bilang tugon sa mga hamon at pagsubok.
Ano ang katangiang ipinapakita ng mga tauhan sa bawat sitwasyon.
"Magandang umaga po, Binibining Lopez!"ang masiglang bati ni Mia sabay ngiti sa gurong paparating. Naisip niya na ang problemang dulot ng pag-aaway ng kaniyang magulang ay hindi dapat dinadala sa paaralan.
Hindi nagdaramdam kahit may problema.
Handang magtiis at magsakripisyo para sa mabuting resulta.
May tiwala sa sarili
Naniniwala na may solusyon sa bawat problema
Matiyagang isinasagawa ang mga hakbang bilang tugon sa mga hamon at pagsubok.
Ano ang katangiang ipinapakita ng mga tauhan sa bawat sitwasyon.
"Handa ka na ba sa pagsusulit mamaya?" Hindi ba bumagsak ka noong nakaraan?" ang pang-aasar ni Rigor kay Sean. "Nag-aaral yata akong mabuti at sigurado akong kayang-kaya ko ang pagsusulit mamaya!" ang masayang sagot ni Sean.
Hindi nagdaramdam kahit may problema.
Handang magtiis at magsakripisyo para sa mabuting resulta.
May tiwala sa sarili
Naniniwala na may solusyon sa bawat problema
Matiyagang isinasagawa ang mga hakbang bilang tugon sa mga hamon at pagsubok.
Ano ang katangiang ipinapakita ng mga tauhan sa bawat sitwasyon.
"Inay, alam ko na hindi sapat ang kita ni itay kaya hindi na po muna ako bibili ng bagong sapatos,"ang nakangiting pahayag ni Ben.
Hindi nagdaramdam kahit may problema.
Handang magtiis at magsakripisyo para sa mabuting resulta.
May tiwala sa sarili
Naniniwala na may solusyon sa bawat problema
Matiyagang isinasagawa ang mga hakbang bilang tugon sa mga hamon at pagsubok.
Ano ang katangiang ipinapakita ng mga tauhan sa bawat sitwasyon.
"Amaya, umayaw na si Helen bilang pangunahing tauhan sa gaganaping pagtatanghal, ikaw ang naisip naming ipapalit sa kaniya,"ang sabi ni Ginoong Milan. "Napakahirap po ng papel na iyon ngunit sa ibinibigay po ninyong suporta sa akin ay buong puso ko po itong tinatanggap!"ang masayang sagot ni Amaya.
Hindi nagdaramdam kahit may problema.
Handang magtiis at magsakripisyo para sa mabuting resulta.
May tiwala sa sarili
Naniniwala na may solusyon sa bawat problema
Matiyagang isinasagawa ang mga hakbang bilang tugon sa mga hamon at pagsubok.
Ano ang katangiang ipinapakita ng mga tauhan sa bawat sitwasyon.
"Ramon, bakit ka umiiyak? Sabi ng aking ina, ang problema at pagsubok ay laging may solusyon. Sige na, punasan mo na ang luha mo at tutulungan kitang hanapan ng solusyon ang problema mo,"ang pahayag ni Tony sa kaibigang nababahala.
Hindi nagdaramdam kahit may problema.
Handang magtiis at magsakripisyo para sa mabuting resulta.
May tiwala sa sarili
Naniniwala na may solusyon sa bawat problema
Matiyagang isinasagawa ang mga hakbang bilang tugon sa mga hamon at pagsubok.
Ano ang katangiang ipinapakita ng mga tauhan sa bawat sitwasyon.
"Uy, di ba noong isang taon sumubok ka rin upang maging miyembro ng volleybal team? Hindi ka nakuha di ba? E, bakit ka susubok ulit?"ang nag-aasar na tanong ni Roy kay Reese. "Oo nga, pero mas malakas at mas magaling na ako ngayon kaysa dati, kaya alam ko na makapapasok na ako at mapipili bilang isa sa mga miyembro ng koponan,"ang kompiyansang sagot ni Reese.
Hindi nagdaramdam kahit may problema.
Handang magtiis at magsakripisyo para sa mabuting resulta.
May tiwala sa sarili
Naniniwala na may solusyon sa bawat problema
Matiyagang isinasagawa ang mga hakbang bilang tugon sa mga hamon at pagsubok.
Ano ang katangiang ipinapakita ng mga tauhan sa bawat sitwasyon.
"Ginang Morales, nais ko po na ako ang manguna sa paghahanda ng programa para sa ating Christmas party. Alam ko po ang aking kakayahan. Magagawa ko po ito nang ayon sa inyong inaasahan,"ang may pagmamalaking pahayag ni Belle.
Hindi nagdaramdam kahit may problema.
Handang magtiis at magsakripisyo para sa mabuting resulta.
May tiwala sa sarili
Naniniwala na may solusyon sa bawat problema
Matiyagang isinasagawa ang mga hakbang bilang tugon sa mga hamon at pagsubok.
Ano ang katangiang ipinapakita ng mga tauhan sa bawat sitwasyon.
"Anak, gabing-gabi na ya gising ka pa,"ang nag-aalalang sabi ng nanay ni Marta sa kaniya. Ïnay, dinodoble ko po ang sipag ko sa pag-aaral. Gusto ko po talagang magkakaroon ng mataas na marka upang mabigyan ko kayo ng karangalan at kasiyahan,"ang masayang pahayag ni Marta sa ina.
Hindi nagdaramdam kahit may problema.
Handang magtiis at magsakripisyo para sa mabuting resulta.
May tiwala sa sarili
Naniniwala na may solusyon sa bawat problema
Matiyagang isinasagawa ang mga hakbang bilang tugon sa mga hamon at pagsubok.
Piliin ang mga katangiang nagpapakita na ikaw ay mapanuri bago gumawa ng aksyon o hakbang.
Madali akong maniwala sa mga sabi-sabi.
Nagtatanong ako sa iba't-ibang tao upang makakuha ng iba't-ibang opinyon.
Piliin ang mga katangiang nagpapakita na ikaw ay mapanuri bago gumawa ng aksyon o hakbang.
Ako ay kumikilos ayon sa impluwensiya ng aking kaibigan at mga kakilala.
Ako ay kumikilos batay sa aking paniniwala at pagpapahalaga.
Piliin ang mga katangiang nagpapakita na ikaw ay mapanuri bago gumawa ng aksyon o hakbang.
Kapag hindi ko nauunawaan ang isang sitwasyon, ipinagwawalang-bahala ko na lamang ito at hindi ako gumagawa ng paraan upang maunawaan ito.
Kapag hindi ko nauunawaan ang isang sitwasyon, ako ay nagtatanong-tanong, nagmamasid, at nagsasaliksik.
Piliin ang mga katangiang nagpapakita na ikaw ay mapanuri bago gumawa ng aksyon o hakbang.
Nag-iisip ako nang maigi bago magdesisyon dahil ayokong magkamali.
Minsan padalos-dalos akong magdesisyon kung kaya malimit akong nagkakamali.
Piliin ang mga katangiang nagpapakita na ikaw ay mapanuri bago gumawa ng aksyon o hakbang.
Nais kong ako ang nagdedesisyon para sa aking sarili upang wala akong sisisihin sa huli kaya naman lubos kong pinag-iisipan ang mga kilos na aking gagawin.
Bilang pinuno ng aming pangkat ay inaasa ko na lamang sa aking mga kagrupo ang aking mga desisyon para hindi na ako mapagodna mag-isip.
Piliin ang mga katangiang nagpapakita na ikaw ay mapanuri bago gumawa ng aksyon o hakbang.
Sumasang-ayon ako sa ideya ng mas nakakarami kahit alam kong mali ang kanilang paniniwala.
Pinaninindigan ko ang aking ideya o opinyon na sa aking pagkakaunawa ay tama ayon sa aking pagpapahalaga at paniniwala kahit na hindi ako makakuha ng suporta mula sa iba.
Piliin ang mga katangiang nagpapakita na ikaw ay mapanuri bago gumawa ng aksyon o hakbang.
"Sige na nga, gagawin ko na,"ang aking pahayag kung gagawa ako ng desisyon.
"Sige, gagawin ko na dahil sigurado na ako,"ang aking pahayag kung gagawa ako ng desisyon.
Piliin ang mga katangiang nagpapakita na ikaw ay mapanuri bago gumawa ng aksyon o hakbang.
Hindi ko inaasar at inaaway ang aking mga kalaro at kamag-aral dahil naiiba sila sa akin. Nirerespeto ko sila at ang kanilang sitwasyon sa buhay.
Mas maganda kung ang aking mga kalaro ay may katulad kong paniniwala at sitwasyon sa buhay upang hindi kami laging nag-aaway.
Piliin ang mga katangiang nagpapakita na ikaw ay mapanuri bago gumawa ng aksyon o hakbang.
Nauunawaan ko ang aking nanay at tatay kapag tumatanggi silang ibili ako ng laruan dahil kukulangin ang panggastos ng aming pamilya.
Gusto ko na lage akong may bagong laruan kahit hindi ko naman kailangan. Kaya naman kasi ng nanay at tatay kong bilhin ang mga ito.
Piliin ang mga katangiang nagpapakita na ikaw ay mapanuri bago gumawa ng aksyon o hakbang.
Tumatanggi ako sa aking mga kaibigan kapag alam kong hindi matutuwa ang aking guro at magulang sa aming gagawin.
Sinusunod ko ang nais ng aking mga kalaro kahit minsan ay alam kong maari akong mapagalitan ng aking guro at magulang.
Tukuyin ang binigay na sitwasyon kung ito nagpapakita ng katapatan o hindi.
"Uy, huwag kang maingay. Pag tinatanong ka, savbihin mong hindi mo alam kundi mapapahamak tayong dalawa."
hindi matapat
matapat
Tukuyin ang binigay na sitwasyon kung ito nagpapakita ng katapatan o hindi.
"Huwag kang magkunwari, sabihin mo ang totoo sa kanila."
hindi matapat
matapat
Tukuyin ang binigay na sitwasyon kung ito nagpapakita ng katapatan o hindi.
"Tandaan mo, walang lihim na hindi nabubunyag."
hindi matapat
matapat
Tukuyin ang binigay na sitwasyon kung ito nagpapakita ng katapatan o hindi.
"Basta walang laglagan ha, walang magsasalita kahit pilitin nila tayo."
hindi matapat
matapat
Tukuyin ang binigay na sitwasyon kung ito nagpapakita ng katapatan o hindi.
"Hindi na ako kumibo, lahat kasi sila ay sumang-ayon na huwag sabihin ang totoong nangyari."
hindi matapat
matapat
Tukuyin ang binigay na sitwasyon kung ito nagpapakita ng katapatan o hindi.
"Naku, lagot, mali tayo! Sabihin na natin ang totoong nagyari nang hindi tayo lalong mapagalitan."
hindi matapat
matapat
