WorksheetsSinaunang Kabihasnang Asyano: Ang Pagkabuo ng Lipunan at P
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Ang mga sinaunang Pilipino ay sagana sa ibat-ibang _____.
A. espirito
B. kaugalian
C. sulat
D. wika
2. Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas ay taglay na ng mga sinaunang Pilipino ang _________ na maipagmamalaki natin ngayon.
A. Katapangan
B. Paraan ng pagsulat
C. Awit at sayaw
D. Kultura
3. Ano ang tawag sa sistema ng pagsulat ng mga sinaunang Pilipino?
A. Abakada
B. Alibata
C. Baybayin
D. Latin
4. Ilan sa paniniwala ng mga Pilipino ngayon ay ang pag-alala at pagbibigay halaga sa mga yumaong pamilya, ito ay isa sa mga _______ ng ating mga ninuno o sinaunang kabihasnan sa ating lipunan.
A. Ala-ala
B. Kaalaman
C. Kontribusyon
D. Simbolo
5. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pinakamahalagang kontribusyon ng ating mga ninuno sa ating lipunan ngayon?
A. Uri ng pananamit
B. Sistema ng pagsulat
C. Paraan ng makikipagdigma
D. Malalim na pagtitiwala sa Manlilikha
6. Ito ay katawagan ng isang tao na naniniwala sa relihiyong Islam.
A. Kristiyano
B. Muslim
C. Budista
D. Hudyo
7. May kaalaman na ang mga sinaunang Pilipino sa paggamit ng mga instrument at sa paglikha ng musika. Sila ay may sariling ____________.
A. Awit at Sayaw
B. Pasalita at Pasulat
C. Panitikan at Sining
D. Paniniwala
8. Ano ang magandang naidulot ng mga ibat-ibang sining at panitikan sa ating mga ninuno?
A. Naipahayag ang kanilang damdamin, paniniwala, at mga karanasan ng ating mga ninuno.
B. Naisalin nila sa mga sumunod na henerasyon ang mayaman nilang kultura
C. Naging makulay at kaaya-aya ang pamumuhay ng ating mga ninuno
D. Lahat ng nabanggit
9. Paano isinalin ng mga sinaunang Pilipino ang kanilang kultura sa mga sumunod na henerasyon?
A. Sa pamamagitan ng musika, awit, sayaw, at panitikan
B. Sa pamamagitan ng pagkakasundo ng mga ibat-ibang barangay
C. Sa pamamagitan ng patuloy na paniniwala sa mga anito
D. Lahat ng nabanggit
10. Bago pa dumating sa bansa ang mga mananakop, ang mga sinaunang Pilipino ay may sariling kultura, paniniwala, wika at pagsulat.
A. Tama
B. Mali
C. Hindi ako sigurado
D. Hindi ako naniniwala
