Font size
WorksheetsSBM AP
Total questions: 87
Worksheet time: 44mins
Anong rehiyon ng Asya kabilang ang bansang Pilipinas?
A. Silangang Asya
B. Hilagang Asya
C. Kanlurang Asya
D. Timog Silangang Asya
Ano ang tatlong pangunahing pulo ng Pilipinas?
Luzon, Sulu at Mindanao
Laguna, Visayas at Makati
Luzon, Visayas at Manila
Luzon, Visayas at Mindanao
Bakit tinawag na arkipelago ang Pilipinas?
binubuo ito ng mga mamamayan
binubuo ito ng pangkat ng malalaki at maliliit na mga pulo
binubuo ito ng kilalang mga kilalang pasyalan
binubuo ito ng pangkat etniko
Ang mga sumusunod ay mga bansang nakipagkalakalan sa bansa MALIBAN sa isa. Alin dito?
A. India
B. Indonesia
C. Saudi Arabia
D. Tsina
Anong islang hinahanap ng mga Europeo na naging daan para matuklasan ang Pilipinas?
A. Kiribati
B. Micronesia
C. Moluccas
D. Palau
Mga istrukturang itinayo ng mga Amerikano para gawing sanayan ng mga sundalo at imbakan o arsenal ng mga kagamitang pandigma nila.
A. base militar
B. opisina
C. paaralan
D. palaruan
Bilang isang bansang nasakop ng Espanya, ano ang naging pinakamalaking pamana ang kanilang iniwan sa Pilipinas?
A. edukasyon
B. ekonomiya
C. relihiyon
D. sandatahang lakas
Ang mga sumusunod ay ang tuwirang epekto ng lokasyon ng ating bansa sa paghubog ng kasaysayan MALIBAN sa isa. Ano ito?
A. nagkaroon ng kalakalan sa mga karatig bansa
B. napadali ang paglipat o migrasyon ng mga katutbo
C. naging kalaban ng Pilipinas ang lahat na mga karatig bansa nito.
D. nadiskubre ng mga mananakop ang estratehikong lugar ng Pilipinas
Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiya o lokasyon ng isang bansa?
A. para maging sikat ang isang bansa
B. para malaman kung iilan ang naninirahan sa bansa
C. para makilala kung sino-sino ang mga kilalang tao sa bansa
D. para maunawaan kung paano nahubog ang iba’t ibang aspeto ng kultura,
ekonomiya, pamahalaan at relihiyon ng isang bansa.
. Gamit ang sasakyang pandagat na _______, nailuwas ang mga produkto sa iba pang kolonya ng Espanya.
Kotse
Bus
Galyon
Eroplano
Sino ang nagpanukala ng teoryang Continental Drift?
(Who proposed the Continental Drift theory?)
Peter Bellwood
Alfred Wegener
F. Landa Jocano
H. Otley Beyer
Ayon sa teoryang ito, ang mga malalaki at malalapad na bato ay gumagalaw sanhi ng init na mula sa pinakaubod ng mundo, nagbungguan, naggigitgitan at mayroon nagkakalayo.
(According to this theory, large and wide rocks move due to heat coming from the very core of the world, colliding, crashing and something moving away.)
Land Bridge Theory
Continental Drift Theory
Plate Tectonics Theory
Ang Pilipinas ay bahagi ng anong tektonikong plato?
(The Philippines is part of what tectonic plate?)
Eurasian plate
Philippine plate
Pacific plate
Indo-Australian plate
Tawag sa malaking masa ng lupa na sinasabing pinagmulan ng Pilipinas.
crust
bulkan
tectonic
Pangea
Mga ideya at posibleng paliwanag na binuo ng mga eksperto batay sa resulta ng kanilang ginawang pag-aaral.
batas
teorya
dekreto
panukala
Ang mga sumusunod ay mga paniniwalang pinagmulan ng Pilipinas. Alin sa mga ito ang paniniwalang pangrelihiyon na sinasabing pinagmulan ng Pilipinas?
Magkakaugnay ang mga kontinente sa isang malaking kontinente.
Nabuo ang Pilipinas dahil sa pagputok ng bulkan sa ilalim ng karagatan.
Isang makapangyarihang manlilikha ang gumawa ng daigdig na kung saan ang Pilipinas ay nabibilang.
Ang Pilipinas ay bunga ng pagtaas ng lebel ng tubig sa karagatan at natabunan ang mga tulay na lupang nag-uugnay sa mga kapuluan.
Tawag sa mga labi ng halaman at hayop na naging bato dahil sa tagal na pagkakabaon sa lupa.
bato
fossil
teorya
arkipelago
Ito ang tawag sa lugar sa mundo na maraming aktibong bulkan kayat maraming paglindol at pagsabog ng bulkan ang nagaganap.
fault
Pacific Theory
arkipelago
Pacific Ring of Fire
Nilikha ng Diyos ang sanlibutan kasama ang bansang Pilipinas. Ang pahayag na ito ay batay sa
Mitolohiya
Relihiyon
Tectonic Plate
Nilikha ni Melu ang daigdig ayon sa paniniwala ng mga Badjao.
Mitolohiya
Relihiyon
Tectonic Plate
Dahil sa tatlong higanteng naglabanan gamit ang bato at dakot ng lupa nabuo ang
bansang Pilipinas.
Mitolohiya
Relihiyon
Tectonic Plate
Pinaniniwalaan ng mga Manobo na ang daigdig ay nilikha ng kanilang diyos mulas sa mga kuko nito.
Mitolohiya
Relihiyon
Tectonic Plate
Sino ang arkeologo na nagsabi na ang mga austronesian ang ninuno ng lahat ng tao sa Timog-Silangang Asya?
A. Peter Bellwood
B. Willhelm Solheim
C. Robert Fox
D. Henry Otley Beyer
Ito ay tumutukoy sa pangkat ng mga taong gumagamit o nagsasalita ng Austronesian.
A. Malay
B. Tabon Man
C. Austronesian
D. Negrito
Ano ang tawag sa mga sinaunang taong nandayuhan sa Pilipinas mula sa Taiwan
A. Malay
B. Tabon Man
C. Austronesian
D. Negrito
Sino ang antropologo ang naghain ng ng Core Population Theory
A. Henry Otley Beyer
B. Robert Fox
C. Felipe Lan Jocano
D. Peter Bellwood
Ang mga unang FIlipino ay nagmula sa isang malaking pangkat ng mga sinaunang tao sa Timog-Silangang Asya. Ano ang tawag sa teoryang ito?
A. Wave Mirgration Theory
B. Core Population
C. Austronesian Theory
D. Teoryang Continental Migration
Ano ang batayan ni Jocano sa kanyang teorya?
A. Mga nahukay na labi ng tao sa Tabon Cave sa Palawan
B. Mga kuto ng hayop natagpuan sa kabundukan ng Rizal
C. Mga labi ng tao na natagpuan sa Kuweba ng Pampanga
D. Mga nahukay na labi ng tao at hayop ng mga minero
Tawag sa nahukay na labi ng tao sa Tabon Cave noong 1962?
A. Callao Man
B. Cagayan Man
C. Tabon Man
D. Java Man
Sino ang may Teorya ng 3 pangkat ng tao na unang nandayuhan sa Pilipinas batay sa Teorya ng Wave Migration
A. Henry Otley Beyer
B. Robert Fox
C. Felipe Lan Jocano
D. Peter Bellwood
Ayon sa kuwento ng matatanda noon, sino ang bathala ng lumikha ng daigdig?
A. Eba
B. Adan
C. Langit
D. Laor
Ayon sa katuruan sa bibliya sa Genesis chapter 1. Saan daw nanggaling ang Lahing Pilipino?
A. Maganda at Malakas
B. Samson at Delilah
C. Matipuno at Marikit
D. Eba at Adan
1.Marunong magtanim ng halaman.
Neolitiko
Paleotiko
Metal
2. Natuklasan at nagamit ang apoy bilang ilaw, panluto at panangga sa lamig.
Neolitiko
Paleolitiko
Metal
3. Naninirahan sa yungib o kweba.
Neolitiko
Paleolitiko
Metal
4.Gumagamit din sila ng bronze (pinaghalong lat at iba pang metal)
Neolitiko
Paleolitiko
Metal
5. Natutong magpaamo ng hayop tulad ng kambing baka at baboy
Neolitiko
Paleolitiko
Metal
6. Gumamit ng mga tinapyas at magaspang na bato.
Neolitiko
Paleolitiko
Metal
7. Gumawa ng kagamitang hugis palayok.
Neolitiko
Paleolitiko
Metal
8. Natutuhan ang paggamit ng bitag sa hayop.
Neolitiko
Paleolitiko
Metal
9. Pinakikinis nila ang magaspang na kasangkapang bato.
Neolitiko
Paleolitiko
Metal
10. Nabuhay sa pangangaso at pangangalap ng pagkain.
Neolitiko
Paleolitiko
Metal
Walang kaalaman sa pagmimina ang mga ninuno noon.
Tama
Mali
Pagkakaingin ang paraan ng pagsasaka na nililinis at sinusunog muna ang burol bago taniman.
Tama
Mali
Ang pagiging kasambahay ay isa sa hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino.
Tama
Mali
Open trade ang tawag sa sistema ng pakikipagkalakalan noong pre-kolonyal.
Tama
Mali
Metalurhiya ang tawag sa gawaing pang-ekonomiko na gumagawa ng mga bagay mula sa metal tulad ng ginto.
Tama
Mali
Ang paghahanapbuhay ng mga Pilipino noon ay nakadepende sa katangian ng lugar na kanilang tinitirhan.
Tama
Mali
Ang mga palay, mais, niyog, at iba pa pang punongkahoy ang ilan sa mga pangunahing pananim ng mga katutubong Pilipino.
Tama
Mali
Ang India ay nakipagkalakalan sa Pilipinas noon.
Tama
Mali
Ang mga Tsino ang nagdala ng banga, porselana at seda sa ating bansa.
Tama
Mali
Panday ang tawag sa gumawa ng mga sandatang mula sa bakal.
Tama
Mali
Alpabeto ng mga sinaunang Pilipino
Baybayin
Pintados
Maliuag
Pomaras
Tawag sa Diyos ng mga Tagalog
Allah
Bathala
Abba
Diwata
Saya ang pang-ibabang kasuotan ng mga babae. Anong tawag dito sa Bisaya?
patadyong
baro
kanggan
bahag
Isang uri ng tansong gong na ginagamit na instrumento ng mga taga-Cordillera
tambuli
kaleleng
gangsa
plawta
Katutubong tirahan ng mga Pilipino
Rakuh
Fayu o Fale
Torogan
Bahay-Kubo
Isang sayaw na hango sa isang ibong tikling.
Dallot
Ayeg-Klu
Tinikling
Tigpasin
Isang uri ng instrumento na pinatutunog gamit ang ilong.
gangsa
kaleleng
tambuli
plawta
Ito ang tirahan ng mga mayayaman sa sultanato tulad ng datu.
bahay-kubo
rakuh
fayu o fale
torogan
Tawag sa paniniwala ng mga Pilipino na namamahay sa bundok, araw, at ilog ang espiritu ng kanilang mga ninuno.
animismo
anito
katalonan
mumbaki
Sino ang nagbibigay ng pangalan ng isang bagong silang na sanggolnoong sinaunang panahon.
(a)
Alin sa mga sumusunod ang nabibilang sa awit ng mga sinaunang Pilipino?
dallot
pagdiwata
talindaw
tinikling
Instrumento na yari sa sungay ng kalabaw.
gangsa
plawta
kaleleng
tambuli
Ano ang tawag sa lahas na hugis rosas na isinusuot ng mga kababaihan noong unang panahon?
hikaw
ganbanes
pomaras
ginto
Alin sa mga sumusunod ang nabibilang sa panitikan na pasalita?
Darangan
Ibalon
bugtong
sawikain
Ito ay tela na isinusuot sa baywang ng mga babae noong unang panahon.
tapis
bahag
baro
putong
Ito ay regular na pagdarasal ng limang beses sa loob ng isang araw na bahagi ng limang haligi ng Islam.
Salat
Malas
Zakat
Sadat
Sinasabi na bahagi ng limang haligi ng Islam na walang ibang Diyos na dapat sambahin kundi si Allah at si Muhhammad na kanyang propeta.
Shaha
Shahada
Saha
Hada
Ito ang pagbibigay ng tulong sa mahirap ay bahagi ng limang haligi ng Islam.
Zakat
Hajj
Saum
Salat
Isa sa haligi ng Islam ay ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadan paglalakbay ng Muslim sa lungsod ng Mecca.
Shahada
Hajj
Saum
Zakat
Panahon ng pag-aayuno na isinasagawa ng mga Muslim ang pag-aayuno.
Pista ng mga Santo
Ramadan
Mahal na araw
Biyernes Santo
Ang nag-iisang Diyos ng mga naniniwala sa Islam.
Allah
Jesus
Mohammed
Bathala
Ang tawag sa banal na aklat ng Islam.
Koran
Hajj
BIbliya
Tarsila
Aang tawag sa pag-aayuno sa panahon ng Ramadan.
Hajj
Sawm
Shahadah
Koran
Ang nagtatag ng relihiyong Islam.
Mohammed
Allah
Sharif Karim ul-Makdum
Sharif Kabungsuan
Dito itinayo ang unang moske sa Pilipinas.
Sulu
Bohol
Cebu
Maranao
Ito ay isang yugto ng kaunlaran ng isang lipunan.
Lipunan
Tradisyon
Komunidad
Kabihasnan
Ito ang kabihasnan na nakatuklas ng sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform.
Indus
Shang
Sumer
Lungshan
Ito ang kalendaryo ng mga Sumerian ang naging batayan ng ating kalendaryo sa kasalukuyan
Gregorian
Solar Calendar
Lunar Calendar
Chinese Calendar
Paano nabuo ang kabihasnan?
Pagtaas ng populasyon at pangkat ng mga tao
Pagkakaroon ng maayos na pamumuhay at nabago ang kapaligiran.
Pagkakaroon ng pamahalaan, sining, arkitektura at sistema ng pagsulat.
Sa pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan, uring panlipunan, relihiyon, sining, arkitektura, at sistema ng pagsulat.
Ito ang mga pamamaraan o paghahanda na ginawa ng mga kabihasnang umusbong sa Asya upang hindi sila magapi ng hamon ng kalikasan sa kanilang lugar tulad ng mga baha at kalamidad.
Nagtanim sila ng malalaking puno sa tabi ng ilog.
Nagtatago sila at bumabalik sa kweba kapag tapos na ang tag-ulan.
Nagtayo sila malalaking gusali upang hindi sila bahain at hindi maabot ng mga hayop.
Nagtayo sila ng mga dike na haharang sa mga tubig na maaring sumira sa kanilang pananim sa panahon ng tag-ulan.
Isa sa mga kontribusyon ng mga Babylonian ay ang Kodigo ni Hammurabi. Ano ba ang kahalagahan ng kodigong ito sa sangkatauhan?
Ito ay nagpapatunay na noon pa man ay may batas na sinusunod na ang mga tao.
Ito ay nagtalaga ng mga hakbang upang maging mabuti ang kalagayan ng mga kalalakihan.
Ito ay nagbigay ng karapatan sa mga mamamayan upang angkinin ang ari-arian at sakupin ang lupain ng ibang tao.
Ito ang nagsilbing pamantayan ng mga mamamayan sa kung ano ang dapat gawin at kung ano ano ang kaparusahan sa paglabag ng mga panuntunan.
Si John ay isang Kristiyano. Paano ipapakita ni John ang kaniyang pagpapahalaga sa Bibliya bilang dakilang ambag ng mga Babylonian at banal na aklat ng mga Kristiyano?
Bubuklatin lamang ang Bibliya sa tuwing magsisimba.
Bibigyan ng sapat na oras ang pag-aaral sa nilalaman nito.
Ipapaubaya sa pastor ang lahat ng mga bagay patungkol sa Bibliya.
Ilalagay ang Bibliya sa mababang lugar upang maabot ng mga batang hindi pa marunong bumasa.
Ang pagkaimbento ng papel ay isa sa mga ambag ng mga Tsino. Ang mga sumusunod ay kabutihang dulot ng pagkakaimbento ng papel maliban sa isa.
Nagiging mahal ang presyo ng papel.
Nagiging maayos ang pagkaimprinta ng mga babasahin.
Napapabilis nito ang paggawa ng kopya ng mga babasahin.
Nagkakaubusan ng pinagkukunang yaman sa paggawa ng papel.
Ang alpabeto ng mga Phoenician ay naging batayan ng kasalukuyang alpabeto. Paano ito nakatulong ng lubos sa ating lipunan at komunidad?
Dahil dito marami ang hindi marunong bumasa.
Dahil dito ay natuto tayong bumasa at sumulat dahilan upang magkaintindihan sa maraming paraan ng komunikasyon.
Dahil dito ay nalilito ang mga tao sapagkat marami tayong dapat tandaan habang tayo ay nag-aaral.
Dahil dito nagkaroon ng napakaraming ideya ang mga tao dahilan upang magkaroon ng mga debate at di pagkakaunawaan.
Ang mga ambag o kontribusyon ng sinaunang lipunan sa Asya ay dapat nating pahalagahan. Bilang Asyano, paano mo ipapadama ang iyong pagpapahalaga sa mga pamana ng ating mga ninuno?
Gagamitin ko ang kanilang mga pamana sa paraang magbibigay kabutihan sa mga tao.
Hindi ko gagamitin ang kanilang mga pamana bagkus ako kay gagawa ng sariling gamit
Gagawa ako ng mga makabagong bersyon ng mga ambag nila upang mapatunayan ko sa kanila na ako rin ay magaling pagdating sa mga imbensyon.
Pag-aaralan ko ang buhay na mayroon sila noong araw upang lalong maintindihan ang kanilang mga ambag at pagbubutihin ko ang paggamit sa mga ito upang lalo pang pakinabangan ng sangkatauhan.
