wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Araling Panlipunan 10- First Set

Total questions: 10

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa sumusunod na situwasiyon ang nagpapakita ng top-down approach sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Plan?

a)

Pinamunuan ni Kerwin, isang lider ng Non Government Organization (NGO) ang pagtukoy sa mga kalamidad na maaaring maranasan sa kanilang komunidad.

b)

Ipinatawag ni Kapitan Daniel Milla ang kaniyang mga kagawad upang bumuo ng plano kung paano magiging ligtas ang kaniyang nasasakupan mula sa panganib ng paparating na bagyo.

c)

Hinikayat ni Albert ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng estero upang maiwasan ang pagbara nito na maaaring magdulot ng malalim at matagalang pagbaha sa darating na ulan.

d)

Nakipag-usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa kanilang komunidad upang makalikom ng pondo sa pagbili ng mga first aid kit at iba pang proyekto bilang paghahanda sa iba’t ibang kalamidad.

2.

Ano ang unang yugto ng Community Based Disaster Risk Reduction and Management Plan?

a)

Prevention and Mitigation

b)

Disaster Response

c)

Hazard Assessment

d)

Recovery and Rehabilitation

3.

Alin sa sumusunod ang HINDI bahagi ng unang yugto ng Community- Based Disaster Risk Reduction and Management Plan?

a)

Capability Assessment

b)

Hazard Assessment

c)

Loss Assessment

d)

Vulnerability Assessment

4.

Sa approach na ito, lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan.

a)

CBDRRM

b)

Top Down Approach

c)

Bottom-up Approach

d)

PDRRM

5.

Isa sa mga katangian ng approach na ito ay ang malawak na partisipasyon ng mga mamamayan sa komprehensibong pagpaplano at mga gawain sa pagbuo ng desisyon.

a)

CBDRRM

b)

Top Down Approach

c)

Bottom-up Approach

d)

PDRRM

6.

Ito ay yugto ng CBDRRM na kinakikitaan ng mga gawain na naglalayong maipanumbalik sa dating kaayusan ang daloy ng pamumuhay sa mga nasalantang komunidad.

a)

Prevention and Mitigation

b)

Disaster Preparedness

c)

Disaster Response

d)

Disaster Rehabilitation & Recovery

7.

Ito ay tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya, opinyon, o paksa sa kahit anong larangang may kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Ito ay sumasaklaw sa kahit anong interes ng mga tao. Ang mga kontemporaryong isyung ay maaaring panlipunan, pangkalusugan, pangkapaligiran, pangkalakalan, at marami pang saklaw.

a)

Kasaysayan

b)

Heograpiya

c)

Ekonomiks

d)

Kontemporaryong Isyu

8.

Alin sa sumusunod ang kabilang sa Kontemporaryong Isyung Panlipunan?

a)

Halalan, Terorismo at Rasismo

b)

COVID19, Dengue at Kanser

c)

Polusyon, Basura at Pagbabaha

d)

Globalisasyon, OFWs at Pananalapi

9.

Ang pagkawala ng iba't ibang faunal species o mga uri ng hayop at isda sa paligid. Anong uri ng suliraning pangkapaligiran ito?

a)

Problema sa Solid waste

b)

Pagkawala ng Biodiversity

c)

Pagkawasak ng kagubatan

d)

Pagkasira ng Lupa

10.

Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba't ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran?

a)

Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba't ibang suliraning pangkapaligiran.

b)

Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t ibang sektor sa lipunan.

c)

Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran.

d)

Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang mga suliraning pangkapaligiran nito.