Worksheets3rd LE Summative Test
Total questions: 21
Worksheet time: 13mins
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng wastong sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ito ay nakatutulong upang masubaybayan ang gawain sa pagsasapamilihan.
A. talaan
B. pagpapakete
C. pagtatakda ng presyo
D. pagsasaayos ng paninda
2. May malawak na gulayan si Alex. Tuwing sasapit ang anihan, ang bawat gulay ay masusi niyang itinatala ayon sa uri at kalidad ng mga ito. Kaya naman ang pagtitinda ng kaniyang gulay ay nagiging matagumpay. Anong katangian ang kaniyang ipinamamalas?
A. masiyahin
B. mabilis magtrabaho
C. organisado at matiyaga
D. matapat at maasahan
3. Ito ay itinuturing na gabay upang maging matagumpay ang isang gawain.
A. Plano
B. Proyekto
C. Recipe
D. Talaan
4. Sa anong bahagi ng talaan makikita ang kabuuang dami ng pakete ng gulay na maaring ipagbili?
A. Pangalan ng Gulay
B. Bilang ng pakete/supot na hindi maaring ibenta
C. Bilang ng pakete/supot ng gulay na may mataas na kalidad
D. Kabuuang bilang ng pakete/supot na maaring isapamilihan
PANGKALAHATANG INAASAHAN
PAUNANG PAGSUBOK
5. Ito ang mga gawaing dapat isaalang-alang sa pagsasapamilihan ng inaning gulay MALIBAN sa .
A. pag-aani ng gulay
B. pagtatala ng mga inaning gulay
C. paglalagay ng abonong organiko
D. pagpapakete ng mga isasapamilihang gulay
6. Nais ni Juana na isapamilihan ang inani niyang gulay. Ano ang una niyang dapat gawin?
A. Magbenta agad ng gulay upang magkaroon ng suki.
B. Gumawa ng mahusay na plano sa pagsasapamilihan.
C. Ipakete agad ang mga gulay upang hindi mabulok ang mga ito.
D. Mag-ipon ng puhunan para makakuha agad ng pwesto sa palengke
7. Ito ay isang paraan ng paglalagay ng mga panindang gulay sa malinis, maayos at ligtas na lalagyan.
A. Pag-aani
B. Pagpapakete
C. Pagsasapamilihan
D. Pagtatanim
8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katangian ng maayos na pagpapakete?
A. Ang tatak o label ay maliit ang sulat.
B. Iba-iba ang uri, laki at timbang ng mga gulay.
C. Nakahalo ang mga bulok na gulay sa pakete.
D. Nakalagay sa maayos at malinis na lalagyan ayon sa uri at laki.
9. Bumili si Aling Minda sa palengke ng gulay na nakalagay sa maayos na pakete. Ano kaya ang katangian ng gulay na kanyang nabili?
A. bulok
B. kulang sa timbang
C. lanta
D. sariwa
10. Kung ang puhunan ng isang kilong ampalaya ay ₱ 70.00 at dadagdagan ito ng 15%, magkano ang presyo na iyong itatakda?
A. ₱ 70.50
B. ₱ 50.00
C. ₱ 80.50
D. ₱ 60.50
11. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging matapat sa pagtatakda ng presyo?
A. Magtakda ng presyo ayon sa pangangailangan.
B. Taasan ang presyo dahil masama ang panahon.
C. Doblehin ang presyo upang lalong lumaki ang kita.
D. Sumunod sa mga itinakdang batas na ipinaiiral ng pamahalaan.
12. Ito ang tawag sa presyong itinakda ng mga gumagawa ng produkto.
A. Price Floor
B. Retail Price
C. Price Ceiling
D. Suggested Retail Price
13. Ang pinakamataas na presyo na itinakda ng pamahalaan upang ipagbili ang produkto ay tinatawag na .
A. Price Floor
B. Retail Price
C. Price Ceiling
D. Suggested Retail Price
14. Ano ang kabutihang naidudulot ng paggamit ng talaan sa pagsasapamilihan ng gulay?
A. Kaunting gulay ang naipagbibili.
B. Nadaragdagan ang gawain sa pagsasapamilihan.
C. Masayang gawin ang talaan sa pagsasapamilihan.
D. Nakatutulong upang masubaybayan o makita ang kalidad at uri ng gulay na nais isapamilihan.
15. Si Lina ay masusing gumagawa ng plano bago magsapamilihan ng mga inaaning gulay. Ano ang kabutihang naidulot nito?
A. Nalugi siya.
B. Kumita siya nang malaki.
C. Naging masayahin siya.
D. Nasayang lang ang kanyang oras
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad ng kabutihang dulot ng talaan at MALI kung hindi.
16. Ang paggamit ng talaan ay ginagamit upang maayos ang pagsasapamilihan ng mga inaning gulay.
A. Tama
B. Mali
17. Sa talaan makikita ang uri at kalidad ng mga gulay bago isapamilihan.
A. Tama
B. Mali
3. Ang paggawa ng talaan ng inaning gulay ay karagdagang gawain sa pagsasapamilihan at nagpapahirap sa nagtitinda.
A. Tama
B. Mali
4. Sa paggawa ng talaan, naipamamalas ang pag-uugaling matiyaga at organisado na nagbubunga ng matagumpay na pagsasapamilihan.
A. Tama
B. Mali
5. Ang paggawa ng talaan ay nakapagpapabagal ng pagsasapamilihan ng mga inaning gulay.
A. Tama
B. Mali
Panuto: Kuwentahin ang kinita sa paggugulayan. Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon.
21-25. Nais ni Mang Juan na isapamilihan ang inani niyang sayote. Ang kabuuang puhunan niya ay ₱500.00. Kung dadagdagan niya ito ng 25% na tubo, magkano ang presyo ng kaniyang sayote?
