NEW
Font size
WorksheetsSummative test ( 8th Week)
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Ang yugtong ito ay binubuo ng mga gawain na naglalayong maibalik sa dating kaayusan ng pamumuhay sa mga nasalantang komunidad.1. Ang yugtong ito ay binubuo ng mga gawain na naglalayong maibalik sa dating kaayusan ng pamumuhay sa mga nasalantang komunidad.
A. Paghahanda sa Kalamidad
B. Pagtugon sa Kalamidad
C. Rehabilitasyon sa Kalamidad
D. Paghadlang sa Kalamidad
2. Isinasagawa ito upang matukoy ang kakayahan ng isang komunidad sa pagharap sa iba’t ibang kalamidad.
A. Pagtataya ng Kapasidad
B. Pagatataya ng Peligro
C. Pagtugon sa Kalamidad
D. Paghahanda sa Kalamidad
3.Ang gawaing ito ay isinasagawa upang maging handa ang komunidad at maiwasan ang malawakang pinsala nito sa pamamagitan ng aktibong pakikibaghagi ng mga mamamayan.
A. Community Based Disaster Risk Reduction Management Approach
B. Community Preparedness and Risk Management Approach
C. Philippine Disaster Risk Management
D. Philippine Disaster Risk Reduction Management Council
4. Bahagi ng Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad ang mga hakbang at gawain na nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at estruktura. Ano ang pangunahing gampanin ng yugtong ito?
A. Mabigyan ng sapat na proteksyon ang mga nasalanta ng kalamidad
B. Makapagbigay ng mga inaasahang serbisyong panlipunan at paglilingkod sa pampamahalaan
C. Manumbalik sa dating kaayusan at normal na pamumuhay ang mga nasalantang komunidad
D.Maipagkaloob sa mga nasalantang komunidad ang mga pangunahing pangangailangan at gamot
5. Bahagi ng Community Based Disaster Risk Reduction Management Plan ang pagtataya sa lawak ng pinsalang dulot ng isang kalamidad. Alin sa sumusunod ang sumusuporta rito?
A. Magsisilbi itong gabay ng mga NGOs para sa mga gawaing pangkabuhayan.
B. Magiging epektibo ang aksyon ng mga ahensiya ng pamahalaan sa muling pagbangon kung ito ay napapahalagahan
C.Maiiwasan ang pinsala na maaaring idulot ng kalamidad kung ito ay mapapahalagahan.
D. Magsisilbing gabay sa pagtugon sa pangangailangan ng nakaranas ng kalamidad.
6. Bukod sa pagkakaroon ng sapat na kagamitan, ano ang dapat gawin ng mga mamamayan upang maging handa sa mga kalamidad?
A. Magsagawa ng pagpupulong ang mga ahensiya ng pamahalaan upang gabayan ang mga mamamayan.
B. Magkaroon ng kapasidad na harapin ang panganib sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa pamayanan.
C. Ipagbigay alam ang mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan na maaring magdulot ng kapahamakan.
D. Magsagawa ang mga pinuno ng pamahalaan ng pagbabahagi ng kaalaman at tulong sa mga maaapektuhan.
7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa Paghadlang at Mitigasyon sa Kalamidad?
A. Pagtataya ng Panganib
C. Pagtataya ng Kapasidad
C. Pagtataya ng Kapasidad
D. Pagtataya ng Peligro
8. Sa pagbuo ng CBDRRM plan, ano ang nararapat mong gawin bilang mamamayan ng isang lugar upang maging handa sa pagtama ng iba’t ibang panganib at kalamidad?
A. Maging aktibong kabahagi sa pagbubuo ng plano para sa buong pamayanan.
B. Magsagawa ng personal plan para matugunan ang pangangailangan ng lipunan.
C. Makibahagi sa gawaing pangrehabilitasyon at tulungan ang mga naapektuhan.
D. Magkaroon ng planong pampinansiyal upang matustusan ang pangangailangan ng mga tao.
9. Layunin ng Paghahanda sa Kalamidad ang sumusunod maliban sa:
A. magbigay impormasyon
B. magbigay ng pagbabago
C. magbigay ng payo
D. magbigay ng panuto
10. Sa pagsasagawa ng pagtatasa ng kakulangan at kahinaan o vulnerability assessment, mahalaga na masuri ang sumusunod na salik maliban sa:
A. Elementong nalalagay sa peligro
B. Mamamayang nalalagay sa peligro
C. Lokasyon na mga mamamayang nasa peligro
D. Lokasyon ng mga elementong nasa peligro
