WorksheetsEdukasyon sa Pagpapakatao 9
Total questions: 74
Worksheet time: 37mins
May sakit ang iyong kapatid. Paano mo maipapakita na mayroon kang malasakit sakanya?
Aawayin ko siya.
Pagtatawanan ko siya.
Aalagaan at bibigyan ng gamot.
Pumunta sa palengke ang iyong ina at naiwan kayo ng kapatid mong may sakit. Ano ang gagawin mo?
Babantayan ko ang aking kapatid.
Makikipaglaro ako sa aming kapitbahay.
Iimbitahin ko ang aking mga kaibigan sa aming bahay.
Dumating ang iyong ama galing sa trabaho at pagod na pagod ito. Ano ang gagawin mo?
Hihingi ako ng pasalubong.
Kakamustahin ko siya at bibigyan ng tubig.
Sasabihin ko na wala pa kaming panghapunan.
Ang mga sumusunod ay gawaing nagpapakita ng pagkakabuklod ng pamilya MALIBAN sa isa.
Sama-sama sa Pagkain
Sama-sama sa pang-aaway ng kapitbahay
Pagdarasal
Nagsisigawan sina nanay at tatay. Ito ba ay nagpapakita ng pagkakaisa ng pamilya?
Opo
Hindi po
Siguro po
Alin sa mga larawan ang HINDI nagpapakita ng pagkakabuklod ng pamilya?
Paano mo maipapakita na ang inyong pamilya ay may pagkakaisa?
Sigawan sina ate at kuya kapag inutusan ka.
Nagtutulungan ang lahat sa gawaing bahay.
Hayaang si nanay ang magligpit ng iyong mga laruan.
Alin ang kilos o gawain na nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa?
Pagtawanan ang kaibigan kapag mababa ang kaniyang marka.
Bigyan ng tubig o pagkain ang pulubi.
Ipahiya ang taong namamalimos.
Ipagdarasal ko ang kasapi ng pamilyang maysakit.
Tama
Mali
Alin sa mga sumusunod ang dapat mong ibigay sa taong may sakit?
Bigyan ng sapat na pag-aalaga at pagmamahal ang mga taong may sakit upang gumaan ang kanilang pakiramdam.
Tama
Mali
Siguro
Alin sa mga larawan ang HINDI nagpapakita ng pagmamalasakit sa taong maysakit?
Ang sama-samang pagkain, pamamasyal, pagdarasal, at pagkukuwentuhan ay mga gawaing ___________________.
Nagpapakita ng malasakit sa isa't isa.
Nagpapakita ng pagkakabuklod ng pamilya
Nagpapakita ng pagmamahal sa maysakit.
Sama-samang nanonood ang pamilya Guzman. Sila ba ay nagpapakita ng pagkakaisa?
Opo
Hindi
Siguro
Alin sa mga gawain ang nagpapakita ng pagkakabuklod ng pamilya?
Gamot, sopas, prutas at gulay. Kanino ito madalas ibigay?
Sa taong maysakit
Sa pulubi
Sa kaibigan
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkakabuklod ng pamilya.
Pamilyang hindi nagdarasal bago kumain.
Pamilyang hindi nagkakaintindihan sa ginagawa.
Pamilyang nagtutulungan sa gawaing bahay.
Painumin ng softdrinks ang taong maysakit.
Tama
Mali
Siguro
1. Ano ang kahulugan sa pahayag ni Stan Lee (isang manunulat ng komiks na Spiderman) na, “With great power comes great responsibility”?
Mas mabigat ang gawain ng taong maraming tungkulin
Kung may karapatan, ipaglaban mo
Maganda ang pagkakaroon ng kapangyarihan
Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyong moral
Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang isang gawain. Alin sa sumusunod ang hindi ipinahihiwatig nito?
Nakabatay ito sa Likas na Batas Moral
Nakasalalay ito sa malayang isip ng tao
Nakasalalay ito sa taglay na kilos-loob ng tao
Nagkakaroon ito ng epekto sa sarili at sa mga ugnayan kung hindi ito tinutupad
Si Mang Danilo ay napatalsik sa kaniyang trabaho dahil hindi niya sinunod ang mga
patakaran ng kanilang pagawaan. Nilabag ba ang karapatan niyang maghanapbuhay?
Oo, dahil mawalan ng ikabubuhay ang kaniyang pamilya.
Oo, dahil may karapatan rin siyang magpahayag sa kaniyang opinyon sa trabaho.
Hindi, dahil may tungkulin rin siyang sumunod sa mga patakaran at layunin sa trabaho.
Hindi, dahil matigas ang kaniyang ulo at napahihirapan niya ang kaniyang mga kasamahan sa trabaho.
Bakit kailangan pang kumuha ng passport o visa bago makapunta sa ibang bansa gayong may karapatan naman tayong makapunta sa ibang lugar?
Dahil dapat may proteksiyon ang manlalakbay at ang bansang pupuntahan
Dahil kailangan ang listahan sa mga taong umaalis at papasok sa isang bansa
Dahil dapat malaman ng pamahalaan kung saan-saang mga bansa ka pumupunta
Dahil nararapat magbayad ng buwis ang mga taong nais maglakbay sa ibang bansa
Ang sumusunod ay nagpapakita na kabuluhan sa paggawa ng tungkulin maliban sa:
Nag-aaral si Miguel nang mabuti at nakikinig sa talakayan upang matuto
Ginagawa ni Arnel ang gawaing bahay upang makapagpahinga si inay
Inaayos ni Yuri ang sirang gripo ng tubig upang hindi maaksaya ito
Naglilinis si Hannah sa paaralan upang purihin ng kaniyang guro
Ano ang tinutukoy ng kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kaniyang estado sa buhay?
Tungkulin
Karapatan
Karunungan
Dignidad
Sino sa mga mag-aaral ang gumagawa ng kaniyang tungkulin na mapangalagaan ang kaniyang sarili?
Si Ed na nagiging magaling sa klase kahit kaunti lang ang tulog dahil sa pag-aaral.
Si Marlo na hindi tumitigil sa pagsasanay ng gymnatics para manalo sa paligsahan.
Si Jessie na ginagawa ang lahat na gustong gawin upang magiging masaya palagi.
Si Jean na naging maingat sa kaniyang mga posts sa social media upang mapangalagaan ang kaniyang pagkatao.
“May kaakibat na tungkulin ang bawat karapatan.” Ano ang ibig sabihin nito?
Tungkulin nating pangalagaan ang karapatan upang igalang tayo ng kapuwa
Tungkulin nating alagaan ang karapatan ng kapuwa upang makatulong sa kanila
Tungkulin nating isagawa ang ating gawain ayon sa alam nating nararapat dahil tayo ay may karapatan at dignidad bilang tao
Tungkulin nating pahalagahan ang karapatan sa paggawa ng ating obligasyong gawin o hindi gawin ang isang bagay ayon sa Likas na Batas Moral
Labingwalong taong gulang na si Jade at nag-aaral pa. Ayon sa batas, maaari ng makapag-asawa ang edad 18 pataas. Pero hindi pa rin siya pinahihintulutang mag-asawa. Ano ang malalim na dahilan ng mga magulang niya?
Hindi pa siya handa sa mga responsibilidad sa buhay may asawa at nararapat na mahubog muna niya sa sarili ang mapanagutang pagpapasiya.
Hindi pa siya nakapagtapos ng pag-aaral at hindi pa niya naabot ang kaniyang pangarap sa buhay.
May obligasyon pa siya na mapaaral ang mga kapatid at maipaayos ang kanilang bahay.
Ayaw ng kaniyang mga magulang sa mapapangasawa niya.
Si Omar ay balak magtinda sa kantina ng paaralan. Ano ang mas mabuting itinda niya?
Softdrinks para malaki ang kita
Kendi, junk food at pandesal para sa miryenda
Mga ulam na gulay at prutas para sa tanghalian
Mga palamuti gaya ng hikaw, stickers at iba pa
Ang mga tao ay nagtutulungan sa pamamagitan ng pagdamay sa kanilang kapwa tao.
Ang pakikilahok ay dapat kilalaning isang obligasyon ng bawat tao
Ang kabutihang panlahat ay makakamit lamang kung ang bawat isa ay hindi nagdadamayan sa gawain.
Ang talento at kayamanan ang hindi dapat na makita at maibahagi ng isang tao na magsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo.
Ikaw ay hindi makadadalo sa lingguhang paglilinis sa inyong komunidad sa kadahilanang ikaw ay naglalaro ng ML. Ito ay nagpapakita ng isang uri ng pakikilahok.
Ang pagganap sa tungkulin bilang isang mamamayan sa pamamagitan ng kusang pagtulong at paglahok ay isang uri ng bolunterismo
Ang halimbawa ng bayanihan, damayan, kawang gawa at pagbibigay ng tulong na walang hinihintay na kapalit ay isang uri ng paglahok.
Mahalaga na may kamalayan ang isang batang katulad mo sa mga pananagutan at tungkuling dapat mong gampanan sa iyong komunidad.
Ang pag-unlad at pagpapahalaga sa sarili ay isa sa mga benepisyong taglay ng isang mamamayan.
Nagkaroon ng isang proyekto ang Sangguniang Kabataan sa aming Barangay. Ang mga kabataan ay tumugon sa panawagang paglilinis ng kapaligiran sa ikagaganda ng aming komunidad na madaling naisagwa ng lahat.
Kailangang ginagawa ng may buong pagmamahal ang lahat ng ating ginagawa.
kagalingan
paggawa
Ang katotohanan ay sumasakasaysayan dahil hindi hiwalay ang katotohanan sa tao, at sa mga katoto na nakaaalam nito.
TAMA
MALI
Ang sumasakasaysayan ay sumasakop sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap.
TAMA
MALI
Wala sa mundong ito ang nagtatagal kahit ang ugnayang nabuo natin sa ibang tao.
TAMA
MALI
Ang ugnayan natin sa iba ay nabubuo sa pamamagitan ng pagtutulungan para sa kabutihang panlahat.
TAMA
MALI
Ayon kay Max Scheler, ang tunay na kaligayahan ay ang paglingkuran lamang ng tao ang kanyang sarili.
TAMA
MALI
Ang paghahanap ng isip sa kanyang tunay na tunguhin ay hindi nagtatapos. Ang pahayag ay:
Mali, dahil natatapos na ito sa pagkamatay ng tao
Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi perpekto, mayroon itong hangganan
Tama, dahil hindi katulad ng katawan, ang isip ay hindi tuluyang nagpapahinga
Mali, dahil kapag naabot na ng tao ang kanyang kaganapan ay hihinto na ang kanyang paghahanap sa kanyang tunay na tunguhin
Ang sumsusunod ay katangian ng isip maliban sa:
Ang isip ay may kapangyarihang mag-alaala.
Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran.
Ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga pagpapasya.
Ang isip ay may kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay
Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?
mag-isip
umunawa
magpasya
magtimbang ng esensiya ng mga bagay
Analohiya: Isip: kapangyarihang mangatwiran – kilos-loob : ___________
kapangyarihang magnilay, sumagguni, magpasya at kumilos
kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili
kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan ang pasya
kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang nadarama
Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay:
Tama, dahil lahat ng mga ito ay nilikhang may buhay ng Diyos
Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang mga magulang
Mali, dahil may mga bagay na taglay ang tao higit pa sa mabuhay , maging malusog at makaramdam.
Tama, dahil katulad ng tao ay may pangangailangan din silang alagaan upang lumaki, kumilos at dumami.
Sa pamamagitan ng kilos-loob nahahanap ng tao ang ________________.
kabutihan
katotohanan
kaalaman
karunungan
Bakit sinasabi na “ipinapanganak ang tao na hindi tapos?”
Ang tao ay hindi tapos dahil hindi pa niya nakakamit ang kaniyang mga ambisyon sa buhay.
Ang tao ay hindi tapos dahil may mga kakayahan pa siya na maaaring malinang pa upang mas mapahubog pa ang kaniyang pagpapakatao.
Ang tao ay hindi tapos dahil kailangan niya pang-abutin ang kaniyang pangarap.
Wala sa nabanggit
Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan?
Mag-isip
Makaunawa
Maghusga
Mangatwiran
Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ay:
Tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan
Mali, dahil nakikilala nito ang gawang mabuti at masama
Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin
Tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinibigay na impormasyon ng isip
Ang tao ay may tungkuling _________________________, ang isip at kilosloob.
Sanayin, paunlarin at gawing ganap
Kilalanin, sanayin, at gawing ganap
Kilalanin, sanayin, paunlarin at gawing ganap
Wala sa nabanggit
Ang pakakaisa ay makakamit kung ang bawat kasapi ay_____________.
may iisang paraan ng paggawa
may magkakatulad na paniniwala
may kahandaang makibahagi sa gawain
may iisang kultura at kabihasnan
Kaakibat ng pagsasabuhay ng pagkakaisa ang __________.
pagsasakripisyo ng mamamayan
pagtaas ng antas ng edukasyon ng mamamayan
pag-unlad ng kabuhayan ng mamayan
pagnanais na makatulong ng bawat mamayan
Nakahahadlang sa pagkakamit ng pambansang pagkakaisa ang ___________.
kawalang ng malasakit sa kapakanan ng pangkat
heograpikal na kalagayan ng bansa
magkakaibang relihiyon na pinaniniwalaan
labis na pamumulitika
Ang mga lungsod ng Marikina at Davao ay isang magandang ehemplo ng _____________.
mahusay na pamamahala ng punong-lungsod
kalinisan at disiplinang isinasabuhay ng mga mamamayan
kalinisan at disiplinang isinasabuhay ng mga mamamayan
pagtutulungan ng pinuno at pinamumunuan tungo sa iisang layunin
Mahalagang ituro sa murang edad pa lamang ang diwa ng kabutihang panlahat sa pamamagitan ng _____________.
pagpapaunlad ng mga talentong maiiambag sa pangkat
pagmumulat ng epektong idudulot sa pangkat ng mga gagawin
pag-iwas sa pakikipagtalo upang walang maging argumento at gulo sa pangkat
pagsunod sa mga patakarang magdudulot ng kapayapaan sa pangakat
Tumutukoy sa panuntunan ng pagkakaroon ng iisang layunin o tunguhin o tungkulin ng isang pangkat o tao.
prinsipyo ng subsidiarity
prinsipyo ng solidarity
prinsipyo ng Human Rights
Prinsipyo ng batas
Kailangan upang makamit ang isang mithiin.
malinaw na direksyon
tiyak na layunin
mamamayang sagana sa talento
wala sa nabanggit
Mahalagang salik na kailangan sa pag-unlad.
mayamang kalikasan
pagkakaisa
malinaw na mithiin
mamamayan
Dahilan kung bakit hindi nakakamit ang pag-unlad.
kawalan ng trabaho
kawalan ng pagkakaisa bilang isang lahi at isang bayan
suliraning pampamilya
suliraning pansarili
Suliraning nakahahadlang sa pag-unlad ng ating bansa.
di sapat na bilang ng tao sa lipunan
pagkakani-kaniya
kakulangan sa likas na yaman
kakulangan sa pera
Ang kagawarang ito ay nasa ilalim ng kagawarang pananalapi na ang pangunahing gawain ay mangolekta ng buwis.
DOF
NEDA
BIR
DA
Ang kagawarang ito ang na ngangalaga sa mga likas na yaman ng bansa.
DA
NEDA
DOF
DENR
Ang kagawarang na ito ay nag tataguyod ng pag unlad ng agrikultura ng bansa.
DA
DENR
BIR
DOF
Sino ang tinaguriang Superheroine ng mga nanay sa payatas?
Reese Fernandez
Reeze Fernandez
Resse Fernandez
Rezze Fernandez
Binigyan ni Gg. Asuncion ang klase ng mga kakailanganing kagamitan ang lahat ng bata gaya ng lapis, krayola at pambura.
Patas
Pantay
Mabait na tao
Wala sa nabanggit
Naglaan ng priority lane para sa mga senior citizens, may kapansanan at mga buntis ang opisina ng pamahalaan.
Equal
Fair
Mabuting adbokasiya
Wala sa nabanggit
Ang Lipunang Sibil ay binubuo ng tatlong mahahalagang sangay gaya ng _____________.
Bata, Media, Lipunan
Lipunan, Batas, Media
Media, Simbahan, Lipunan
Simbahan, Media, Batas
May ibat ibang uri ng tao sa lipunan ang maari mong makahalubilo, sa palagay mo ano ang klase ng ugali ang dapat mong ipakita sa kanila.
Walang pakialam, hayaan sila sa gusto nilang gawin
Pag tanggap at pag respeto
Gawan ng masama ang kapwa
Wala sa nabanggit
Alin sa mga ito ang Layunin ng DepEd
Ang mag aaral ay matuto pati narin ang kanilang mga magulang
Ang mag aaral pabayaang matuto ng kanila lamang
Ang mga mag aaral ay natututo sa isang kapaligirang maka-mag-aaral, may pag galang sa kasarian, ligtas at nahihikayat mag aral
wala sa nabanggit
Kaano ano ni Moises si Jetro?
Kapatid
Kaibigan
Biyenan
Tatay
