Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EPP-AA-REVIEW 2

Total questions: 25

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

1 Ipagpalagay mo na mayroon kayong maliit na fishpond. Ano ang iyong gagawin upang maging kawili-wili ito sa lahat ng kasapi ng pamilya lalo na kung ang nakakatanda mong kapatid ay walang interes sa pag-aalaga ng isda?

a)

Lagyan ng disenyo upang makaagaw pansin

b)

Bigyan ng oras o pagkakataon na magpakain sa mga isda

c)

Gumawa ng simpleng anunsiyo o kaya ay flyers na ibibigay sa mga kakilala mo na may kalakip na larawan ng iyong pamilya.

d)

Hayaan na lang siya nawalan ng interes

2.

2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasama sa mga kahalagahang dulot ng pag-aalaga ng manok at iba pang kauri?

a)

Pinagkukunan ito ng pagkain tulad ng karne at itlog

b)

Nagpapalala ng problema sa kakulangan sa pagkain

c)

Nakakatipid sa gastusin ng pamilya

d)

Nagkakaroon ng tiwala sa sarili at nagiging responsible at maalalahanin

3.

3. Ang Sunflower ay isang uri ng halamang Ornamental na kung saan itinatanim ito mula sa

a)

buto

b)

sanga

c)

dahon

d)

puno

4.

4. Ito ay paraan ng pagtatanim na kinakailangan magpunla at ilipat ang sibol sa takdang panahon sa tamang taniman. Ano ito?

a)

.tuwirang pagtatanim

b)

artipisyal na pagtatanim

c)

di-tuwirang pagtatanim

d)

organikong pagtatanim

5.

5 Ilan sa mga sumusunod ay mga epekto ng tamang pagpapakete ng mga aning produkto. Alin dito ang hindi kabilang?

a)

Mapanatili ang pagkagusto ng mga mamimili

b)

Maaaring magbigay ito ng pag-akit sa isang produkto

c)

Maaaring mahadlangan ang proseso ng pagkasira at pagka bulok

d)

Magiging magiliw ang nagtitinda sa lahat ng oras

6.

6. Bakit mahalaga ang pagtatala at pagtutuos ng mga gastos a pinagbilhan sa mga inaning gulay?

a)

Nagsisilbing pang-alis ng stress

b)

Upang malaman kung may kinita o wala

c)

Upang matugunan ang problema sa malnutrisyon sa ating bansa

d)

Upang ipaalam lamang ang pagsasapamilihan ng iyong produkto

7.

7. Kung ikaw a magnenegosyo, Ano ang maaari mong gawin upang maging matagumpay ang pagsasapamilihan ng produkto?

a)

Ilako ito malapit sa paliparan

b)

Ipaubaya na lang sa ibang negosyante

c)

Gumawa ng simpleng anunsyo o flyers

d)

Ibenta ang produkto sa tamang panahon

8.

8. Ano naman ang tawag sa paraan ng pagbebenta ng inaning produkto na pakonti-konti at pira-piraso o pakilo-kilo?

a)

tingian

b)

tianggehan

c)

pakyawan

d)

sari-sari store

9.

9. Ano ang tawag sa paraan ng pagbebenta ng inaning isda na maramihan ang pagbebenta?

a)

tingian

b)

tianggehan

c)

pakyawan

d)

sari-sari store

10.

10. Ang mga sumusunod ay mga uri ng tingiang tindahan. Alin dito ang hindi kabilang?

a)

sari-sari store

b)

paliparan

c)

tiangge

d)

palengke

11.

11.Mamimitas na ng malalaking bayabas si Tracy. Ano kaya ang gagawin niya upang hindi magasgas at mangitim ang mga ito?

a)

ilagay sa basket

b)

ibilad sa init ng araw

c)

itago sa loob ng bahay

d)

balutin ito ng papel o dyaryo

12.

12. Malapit na ang pag-aani ng mga mangga na pagmamay-ari ni Mang Carding, ano ang dapat niyang ihanda para gamitin sa pamimitas nito?

a)

mga asarol at araro

b)

mga mahahaba na patpat

c)

mga gunting at mga kutsilyo

d)

mga kawayan na may sabitan

13.

13. Madalas nag-iinspeksyon si Mang Naldo sa kanyang mga pananim na bungang-kahoy bukod nito, ano pa ang maaari niyang sundan upang makatiyak sa tamang panahon ng pagaani?

a)

balita tungkol sa panahon

b)

kalendaryo sa pagtatanim

c)

listahan ng mga pananim

d)

talaan ng mga pananim

14.

14. Maraming naaning kamote si Aling Carol kaso lang maputik ang mga ito. Ano ang wastong paglilinis nito?

a)

.ibilad sa araw para matuyo

b)

isa-isa itong punasan ng tela

c)

ilublob ito sa tubig para malinis

d)

ilagay lang sa basket para matagal ang putik

15.

15. Mag-aani na ng kanyang pananim na kamote si Aling Carol. Ano ang kagamitang gagamitin niya sa pag-aani nito?

a)

gunting

b)

kutsilyo

c)

patpat na mahaba

d)

malaking tinidor o bareta

16.

16. Alin sa mga sumusunod ang mga pananim na nabibilang sa mga bungang-ugat?

a)

okra, karot at sitaw

b)

kalabasa, gabi at sili

c)

patatas, karot at kamote

d)

talong, sitaw at labanos

17.

17. Alin sa mga sumusunod na pananim ang HINDI ginagamitan ng dulos sa pagkuha o pagbubungkal ng mga bungang-ugat na gulay?

a)

karot

b)

repolyo

c)

patatas

d)

sibuyas

18.

18. Si Dwayne ay mag-aani na nang kanyang mga pananim na sitaw at okra. Kailan kaya higit na mainam itong anihin para hindi mabilis malanta?

a)

gabi

b)

tanghali

c)

umaga o hapon

d)

kahit anong oras

19.

19. Paano mapanatili ang kalidad ng isang produkto tulad ng mga gulay na ibinebenta sa palengke?

a)

.anihin ito kung kailan gusto

b)

sundin ang wastong paraan ng pag-aani

c)

gamitan ito ng mga artipisyal na pataba

d)

ilagay ito sa malamig na lalagyan tulad ng refrigerator

20.

20. Alin sa mga sumusunod na mga pananim na gulay ang inaani ng 35-45 na araw?

a)

okra

b)

sitaw

c)

petsay

d)

kamatis

21.

21. Planong anihin ni Cris ang mga tanim niyang labanos at kamote. Ano kaya ang palatandaan na puwede na niya itong anihin?

a)

berde pa ang mga dahon

b)

malambot na ang mga bunga

c)

mapintog at makinis ang mga bunga

d)

matigas at malutong pa ang mga bunga

22.

22. Gusto nang anihin ni Aling Marta ang kanyang mga pananim na talong, sitaw at kamatis. Alin sa mga sumusunod ang HINDI niya dapat gamitin sa pag-aani nito?

a)

kutsilyo

b)

gunting

c)

kamay

d)

pliers

23.

23. Nananabik na si Tony na anihin ang kanyang pananim na sili at talong. Ano kaya ang palatandaan na pwede na itong anihin?

a)

kapag pula na ang mga ito

b)

.kapag malaki na ang mga ito

c)

.kapag kumulubot ang mga balat nito

d)

kapag mapintog at makinis na ang mga bunga nito

24.

24.Ano ang dapat isaalang-alang sa pag-aani ng mga pananim na gulay?

a)

anihin ito nang maaga

b)

anihin ito kapag hinog na

c)

anihin sa takdang panahon

d)

anihin ito kung kailan gusto

25.

25. Ito ay paraan ng pagpitas ng bunga o gulay sa panahon na maaari na silang gamitin o dalhin sa pamilihan

a)

pag-aani

b)

pagtitinda

c)

pagtatanim

d)

paghahalaman