NEW
Font size
WorksheetsAGHAM 3
Total questions: 10
Worksheet time: 20mins
Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang nagpapakita ng pagbabago ng isang bagay mula sa liquid patungong gas?
A. kumukulong tubig
B. fire extinguisher
C. natunaw na tsokolate
D. tumigas na yelo
Ang inyong pangkat ay naatasang magsagawa ng isang pagsusuri sa pagbabagong magaganap sa napthalene ball sa dalawang magkaibang lugar. Ang isa ay ibinilad sa labas ng silid na direktang nasisikatan ng araw at iyong isa naman ay nasa isang sulok ng silid malayo sa sikat ng araw. Pagkalipas ng 30 minuto, sinuri ninyo ang resulta ng inyong ginawa. Ano ang maari ninyong makita?
A. Ang unang platito na nabilad sa labas ng silid ay nanatili ang dami kesa sa isang platito na nasa loob ng silid.
B. Mas kumonti ang napthalene ball sa isang platitong binilad sa araw kesa sa isang platitong nasa silid.
C. Nabawasan ang dami ng napthalene ball sa platitong inilagay sa isang sulok ng silid.
D. Parehas pa rin ang dami ng napthalene ball sa dalawang platito.
Ano ang sanhi ng pagbabagong naganap sa napthalene ball?
A. Ang init ng temperatura sa labas ng silid ay nakatulong sa pagbabago.
B. Ang init ay walang epekto sa pagbabagong naganap.
C. Ang solid na napthalene ball ay solid pa rin.
D. Ang hangin ang sanhi ng pagbabagong naganap.
Masdan ang larawan ng mga bagay. Alin sa mga ito ang nagpapakita na ang solid na bagay ay nagiging gas?
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagbabago sa solid kapag nainitan?
A. Napabayaan na yelo sa platitong nasa ibabaw ng mesa.
B. Ibinilad ni ate ang mga isda sa bilao sa init ng araw.
C. Nagsampay ng basang damit sa labas ng bahay.
D. Pinakuluang karne ng baka.
Ano ang nangyari sa buko juice kapag inilagay sa isang plastik sa loob ng freezer?
A. Walang pagbabagong naganap sa buko juice.
B. Ganoon pa rin ang anyo ng buko juice.
C. Nag-iba ng kulay ang buko juice.
D. Tumigas ang buko juice.
Masdan ang larawan ng beaker na may lamang 10 mL na tubig na ibinilad sa ilalim ng init ng araw sa loob ng 15 minuto. Tingan at pag-aralan kung ano ang mangyayari. Ano ang pagbabagong nagganap sa antas ng tubig?
A. Nadagdagan ang dami ng tubig sa beaker dahil sa pagkabilad nito sa init ng araw.
B. Nabawasan ang dami ng tubig sa beaker dahil sa pagkabilad nito sa init ng araw.
C. Tumaas ang antas ng tubig sa beaker dahil sa pagkabilad nito sa init ng araw.
D. Walang pagbabagong naganap.
Piliin sa mga sumusunod na gawain na nagpapakita ng pagbabagong nagaganap sanhi ng temperatura.
A. Ang pinakuluang tubig ay napabayaan.
B. Ang basang damit na sinampay ni nanay sa labas ng bahay ay ibinilad sa araw.
C. Mabilis na tumigas ang ginawang fruit shake nang inilagay ito sa loob ng freezer.
D. Lahat ng nabanggit ay nagpapakita ng pagbabago sanhi ng temperatura.
Ano ang mangyayari sa yelo na nasa loob ng baso kapag ito ay naiwan ng buong araw sa ibabaw ng mesa?
A. Ang yelo ay nanatiling matigas.
B. Ang yelo ay nalusaw at nag ging gas.
C. Naging water vapor ang yelo na nasa baso.
D. Unti-unting nalulusaw ang yelo at naging tubig.
Maraming naipon na nalusaw na kandila ang anak ni Aling Nena noong nakaraang taon ng sila ay dumalaw sa sementeryo. Nanghihinayang si Aling Nena na itapon ito ,kung kaya’t ginawa niya itong floorwax, Inilagay nya ang mga kandilang durog sa isang lata at kanyang ipinatong sa may sinding kalan at hinaluan ng konting petroleum gas. Ano ang pagbabagong naganap sa durog na kandila?
A. Ang kandilang durog ay sumingaw.
B. Lumiit ang mga durog na kandila ng nainitan.
C. Nalusaw ang kandila sa loob ng lata ng ito ay nainitan.
D. Lahat ng nabanggit ay naganap sa kandila ng ito ay nainitan.
