NEW
Font size
WorksheetsEdukasyon sa Pagpapakatao
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Si Drew ay palaging naglalaro ng kaniyang selpon. Binawalan siya ng kaniyang ina para makatutok sa kaniyang pag-aaral at nangako naman siya. Pagkatapos ng klase, umuuwi agad si Drew upang makapag-aral.
NATUPAD
DI NATUPAD
Si Terry ay mahilig magbulakbol, lagi siyang gabi kung umuuwi. Isang araw inumaga ng uwi si Terry. Pinagalitan siya ng kaniyang nanay at nagkaroon sila ng kasunduan na alas-otso ng gabi ay naroon na siya sa kanilang bahay, at sumang-ayon naman siya. Ngunit nang mga sumunod na araw ay umuwi si Terry ng alas-diyes ng gabi.
NATUPAD
DI NATUPAD
Si Rick ay niyaya ng kaniyang mga kaibigan na maglaro. Ngunit mayroon pa silang ginagawa ng kaniyang nanay. Naisip ni Rick na magpaalam muna sa kaniyang nanay at nangakong babalik kaagad ito para makatulong. Umuwi si Rick na tapos na lahat ang gawain at nadatnan na tulog na ang kaniyang nanay.
NATUPAD
DI NATUPAD
Si Lily ay nanghiram ng libro kay Don. May kasunduan sila na magpapahiram din si Lily ng gamit kay Don. Nangako sila sa isa’t isa, at iyon nga ang nangyari, pinahiram ni Lily si Don ng gamit niya sa kanilang proyekto.
NATUPAD
DI NATUPAD
Nangako ka sa iyong kaibigan na bibigyan mo siya ng damit kung pakokopyahin ka niya sa pagsusulit. Tama ba ito?
Oo, kasi lahat ng pangako ay may kapalit din.
Hindi, dahil ang pangako ay tapat at taos sa puso.
Oo, dahil magkaibigan naman kayo.
Wala sa nabanggit.
Si Juan ay isang batang may ambisyon sa sarili at ipinangako niya na magtatapos siya ng pag-aaral kahit gaano pa kahirap ang mga pagsubok na kaniyang haharapin. Kung ikaw si Juan, ano ang gagawin mo para maabot ang iyong mga pangarap?
Ipapangako sa sarili na magsusumikap para maabot ang pangarap.
Ipapangako sa sarili na magkaroon ng disiplina sa sarili.
Ipapangako sa sarili na maging mabuti at mabait na bata.
Lahat ng nabanggit ay tama.
Paano mo tutuparin ang isang pangako?
Tutuparin ito na buo ang loob.
Tutuparin ito na bukal sa kalooban.
Tutuparin ito na may kahalong yamot.
Ang titik A at B ay tama.
Ano ang gagawin mo sa isang pangakong di natupad?
Hihingi ng kapatawaran dahil sa hindi pagtupad nito.
Maging leksyon na huwag mangako kung di kayang tuparin.
Gawin itong inspirasyon upang baguhin ang sarili.
Lahat ng nabanggit ay tama.
Ano ang gagawin mo sa isang taong nabigong tuparin ang pangako niya saiyo?
Magalit at magtanim ng sama ng loob.
Kausapin upang maintindihan ang rason kung bakit hindi niyanatupad ang kaniyang pangako.
Ipagkalat na masama siyang tao sa kadahilanang hindi niyanatupad ang kaniyang pangako.
Huwag mo ring tuparin ang pangako mo sa kaniya
Si Boy ay mahilig sumayaw. Mayroong awdisyon sa pagsayaw sa kanilang barangay at gusto niyang sumali doon. Kaya lang ang sabi ng kaniyang magulang ay baka maapektuhan ang kaniyang pag-aaral. Kaya hindi muna siya sumali at nangako na pagbubutihin niya ang kaniyang pag-aaral.
NATUPAD
DI NATUPAD
