Font size
WorksheetsIkalawang Buwanang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 4
Total questions: 70
Worksheet time: 38mins
Ang Pilipinas bilang isang maritimong bansa ay napapaligiran ng katubigan. Alin ang pangunahing pang kabuhayan?
Pagsasaka
Pangingisda
Pagmimina
Paghahayupan
Ang nagiging epekto ng nasa Pacific Ring of Fire
Lindol, Tsunami, Pagputok ng Bulkan
Baha, Epidemya, Ssakit
Maulan, mainit, malamig
kaguluhan at Karahasan
Ito isinasagawa ng Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) sa mga paaralan upang makaiwas sa sakuna gawa ng lindol.
Exercise drill
Earthquake Drill
Tsunami Drill
Fire Drill
Ang mapa na nagpapakita ng mga lugar na may panganib sa kalamidad.
Hazard map
Physical Map
Geography Map
Political Map
Ang tawag sa ruta ng mga bagyong namumuo sa karagatang Pasipiko.
Pacific Ring of Fire
Typhoon Belt
Corral Triangle
Circum pacific
Ang ahensiya ng pamahalaan na namamahala sa mga pagkilos ng mga bulkan sa bansa, may humigit-kumulang 22 aktibong bulkan sa Pilipinas.
DENR
PHIVOLCS
DOH
TESDA
6.Ang abnormal na pagtaas ng tubig sa dalampasigan sanhi ng low-pressure na panahon.
Lindol
Storm Surge
Flash Flood
Typhoon
Ang ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa mga paparating na bagyo at ibang kondisyon o kalagayan ng panahon.
DENR
PAGASA
DOST
DOH
Ang pagiging arkipelago ng bansa ay may malaking pakinabang sa pag-unlad ng bansa.
Tama
Mali
Ewan
Di Tiyak
Ang pagiging masagana ng bansa sa mga katangian nito ay hindi nagbibigay ng malaking pakinabang sa kaunlaran ng pamahalaan.
Tama
Mali
Ewan
Di-tiyak
Habang ikaw ay nasa paaralan, biglang lumindol.Ang pinakamabuting gawin ay ______________________.
Tumakbo palabas ng paaralan.
magpapanic at iiyak na lang.
Mag-duck cover and hold.
Walang gagawin
May balita sa radyo na ang paparating na bagyo sa inyong lugar ay nasa babala bilang 3, malapit kayo sa tabing-dagat. Bilang paghahanda, ang gagawin ko ay ___________.
Mag-duck, cover and hold.
Mag-alala sa maaaring mangyari.
Lalayo sa tabing-dagat at mga lugar na malapit sa ilog.
Walang Gagawin
May positibong implikasyon ang pagiging bahagi ng Pilipinas sa PacificRing of Fire. Isa sa mga ito ay hindi.
Pagkawasak o pagkasira ng kalikasan
Pagiging resillient o matatag.
Naghahatid ng mayamang lupa na mainam sa agrikultura
Nagtataglay ng likas o natural na harang.
Epekto ng nagaganap na paglindol. Ito ay ang higit sa normal na pagtaas ng tubig sa dagat o karagatan.
Tsunami
Lindol
Bagyo
Baha
Alin sa mga sumusunod ang hindi dapat gawin kung may bagyo?
lumayo sa tabing-dagat at mga lugar na malapit sa ilog.
Maligo sa kalsada habang malakas ang ulan.
Tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng iyong tahanan.
Makinig sa balita at maging alerto.
Bakit nagsasagawa ng earthquake drill sa ating mga paaralan?
Upang mgakagulo ang mga tao.
Upang magpanic kapag may indol
Upang maging handa kung sakaling may dumating na lindol.
Upang magpraktis.
Ano ang hindi dapat gawin kung may banta ng stormsurge sa inyong lugar?
Gumawa ng plano sa paglikas.
Lumikas sa mataas na lugar.
Lumayo sa lugar na malapit sa ilog.
Manatili sa loob ng bahay.
Ang Rehiyon III, partikular ang kapatagan ng gitnang Luzon ay itinuturing?
Kamalig ng Palay ng Pilipinas
kamalig ng Abaka ng Pilipinas
Kamalig ng Niyog ng Pilipinas
Kamalig ng Bulak ng Pilipinas
Bundok sa Ifugao kung saan tinataniman din ng ibat ibang pananim na matatagpuan sa Cordillera Administrative Region (CAR)
hagdang-hagdang Palawan
Palayan-palayang hagdanan
hagdang-hagdang palayan
Palawan-palawang hagdan
Alin ang hindi kabilang sa mga produktong pangagrikultural?
ginto
kape
Palay
Niyog
Alin ang hindi kabilang sa mga produktong pangingisda?
Isda
kabibe
niyog
korales
Alin ang hindi kabilang sa mga produktong pagmimina?
ginto
tanso
nickel
tulya
Alin ang hindi kabilang sa mga produktong panggugubat?
Apitong
Narra
Bangus
Ipil-ipil
Ang Dagat ng ______ naman ang itinuturing na pinakaproduktibong pangisdaan sa buong bansang Pilipinas?
Sulu
Samar
Zambales
Catanduanes
Tumutukoy sa pagpuputol ng mga punong ginagamit sa paggawa ng bahay, mesa, upuan, kabinet at iba pa.
Pagtotroso
Paghahayupan
Pagmimina
Pagsasaka
Ang rehiyon na may pinakamalaking bilang ng mga kagubatan MALIBAN sa isa.
Cagayan Valley
NCR
MIMAROPA
CAR
Ito ay tumutukoy sa paghuhukay at pagtitibag ng mga bato upang makakuha ng mga yamang-mineral.
Pangangaso
Pagmimina
Paghahayupan
Pangingisda
Anong Rehiyon sa Pilipinas ang itinuturing "Kamalig ng Palay ng Pilipinas?
Rehiyon III
Rehiyon V
Rehiyon IV
Rehiyon VIII
28. Ang mga palay, mais at tubo ay halimbawa ng mga produktong?
Pang-agrikultura
Pangisdaan
Pagmimina
Pagtotroso
Kilala ang mga taga Ilocos sa paghahabi ng tela na tinatawag na ________.
Vakul
Abel
Tikog
T'nalak
Ano ang gawaing pangkabuhayan ng karamihan sa mga Pilipinong naninirahan malapit sa mga katubigan?
Pangingisda
Paghahayupan
Pagmimina
Pagtotroso
Kilala ang mga taga Samar sa paggawa ng makukulay na banig na kung tawagin ay _____
Abel
Tikog
T'nalak
Vakul
Ang "Taniman ng strawberry sa Baguio" ay nagbibigay pakinabang sa ________________ ng ating bansa.
Turismo
Produkto o kalakal
Enerhiya
Lakas Tao
Ang "Lungsod ng Tagaytay" ay nagbibigay pakinabang sa ________________ ng ating bansa.
Turismo
Produkto o kalakal
Enerhiya
Lakas Tao
Ang "Puerto Galera" ay nagbibigay pakinabang sa _______________ ng ating bansa.
Turismo
Produkto o kalakal
Enerhiya
Lakas Tao
Ang mga "marmol" na nakukuha ng mga minero ay nagbibigay pakinabang sa _________________ ng ating bansa.
Produkto o kalakal
Turismo
Enerhiya
Lakas tao
Ang "Bulkang Mayon" ay nagbibigay pakinabang sa (a) ng ating bansa.
Ano ang pakinabang ng Ilocos Norte Windmill sa ating bansa?
Enerhiya
Produkto o kalakal
Turismo
Lakas Tao
Ang mga sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa pakinabang pang-ekonomiko ng mga likas na yaman ng ating bansa, maliban sa isa. Alin ito?
Pakinabang sa turismo
Pakinabang sa enerhiya
Pakinabang sa kalakal at produkto
Pakinabang sa mga OFW(Overseas Filipino Worker)
Anong pakinabang pang-ekonomiko ang nakukuha natin sa mga planta ng kuryente sa pamamagitan ng puwersa ng tubig mula sa Talon ng Maria Cristina, lawa ng Caliraya at iba pang anyong tubig.
Pakinabang sa Enerhiya
Pakinabang sa Kalakal at Produkto
Pakinabang sa Turismo
Lahat ng nabanggit ay tama
Sa paanong paraan naituturing na pakinabang pang-ekonomiko ang mga lugar tulad ng Baguio, Tagaytay, Isla ng Boracay, Underground River sa Palawan?
Ito ay nagsisilbing atraksiyon sa mga turista mula sa ibang lalawigan at ibang bansa.
Ang mga turista ay nagpapasok sa atin ng malaking dolyar na nakakatulong sa ating ekonomiya.
Ang mga mamamayan sa paligid ng mga nabanggit na lugar ay nagkakaroon ng dagdag kita dahil nakapagtatayo sila ng mga negosyo sa paligid nito gaya ng hotel, restawran at iba pa.
Lahat ng nabanggit ay tama.
Ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman. Ito ang nagdudulot ng pag-angat ng antas ng ekonomiya ng bansa. Isa na rito ang pakinabang sa kalakal at produkto. Alin ang hindi kabilang sa pangkat ng kalakal at produkto?
Mga prutas at gulay
Mga isda at lamang dagat
Geothermal Energy mula sa Tiwi, Albay
Mga troso, mineral at ginto
Ang likas na yaman na ito ay nabibilang sa kapakinabangang pang-ekonomikong turismo.
Pilak
Niyog
Tuna
CHocolate Hills
Ang likas na yaman na ito ay nasa ilalim ng kapakinabangang pang-ekonomikong enerhiya.
Tubataha Reef, Palawan
Puerto Gallera
Geothermal Energy
Pilak
Ang likas na yaman na ito ay kapakinabangang pang kalakal at produkto.
Chocolate Hills
Hangin sa Bangui
Perlas
Boracay Island
Dinadayo ng maraming turista dahil sa angking puti ng buhangin at magandang dagat.
Isla ng Boracay
Chocolate Hills
Strawberry Farm, Benguet
Rice Granary ng Gitnang Luzon
Alin sa mga sumusunod mga likas na yaman ang maaring pagkunan ng enerhiyang pang elektrisidad?
Chocolate Hills sa Bohol
Napcan Beach sa El Nido Palawan
Napcan Beach sa El Nido Palawa
Geothermal Power Plant sa Tiwi, Albay
Sa kapaligiran kumukuha ng ikabubuhay at humahanap ng tirahan ang mga tao.
Tama
Mali
Ewan
Di-tiyak
Ang Rehiyon ng Central Luzon at CALABARZON ang sinasabing pinagmumulan ng pinakamaraming bilang ng baboy. Ano ang hanapbuhay sa mga lugar na ito?
Pagsasaka
Paghahayupan
Pagmimina
Paghahabi
Ang produktong Abel- Iloko ay marami sa lalawigan ng ____
Ilocos
Tarlac
Samar
Davao
Maraming produktong strawberry at ube sa _______
Lungsod ng Makati
Lungsod ng Baguio
Lungsod ng Quezon
Lungsod ng Cebu
Anong kaugalian ang nasa larawan?
Paggamit ng po at opo
Paghaharana
Pagmamano
Bayanihan
Anong kaugalian ang nasa larawan?
Paggamit ng po at opo
Paghaharana
Pagmamano
bayanihan
May 8 na pangunahing wika na ginagamit sa ating bansa.
Materyal
Di-materyal
Kaugalian
Tradisyon
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng di -materyal na kultura?
Alin sa mga sumusunod ang materyal na kultura?
Naniniwala ang ating mga ninuno kay Bathala at iba pang spirituwal na tagabantay.
Ang mga sinaunang Pilipino ay palipat lipat ng tirahan.
Ang mga lalaki ay naninilbihan sa pamilya ng babaeng nais niyang pakasalan.
Ang Datu ay isang pinuno ng barangay.
Ito ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay ng mga tao.
Kultura
Hanapbuhay
Pamahalaan
Tradisyon
Ano ang dapat mong gawin sa mga pamanang kulturang materyal?
Huwag pansinin dahil luma na ang mga ito.
Kalimutan ito dahil tayo ay nasa makabagong henerasyon.
Ipakita pa rin ang kawilihan gaya ng pakikinig o pagbasa ng mga epiko, alamat, atbp.
Hindi na lang ako kikibo at hindi magkokomento.
Bago pa man dumating ang mga Espanyol ay may sarili nang sistema ng pagbasa at pagsulat ang mga katutubong Pilipino. Ano ang tawag nila dito?
Alpabetong Filipino
Kalendaryo
Baybayin
Dyaryo
Kayo ay naglilinis sa bahay ninyo nang aksidenteng mahanap mo ang isang lumang sombrero ng inyong lolo. Ano ang gagawin mo rito?
Ipagbibili ko ito dahil mahal siguro ang bayad nito.
babasura ko ito dahil luma na at para makabawas ng kalat sa kuwarto.
Ireregalo ko ito sa isang pulubi para may magamit siya.
Lilinisin at muli ko itong aayusin kung may sira para muling magamit.
Hango ito sa tradisyunal at mga nilikhang mga bagay-bagay ng mga tao.
kultura
materyal na kultura
Kultura
Tradisyon
Hindi ito nahahawakan ngunit nakikita ito sa mga gawain o ugali ng mga tao sa isang grupo.
Kultura
Di-materyal na kultura
Materyal
Tradisyon
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng materyal na kultura MALIBAN sa
Kaugalian
Tirahan
Pagkain
Kagamitan
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagkakakilanlang kultural ng komunidad?
pagsusuot ng damit na gawa sa sariling komunidad
pagsusuot ng damit na gawa sa sariling komunidad
pagsusuot ng damit na gawa sa sariling komunidad
Lahat ng nabanggit ay tama
Isang matulis na bagay na ginagamit na panulat ng mga ninuno.
Sipol
Lapis
Dahon
Kawayan
Ito ang pangunahing nagbibigkis upang magkaisa ang pamilyang Pilipino. Ilan sa mga halimabawa nito ay kanin, adobo, sinigang, menudo, pinakbet, kaldereta, at ginataan.
Pagkain at Inumin
Wika
tirahan
kasuotan at palamuti
Noon, ginamit ng mga katutubo na sapin sa katawan ang mga balat ng hayop, mga dahon, at pinatuyong balat ng kahoy.
Pagkain at Inumin
Tirahan
Kasuotan
Wika
Ang mga sinaunang tao sa ting bansa ay mga nomad dahil palipat-lipat sila ng tahanan upang makahanap ng pagkain.
Pagkain
Tirahan
kasuotan
Wika
Mga salitang ginagamit ng mga tao sa iisang partikular na lugar o pangkat.
Tirahan
Kasuotan
Kagamitan
Wika
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga pagkakilanlang kultural ng bansa?
Pagmamalaki ng mga produkto ng komunidad
Pagsusuot ng damit na gawa sa sariling atin.
Pag-iimbita sa mga kaibigan na bisitahin ang mga lugar sa komunidad kung papayagan na ng awtoridad.
Lahat ng nabanggit ay tama.
