wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

QUIZ #1

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Ang isyu ng climate change ay hindi lamang pangkalikasan bagkus, umiikot ito sa iba’t ibang aspeto tulad ng politika, ekonomiya at lipunan.

a)

TAMA

b)

MALI

2.

Normal na proseso ang climate change at kailangan natin ito sa ating mundo. Ang masama ay ang marahas at hindi normal na pagbabago ng ating klima.

a)

TAMA

b)

MALI

3.

Ang Paris Climate Change Conference ay inorganisa ng United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) at tinatalakay nito ang isyu ng climate change.

a)

TAMA

b)

MALI

4.

Alin sa sumusunod ang may lubhang masamang epekto sa ating kapaligiran?

a)

pagsusunog ng fossil fules

b)

pagtatanim ng mga puno

c)

pagpaparami ng mga isda

d)

pagdidilig ng halaman

5.

Alin sa mga sumusunod ang hindi naglalahad kung bakit isyung politikal ang climate change?

a)

Mahalaga ang paglikha ng pampulitika at pampublikong consensus para sa aksiyon

b)

Lahat ng sangay ng gobyerno ay may mahalagang gampanin

c)

Ang mga batas ay dapat tinatalakay rin ang climate change at ang ating kapaligiran

d)

Magmamahal ang presyo ng bilihin sa ating merkado

6.

Alin sa mga sumusunod ang hindi naglalahad kung bakit isyung pang-ekonomiya ang climate change?

a)

Nakakaapekto ang climate change sa mga magsasaka at mangingisda

b)

Ang ilan sa mga malalaking kompanya at korporasyon ay gumagamit ng mga makinaryang nagbubuga ng maruruming gases

c)

Maaaring magtaas ang presyo ng mga bilihin sa merkado dahil sa kakulangan ng suplay

d)

Mahalaga ang ating ekonomiya sa pang-araw-araw na buhay

7.

Sa Seksyon 1 ng Saligang Batas 1987 makikita ang “Dapat pangalagaan at isulong ng Estado ang karapatan ng sambayanan sa timbang at kanais-nais na ekolohiya nang naaayon sa aluy-oy at tugma ng kalikasan.”

a)

TAMA

b)

MALI

8.

Sakop ng Clean Air Act of 1998 ang mga potensyal na pinanggagalingan ng maruruming hangin o air pollution tulad na lamang ng mga sasakyan (mobile sources), industriyal na planta (point or stationary sources), at pagsusunog ng kahoy o uling (area sources).

a)

TAMA

b)

MALI

9.

Kasama sa Sustainable Goals ng United Nations (UN) ang pag-aksyon sa climate change at masasamang epekto nito.

a)

TAMA

b)

MALI

10.

Alin sa mga sumusunod ang naglalayong maprotektahan ang ating mga anyong tubig mula sa mga land-based solution sources tulad ng mga komersyal na establisyimento, at gawain ng nasa agrikultura at komunidad na nakakasama sa ating katubigan?

a)

RA 9275

b)

RA 9279

c)

RA 9725

d)

RA 9729

11.

Ang Climate Action Network (CAN) ay isang internasyonal na samahan ng mga Non-Governmental Organizations o NGO mula sa mahigit 120 bansa na nagsusulong na magkaroon ng mga batas at aksyon mula sa gobyerno at mga indibidwal upang malimitihan ang mga human-induced climate change.

a)

TAMA

b)

MALI

12.

Ang Kagawaran ng Edukasyon o DepEd ay inatasang ilagay ang paksa na climate change sa primary at secondary education curricula, babasahin at ibang materyal na ginagamit sa pag-aaral. Alinsunod ito sa anong batas?

a)

Climate Change Act of 2009

b)

Philippine Environmental Impact Statement System

c)

Philippine Clean Water Act of 2004

d)

Clean Air Act of 1999

13.

Ito ay nagbibigay ng legal framework sa ating bansa na mamahala, pigilin at bantayan ang importasyon, paglikha, pagproseso, pamamahagi, paggamit, paglilipat at pagtatapon ng mga nakakalason at delikadong basura, kemikal at gayundin ang nuclear wastes.

a)

Clean Air Act of 1999

b)

Philippine Clean Water Act of 2004

c)

Philippine Environmental Impact Statement System

d)

Philippine Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Waste Act

14.

Ang Republic Act 9279: Climate Change Act of 2009 ay naglalayong ilahok sa mga polisya at plano ng lahat ng ahensya ng gobyerno ang kahalagahan ng pagtalakay ng climate change. Dapat magkaroon ng mga action plan ang gobyerno at mga unit nito na patungkol sa climate change.

a)

TAMA

b)

MALI

15.

Madali tayong matatamaan ng mga masasamang epekto ng climate change dahil tayo ay isang __________________.

a)

Climate hotspot

b)

Climate peak

c)

Climate spot

d)

Climate center

16.

Batay sa iyong nabasa sa aralin na ito, anong organisasyon ang nag-ulat na mas maraming tao ang lubhang naaapektuhan ng kalamidad kumpara sa tunggalian o giyera?

a)

United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC)

b)

Worldwatch Institute

c)

Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ)

d)

International Food Policy Research Institute

17.

Bakit tumataas ang lebel ng tubig sa mga dagat?

a)

Dahil sa madalas na pag-ulan

b)

Dahil sa natutuyo na ang lupa sa sakahan.

c)

Dahil sa pagkatunaw ng mga yelo at niyebe sa North at South Pole

d)

Dahil sa pagkatunaw ng mga yelo sa Amerika at Europa

18.

Maaaring magdulot ng iba't ibang klaseng sakit ang climate change kaya nararapat itong pigilan.

a)

TAMA

b)

MALI

19.

Ang pagdagsa ng mga tao sa marami nang naka-okupa na lugar ay maaaring mauwi sa overpopulation na hindi rin maganda sa ating lipunan, kapaligiran at kalusugan.

a)

TAMA

b)

MALI

20.

Dahil sa sobrang init nagbabago ang precipitation, may mga lugar na hihina ang dagsa ng ulan at meron din lugar na dadagsain ng bagyo.

a)

TAMA

b)

MALI