Font size
WorksheetsGrade 10_AP_Q2_Re-enforcement Exam
Total questions: 35
Worksheet time: 2hrs 41mins
Ito ang proseso ng pagliit ng mundo dahil na rin sa mabilis na pagpapalitan ng kalakal, kaalaman, at kultura sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya?
Isang suliraning pang-ekonomiya na tumutukoy sa hindi magamit na labor force ng isang bansa dahil sa kakulangan ng trabaho?
Ito ang ay isang proseso nang paglipat o pag alis ng tao mula sa isang teritoryong pulitikal upang manirahan at maghanapbuhay kung saan maaaring ito ay panandalian o pangmatagalan?
Ayon sa _______________, sa Artikulo 13, ang bawat tao ay may karapatang lumipat at pumili ng kaniyang tirahan ito man ay sa loob o labas ng kaniyang bansa.
Ito ay tumutukoy sa mga negatibong salik ng migrasyon gaya ng kalamidad, kakulangan ng pagkain, hindi sapat na trabaho, at paghahanap ng kapayapaan kung saan ito ang nagtutulak sa tao o grupo ng tao upang umalis sa kasalukuyang lugar?
Ito ay tumutukoy sa mga establisimyentong panlipunan o samahang itinatag para sa isang tiyak na layunin, gampanin, at tungkulin?
Ang programa ng mga pandaigdigang pamayanan na sumusulong sa pag-aalaga sa lipunan, ekonomiya, at kapaligiran habang patuloy ang pag-unlad ng mga bansa?
Ito ay ang mga positibong salik na humihikayat sa pandarayuan o paglipat ng mga tao sa ibang lugar?
Anong bansa ang mas dinarayo ng maraming Pilipino para sa trabaho?
Ito ay ang mga organisasyon o kompananyang nagmamay-ari at nagkokontrol ng produksyon ng mga kalakal o produkto o serbisyo sa isa o maraming bansa maliban sa sariling bansa?
Isang teorya ng kapitalismo na kung saan ang sukatan ng isang sibilisadong lipunan ay naaayon sa laganap na pagbebenta, pamimili, at pagpapaikot ng pera sa isang ekonomiya?
Ito ay ang pag-unlad na tumutugon sa mga pangangailangan ng kasalukuyang henerasyon na hindi naikukompromiso ang kakayahang tugunan ng susunod na salinlahi ang kanilang pangangailangan?
Katangian ng globalisasyon na tumutukoy sa pagsasama-sama ng iba’t-ibang element upang maging isang bagay?
Sa lebel na ito na lipunan nagsisimula ang tunay na pagbabago tungo sa sustainable development?
Ito ay tumutukoy sa lahat ng teknolohiyang nagagamit sa desiminasyon ng impormasyon at kaalaman sa maraming tao?
Mga gas na nagdudulot ng pag-init ng ating planeta. Halimbawa nito ang methane at carbon dioxide?
Isang uri ng unemployment na kusang loob na umalis ang isang mangagawa sa kanyang trabaho dahil sa kulang ang kita o pagnanais ng ibang uri ng trabaho?
Isang konseptong pang-ekonomiya na nabuo sa Eoropa sa Exploration Age na naglalayong palakasin ang katayuan ng isang bansa sa larangan ng pakikipag-kalakalan?
Ang pangalan ng programa ng UN tungkol sa sustainable development noong taong 2000 hanggang 2015?
Isang hamon sa sustainable development na tumutukoy sa kalalagayang sosyal at pang-ekonomiya na nais takasan ng mga tao?
Saan isinasangguni ang mga gusot ng mga bansa na may kinalaman sa pantubig na hangganan?
Ilang nautical miles mula sa baseline/shoreline ang maituturing na teritoryo ng Pilipinas?
Saang pandaigdigang korte isinasangguni ang mga alitan o gusot sa pagitan ng mga bansa?
Ilang nautical miles mula sa baseline/shoreline ang maitututring na Exclusive Economic Zone ng Pilipinas?
Ano ang dolumentong naging batayan ng Pilipinas sa pagsasampa ng counter-claim nito laban sa Tsina?
Ayun sa kasaysayan, ano ang pinakamalalang epekto ng anumang sigalot o suliraning may kinalaman sa agawan ng teritoryo at hangganan?
Ano ang tawag sa 200 nautical miles na sakop ng Pilipinas na may karapatan siyang pangsoberenya at limitadong hurisdiksyon dito?
Kailan inilabas ang desisyon na nagpapatunay na naghihimasok ang Tsina sa ating teritoryo?
Ano ang patunay ng Tsina na sa kanila raw ang halos buong South China Sea?
Anong pandaigdigang korte ang naglabas ng desisyon pabor sa Pilipinas sa usapin sa WPS?
Enumeration:
A. Ibigay ang apat na element ng pagiging isang estado.
(a)
Enumeration:
B. Magbigay ng limang (5) pwedeng panggalingan ng clean energy.
(a)
Enumeration:
C. Apat na uri ng unemployment.
(a)
Enumeration:
D. Magbigay ng anim (6) na sustainable development goals ng UN.
(a)
Enumeration:
E. Dalawang dahilan ng mga suliraning teritoryal at hangganan.
(a)
