NEW
Font size
WorksheetsIkalawang Mahabang Pagsusulit|9 Wisdom
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Sino ang ama ng pabula?
Aesop
Aristotle
Jose Rizal
Jose Dela Cruz
Ano ang tawag sa pinakamatandang kalipunan ng pabula?
Jatakas
Panchantara
Parchamento
Kalilab
Ito ay nauukol sa muling pagkabuhay ni Gautama.
Jatakas
Panchantara
Parchamento
Kalilab
Sino-sino ang nagtipon ng mga kwento sa Jatakas?
Jean de la Fontaine at Milo Winter
Jean de la Fontaine at Ellen C. Babbit
Ellen C. Babbit at Milo Winter
Ellen C. Babbit at Marie Shedlock
Sino ang naglathala ng “The Aesop for Children”?
Ellen C.Babbit
Jean de la Fontaine
Milo Winter
Marie Shedlock
Anong negatibong pag-uugali ang umiral sa kwentong “ Agila at Maya”?
Madamot
Mayabang
Sakim
Mapagdabog
“Nakupo, hindi ako ang nanguha ng kaniyang pitaka!” Anong uri ng ekspresyon ang ginamit sa pahayag?
Maikling sambitla
Pangungusap na Padamdam
Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin
Nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi Tuwinrang Paraan
Tama ang aking desisyong magbasa ng aralin sa Filipino kaya’t nakasagot ako sa aming recitation.” Anong uri ng ekspresyon ang ginamit sa pahayag?
Maikling sambitla
Pangungusap na Padamdam
Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin
Nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi Tuwinrang Paraan
“Wow! Ang daming pagkain.” Anong uri ng ekspresyon ang ginamit sa pahayag?
Maikling sambitla
Pangungusap na Padamdam
Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin
Nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi Tuwinrang Paraan
“Si Nena ay nagtataingang kawali sa tuwing inuutusan.” Anong uri ng ekspresyon ang ginamit sa pahayag?
Maikling sambitla
Pangungusap na Padamdam
Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin
Nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi Tuwinrang Paraan
Sino ang sumulat ng ”Isang Daang Damit”?
Liwayway Arceo
Fanny Garcia
Eros Atalia
Marcelo Santos
Alin ang totoo sa pahayag batay sa kwentong “Isang Daang Damit”?
Mayaman ang batang babae
May sakit ang batang babae
Namigay ng mga damit ang batang babae
May sariling boutique ang pamilya ng babae
Ano ang tawag sa akdang pamanitian na binubuo ng limang taludtod at mayroong 31 pantig sa kabuuan?
Tanka
Haiku
Anapora
Epipora
Ano ang tawag sa akdang pamanitian na binubuo ng tatlong taludtod at mayroong 17 na pantig sa kabuuan?
Tanka
Haiku
Anapora
Epipora
Ano ang tawag sa pag-uulit ng mga tunog-katinig sa inisyal na bahagi ng salita?
Anapora
Epipora
Aliterasyon
Konsonans
Ano ang tawag sa pag-uulit ng mga tunog sa pinal na bahagi ng salita?
Anapora
Epipora
Aliterasyon
Konsonans
Ano ang tawag sa pag-uulit ng mga tunog-patinig sa alinmang bahagi ng salita?
Anapora
Epipora
Anadiplosis
Asonans
Ano ang tawag sa pag-uulit sa huling bahagi ng pahayag o taludtod?
Anapora
Epipora
Anadiplosis
Asonans
Ano ang tawag sa pag-uulit sa una at huling bahagi ng pahayag o talutod?
Anapora
Epipora
Anadiplosis
Asonans
Ano ang tawag sa pagbabanggit ng bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan?
Pagpapalit saklaw
Pagpapalit tawag
Panawagan
Pagmamalabis
Ano ang tawag sa pagpapalit ng katawagan o pangalan sa bagay na tinutukoy?
Pagpapalit saklaw
Pagpapalit tawag
Panawagan
Pagmamalabis
Ano ang tawag sa isang pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao?
Pagpapalit saklaw
Pagpapalit tawag
Panawagan
Pagmamalabis
Ano ang tawag sa isang pagpapahayag na may layuning mangutya ngunit itinatago sa paraang waring nagbibigay-puri?
Pagtatambis
Pag-uyam
Paghihimig
Paglumanay
Ano ang tawag sa paglalahad ng mga bagay na magkasalungat upang higit na mapatingkad ang bisa ng pagpapahayag?
Pagtatambis
Pag-uyam
Paghihimig
Paglumanay
Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit.
NAGTATAINGANG-KAWALI si Kyla nang utusan siya ng kaniyang ina.
Nagbibingi-bingihan
Matigas ang tainga
Sumunod agad
Namumula ang tainga
Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit.
HITIK NA HITIK sa bunga ang puno ng mangga.
Marami
Kaunti
Hinog
Hilaw
Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit.
HINDI MAHULUGANG KARAYOM ang peryahan.
Umuulan
Maaraw
Walang katao-tao
Matao
Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit.
KAYOD-KALABAW kung magtrabaho ang kaniyang ama.
Tamad
Masipag
Tatamlay-tamlay
Mabilis
Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit.
NAGSUSUNOG NG KILAY si Maris para sa kanilang pagsusulit bukas.
Nag-aahit ng kilay
Nag-aaral mabuti
Nagkikilay
Natutulog
Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit.
Dadalo ng PAG-IISANG DIBDIB si Aling Minerva.
Hiwalayan
Kasal
Binyag
Kaarawan
Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit.
Siya ang aking INIIROG.
Iniibig
Kaibigan
Kapatid
Kamag-aral
Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit.
Pinagpapala ang mga taong BUKAS-PALAD
Nagtatrabaho
Maawain
Matulungin
Maibigin
Tukuyin kung anong aspekto ng pandiwa ang ginamit sa mga salitang nasa malaking letra.
KUMAIN siya ng pancit bago pumasok.
Imperpektibo
Perpektibo
Kontemplatibo
Katatapos
Tukuyin kung anong aspekto ng pandiwa ang ginamit sa mga salitang nnasa malaking letra.
Si Blessy ay BIBILI ng puto para bukas.
Imperpektibo
Perpektibo
Kontemplatibo
Katatapos
Tukuyin kung anong aspekto ng pandiwa ang ginamit sa mga salitang nasa malaking letra.
LUMALAKAD habang kumakain ng tinapay si Faith.
Imperpektibo
Perpektibo
Kontemplatibo
Katatapos
Tukuyin kung anong aspekto ng pandiwa ang ginamit sa mga salitang nasa malaking letra.
KAGIGISING lamang ni Justine nang maglaro agad ito ng mobile legends.
Imperpektibo
Perpektibo
Kontemplatibo
Katatapos
Tukuyin kung anong aspekto ng pandiwa ang ginamit sa mga salitang nasa malaking letra.
NAGPINTURA ng kwarto si Allen.
Imperpektibo
Perpektibo
Kontemplatibo
Katatapos
Tukuyin kung anong aspekto ng pandiwa ang ginamit sa mga salitang nasa malaking letra.
Si Calix ay NAGLULUTO nang dumating ang kaniyang mga kaibigan.
Imperpektibo
Perpektibo
Kontemplatibo
Katatapos
Tukuyin kung anong aspekto ng pandiwa ang ginamit sa mga salitang nasa malaking letra.
MAGLALARO si Cherlice mamaya pagkatapos kumain.
Imperpektibo
Perpektibo
Kontemplatibo
Katatapos
TTukuyin kung anong kaganapan ng pandiwa ang ginamit sa mga sumusunod na pahayag.
Binasa ni MIKA ang liham ng kaniyang kapatid.
Tagaganap
Layon
Ganapan
Sanhi
Tukuyin kung anong kaganapan ng pandiwa ang ginamit sa mga sumusunod na pahayag.
Pupunta sa PALAWAN ang mag-iina upang magbakasyon.
Tagaganap
Layon
Ganapan
Sanhi
Tukuyin kung anong kaganapan ng pandiwa ang ginamit sa mga sumusunod na pahayag.
Naghahanap-buhay ang mga magulang para sa kanilang MGA ANAK.
Kagamitan
Layon
Tagatanggap
Sanhi
Tukuyin kung anong kaganapan ng pandiwa ang ginamit sa mga sumusunod na pahayag.
Hindi nagising nang maaga si Norbert dahil NAGLARO SIYA NG MOBILE LEGEND kagabi.

Nakapulot ng KWINTAS si Allen.
Kagamitan
Layon
Tagatanggap
Sanhi
Tukuyin kung anong kaganapan ng pandiwa ang ginamit sa mga sumusunod na pahayag.
Nagbake ng cake si Hope gamit ang BAGO NIYANG OVEN.
Kagamitan
Layon
Tagatanggap
Sanhi
Tukuyin kung anong kaganapan ng pandiwa ang ginamit sa mga sumusunod na pahayag.
Umuwi ng probinsya si Miles PARA MAKITA ANG KANIYANG MGA MAGULANG.
Kagamitan
Layon
Tagatanggap
Sanhi
Tukuyin kung anong kaganapan ng pandiwa ang ginamit sa mga sumusunod na pahayag.
Sa SIARGAO idinaos ang ikalimang taong anibersaryo bilang mag-asawa ng aking ama at ina.
Ganapan
Layon
Tagatanggap
Sanhi
Tukuyin kung anong kaganapan ng pandiwa ang ginamit sa mga sumusunod na pahayag.
Nag-away ang magkapatid DAHIL SA URUNGIN.
Ganapan
Layon
Tagatanggap
Sanhi
Tukuyin kung anong kaganapan ng pandiwa ang ginamit sa mga sumusunod na pahayag.
Si BRENT ang nanguna sa prayer meeting.
Ganapan
Layon
Tagaganap
Sanhi