wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ikalawang Markahan 7

Total questions: 61

Worksheet time: 31mins

Name
Class
Date
1.

Ang ______ ay ginagamit bilang pagbibigay galang o pasintabi sa mga bagay o pook tulad ng punong balite at punso.

a)

Awiting Bayan

b)

Bulong

c)

Pagbibigay hatol

2.

Ano ang tawag sa awiting bayan na para sa pagpapatulog ng sanggol?

a)

Oyayi

b)

Kundiman

c)

Talindaw

d)

Kutang-Kutang

3.

Ang awiting bayan ng tumutukoy sa pag-ibig ay ang ________.

a)

Oyayi

b)

Tlindaw

c)

Kutang-Kutang

d)

Kundiman

4.

Ano ang tawag sa awiting bayan na tumutukoy sa papuri sa diyos tulad ng "Ama namin".

a)

dalit o imno

b)

kumintang

c)

oyayi

5.

Ano ang tawag sa isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao na siyang itinuturing na isang panalangin o bulong?

a)

Awiting Bayan

b)

Sigaw

c)

Bulong

d)

itim na mahika

6.

uzthoH moH? luh Azsah k4h? S4lAmat mhasZteR.

a)

Balbal

b)

Pampanitikan

c)

Kolokyal

d)

Lalawiganin

7.

"Tara kaon ta"

a)

Balbal

b)

Pampanitikan

c)

Kolokyal

d)

Lalawiganin

8.

May etneb ka? luh bhie.

a)

Balbal

b)

Pampanitikan

c)

Kolokyal

d)

Lalawiganin

9.

Ano ang tatlong antas na nasa ilalim ng kategoryang impormal na ito?

a)

Pormal, pampanitikan, at pambansa

b)

Kolokyal, Balbal, at Bulgar

c)

Kolokyal, Balbal, at Lalawiganin

d)

Pormal, 'di-pormal, at impormal

10.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa antas Kolokyal

a)

nasan

b)

kelan

c)

sakin

d)

sa iyo

11.

Saan madalas ginagamit ang kategoryang Pormal?

a)

Sa isang intelektuwal na usapin o sulatin

b)

Sa pakikipagkwentuhan sa kaibigan

c)

Habang nagiinuman

d)

Kapag nakikipagpalitan ng ideya sa iyong matalik na kaibigan

12.

Narinig mong nag-uusap ang iyong mga magulang at kamag-anak gamit ang wikang Bisaya. Ikaw ay tinawag ng iyong Ama upang magmano at makipag kwentuhan sa inyong mga kamag-anak. Anong antas ng wika ang dapat mong gamitin?

a)

Balbal

b)

Pambansa

c)

Lalawiganin

d)

Pampanitikan

13.

1. “Isa kang taong peke na nakatago ang tunay na

ikaw, huwag kang magalit sa aking sinasabi.”

Ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit

ay _________.

a)

A. nagpapatawa

b)

B. nagpapanggap

c)

C. totoo

d)

D. sakim

14.

Ang mga kuwento tungkol sa mga multo at mga maligno ay halimbawa ng ________________

a)

Kuwento ng Katatawanan

b)

Kuwento ng Pakikipagsapalaran

c)

Kuwento ng Kababalaghan

d)

Kuwento ng Tauhan

15.

Uri ng Maikling Kuwento kung saan binibigyang-diin ang kapana-panabik na pangyayari at mga pagsubok na napagtagumpayan.

a)

Kuwento ng Kstutubong Kulay

b)

Kuwento ng Pakikipagsapalaran

c)

Kuwento ng Katatawanan

d)

Kuwento ng Kapaligiran

16.

Ito ang kuwentong isinulat para sa isang tiyak na pangyayari o pagkakataon.

a)

Kuwento ng Tauhan

b)

Kuwento ng Pangyayari

c)

Kuwentong Pampagkakataon

d)

Kuwento ng Katutubong Kulay

17.

Ito ay uri ng maikling kuwento na ang paksa ay ang mga pangyayaring mahalaga sa lipunan o mga bagay sa ating paligid.

a)

Kuwento ng Pakikipagsapalaran

b)

Kuwento ng Katatawanan

c)

Kuwento ng Katatakutan

d)

Kuwento ng Kapaligiran

18.

Sa kuwentong ito sinisikap pasukin ang kasulok-sulukang pag-iisip ng tauhan at ilahad ito sa mga mambabasa.

a)

Kuwento ng Talino

b)

Kuwento ng Kaisipan o Sikolohiko

c)

Kuwento ng Pag-ibig

d)

Kuwento ng Pakikipagsapalaran

19.

7. Uri ng kuwento na ang binibigyang din ay ang kapaligiran ng pinangyarihan, ang mga kaugalian at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.

a)

Kuwento ng kababalaghan

b)

Kuwento ng Katutubong kulay

c)

Kuwentong Makabanghay

d)

Kuwento ng Tauhan

20.

Kasingkahuligan ng salitang DUMUNGAW.


Ang bata ay DUMUNGAW sa binatana.

a)

Sumilip

b)

Sumipsip

c)

Sumingit

21.

Kasingkahulugan ng salItang PANUNUDYO.


Si Ana ay tumigil sa pag-aaral dahil sa PANUNUDYO ng mga kaklase.

a)

Panliligaw

b)

Pananakot

c)

Panunukso

22.

Anong kaugalian ang ipinakita ng magkapatid nang pagtulungan nilang hanapin ang nawawala nilang ama?

a)

Pagmamahal sa magulang

b)

Paggalang sa magulang

c)

. Pagtutulungan ng magkakapatid

d)

lahat ng nabanggit

23.

1. Piliin ang katangiang maglalarawan kay Labaw Donggon__________

a)

A. Si Labaw Donggon ay makisig sa kanilang lugar

b)

B. Si Labaw Donggon ay pinakamahina sa lahat

c)

C. Si Labaw Donggon ay matulungin

d)

D. Si Labaw Donggon ay masipag na tao

24.

2. Anong tradisyon ng taga-Visayas ang ipinapakita ni Labaw Donggon sa mga kababaihan?_____________

a)

A. Pamamanhikan

b)

B. Pagsisibak ng kahoy

c)

C. Panliligaw

d)

D. Pagtatanim

25.

4. Ilahad ang bahagi ng akdang nabasa na masasalamin ang kultura at

kaugaliang ipinapakita ng mga taga-Visayas________________.

a)

A. Kilala bilang masayahin at magalang

b)

B. Pagpapakita ng kaugalian sa pag-aasawa

c)

C. Pamahiin ng mga nakakatanda

d)

D. Pagpapahalaga sa kanilang wika

26.

Ang pangalan ng ilog sa Iloilo na may sinaunang pangalan na Halawod, na naging tagpuan ng Epikong pinamagatang "Hinilawod"

a)

Ilog Alaska

b)

Ilog Pasig

c)

Ilog Jalaur

d)

Ilog Nile

27.

Ang pangalan ng pangunahing tauhan sa epikong "Hinilawod" kung saan kitang-kita ang kanyang pagkahilig sa magagandang babae.

a)

Datu Paubari

b)

Labaw Donggon

c)

Humadapnon

d)

Dumapaldap

28.

Ang pinagtaguan ng hininga ng asawa ni Nagmalitong Yawa, kailangan diumano itong paslangin para magapi ni Donggon ang kanyang kalaban

a)

alanghirang

b)

bolang kristal

c)

baboy-ramo

d)

kamangyan

29.

Siya ang naging kabiyak ni Abyang Alunsina tutol man ang nakararami.

a)

Datu Paubari

b)

Labaw Donggon

c)

Saragnayan

d)

Bungot Banwa

30.

Isang akdang pampanitikang nagmula sa ibang pangkat etniko; pasalindila at pinakalitaw na katangian ay pagkakaroon ng pangyayaring di kapani-paniwala o mga kababalaghan.

a)

alamat

b)

kuwentong-bayan

c)

dula

d)

epiko

31.

Pinangalanang _______________ ang naging supling nila Labaw Donggon at Doronoon.

a)

Humadapnon

b)

Dumalapdap

c)

Buyung Baranugun

d)

Asu Mangga

32.

Ang kapatid ni Alunsina na nagbigay ng babala sa kung ano ang plano ng mga nabigong mangingibig nito sa kanilang mag-asawa.

a)

Anggoy Ginbitinan

b)

Nagmalityong Yawa

c)

Anggoy Doronoon

d)

Suklang Malayon

33.

Ipinag-utos ni _______________, ang hari ng mga diyos at diyosa na ang magandang diwatang si Alunsina ay ikasal pagsapit niya sa edad ng pagdadalaga.

a)

Bungot Banwa

b)

Dumalapdap

c)

Kaptan

d)

Buyung Saragnayan

34.

Sino/ano ang nagligtas kay Don Juan sa ilalim ng balon matapos putulin ng kapatid ang lubid?

a)

A. Agila

b)

B. Ermitanyo

c)

C. Lobo

d)

D. Olikornyo

35.

Saan napadpad si Don Juan nang siya ay umalis sa Berbanya dahil sa pagkawala ng Ibong Adarna?

a)

A. Alemanya

b)

B. Armenya

c)

C. Saudi Arabia

d)

D. Uganda

36.

Ano ang natagpuan ng magkakapatid sa kanilang paglalakbay sa Bundok ng Armenya?

a)

A. Bundok Tabor

b)

B. Ibong Adarna

c)

C. Mahiwagang balon

d)

D. Reyno Delos Cristales

37.

Sino ang tanging nakarating sa ilalim ng balon at nagligtas kina Donya Leonora at Donya Juana?

a)

A. Don Carlos

b)

B. Don Diego

c)

C. Don Juan

d)

D. Don Pedro

38.

Bakit kinailangan bumalik ni Don Juan sa ilalim ng balon pagkatapos mailigtas ang dalawang magkapatid?

a)

A. Dahil naiwan ni Leonora ang singsing na pamana sa kanya

b)

B. Dahil may naiwan pang Prinsesa sa ilalim ng balon

c)

C. Upang iligtas ang lobo ni Donya Leonora

d)

D. Upang balikan ang Ibong Adarna

39.

Ano ang idinahilan ni Donya Leonora kay Haring Fernando upang hindi kaagad siya ipakasal kay Don Pedro?

a)

A. Dahil siya ay nagluluksa

b)

B. Dahil siya ay mayroon ng kabiyak

c)

C. Mayroon siyang panatang tinatapos

d)

D. Dahil si Don Diego ang kanyang iniibig

40.

_______ dipa pa lamang ay di na kinaya ni Don Pedro ang dilim nang siya ay ibinababa na sa balon.

a)

30

b)

20

c)

10

41.

Ang unang babaeng bumihag sa puso ni Don Juan

a)

Maria Blanca

b)

Leonora

c)

Donya Juana

42.

Ang nagbabantay kay Donya Juana

a)

Lobo

b)

Higante

c)

Serpyente

43.

Ang ikalawang babae na inibig ni Don Juan

a)

Maria Blanca

b)

Leonora

c)

Donya Juana

44.

Ang naiwang mahalagang bagay kay Leonora

a)

Diyamanteng kwintas

b)

Diyamanteng ipit

c)

Diyamanteng singsing

45.

Ang pinagmulan ng tubig na kinuha ng lobo upang mapagaling si Don Juan

a)

Ilog Jordan

b)

Ilog Pasig

c)

Ilog Babilonya

46.

Ang taon na hiniling ni Leonora na ipagpapanata niya bago makasal kay Don Pedro

a)

5

b)

7

c)

6

47.

Habang nagpapahinga si Don Juan ay may dumating upang payuhan sa kung ano ang susunod niyang gagawin, ano o sino ito?

a)

Ermitanyo

b)

matandang uugod-ugod

c)

Ibong adarna

48.

Saang lugar kinakailangang hanapin ni Don Juan ang babaeng mas ikararangal ng kanyang ama?

a)

Reino Delos Tabes

b)

Reino Delos Cristales

c)

Reino Delos Payatas

49.

Malinis ang tubig sa aming ilog.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

50.

Si lola at si lolo ay kapwa matanda na.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

51.

Napakatamis talaga ng niluto kong salad.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

52.

Bakit umiiyak ang maliit na bata?

a)

Lantay

b)

pahambing

c)

Pasukdol

53.

Mas masaya ang klase namin kaysa sa klase ninyo.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

54.

Si Lina ang pinakamatalino sa buong klase namin.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

55.

malungkot ako dahil iniwan na nila ako.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

56.

Sintaas ng gusali ng ospital ang gusali ng aming paaralan.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

57.

Si Marie ay ubod ng talino sa Filipino.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

58.

Alin ang naiibang kaantasan?

a)

Mas masaya kung darating ka agad.

b)

Mabilis tumakbo ang kabayo namin.

c)

Kapwa mabait ang dalawang anak ni Tita.

d)

Di gaanong masaya ang mga palabas nila.

59.

Alin ang naiibang kaantasan?

a)

Napakasarap talaga ng luto ni nanay.

b)

And adobo ni ate ang pinakamabango sa lahat.

c)

Magsinglaki lang ang papaya na binili natin.

d)

Saksakan ng sungit talaga ang ating kapitbahay.

60.

Alin ang hindi pang-uri?

a)

Masayahin

b)

Masipag

c)

Maglalakad

d)

Mapagbigay

61.

Alin ang hindi pang-uri?

a)

Maglalaro

b)

Magaling

c)

Mahusay

d)

Malakas