WorksheetsECO-2NDGR. Q1
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Isa sa mahalagang elemento na sinusuri sa pag-aaral ng microeconomics ay ang konsepto ng Demand na idinidikta o nagmumula sa mga konsyumer. Alin sa sumusunod ang tamang pagpapakahulugan sa Konsepto ng Demand?
Ito ay tumutukoy sa mga produktong kahalili ng mga pangangailangan ng isang konsyumer.
Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa (willing) at kayang (able) bilhin ng mga konsyumer sa iba’t ibang halaga o presyo.
Ito ay tumutukoy sa kabuuang dami ng produkto na mabibili sa bawat presyo kung ang konsyumer ay makakabili ng lahat ng kanilang pangangailangan.
Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng prodyuser sa iba’t ibang presyo.
Kapag ang kurba ng demand ay gumagalaw mula itaas, pababa, at pakanan o downward sloping, ito ay nagpapahiwatig ng ___________________.
Walang kaugnayan ang Demand sa presyo.
Hindi nagbabago ang presyo ayon sa Demand.
Negatibong ugnayan ng presyo sa dami ng Demand.
Positibong ugnayan ng presyo sa dami ng Demand.
Si Marvel ay nakagawian ng bumili ng banana-Q tuwing recess. Nang minsang tumaas ng tatlong piso ang paborito niyang banana-Q, hindi na muna siya bumili at sa halip ay naghanap na lamang ng ibang mabibili sa canteen. Ano ang ipinahihiwatig ng quantity demanded ni Marvel para sa banana-Q?
ang quantity demanded sa banana-Q ay hindi-elastiko sapagkat si Marvel ay tumugon ng malaki sa pamamagitan ng pagbabawas ng quantity demanded para sa banana-Q.
ang quantity demanded sa banana-Q ay elastiko sapagkat si Marvel ay tumugon ng malaki sa pamamagitan ng pagbabawas ng quantity demanded para sa banana-Q.
ang quantity demanded sa banana-Q ay unitary sapagkat ang dami ng ibabawas na quantity demanded sa banana-Q ay kasing dami ng quantity demanded sa pamalit na bananacue ni Marvel.
Ang quantity demanded sa banana-Q ay ganap na hindi-elastiko dahil hindi makakatagal si Marvel na hindi kumain ng banana-Q sa loob ng isang linggo.
Sa ekonomiks, pinag-aaralan kung paano matutugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao. Ang gawaing ito ay tungkulin ng prodyuser. Ano ang tawag sa dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser?
Demand
Ekwilibriyo
Produksiyon
Supply
Upang masabing Supply, kailangang may kagustuhan at kakayahan na ipagbili ng prodyuser ang isang uri ng produkto. Halimbawa, may 30,000 lata ng sardinas ang kailangan sa pamilihan. Ayon sa datos, mayroong 10 kompanya ng sardinas ngunit sa bilang na ito, 6 lamang ang nais gumawa ng kabuuang 20,000 lata ng sardinas kung ipagbibili ito sa presyong Php10.00. Batay sa pahayag, ilan ang maitatalang supply ng sardinas?
6
10
20,000
30,000
Kung ang presyo ng isang pangunahing produkto ay labis na mataas at hindi na makatarungan para sa mga konsyumer dahil sa mapang-abusong gawi ng mga may-ari, gumagawa ng hakbang ang pamahalaan upang matugunan ito. Nakikialam ang pamahalaan sa pagpepresyo sa pamilihan. Ano ang tawag sa patakaran ng pagtatakda ng pinakamataas na presyo ng mga produkto o serbisyo?
Price ceiling
Floor price
Market Clearing price
Price support
Alin ang nagpapaliwanag kung bakit mahal ang bulaklak na rosas sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso?
Dahil sa okasyon, tumataas ang demand ng mga konsyumer sa rosas kaya lumilipat ang kurba ng demand sa kanan na nagreresulta sa pagtaas ng presyo nito.
Dahil sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso, nagkakasundo na ang mga konsyumer at prodyuser na itaas ang presyo sapagkat pareho naman silang nakikinabang dito.
Tanggap ng mga konsyumer ang pagtaas ng presyo ng rosas tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso sapagkat hindi matatawaran ang kasiyahang natatamo ng mga konsyumer sa pagbibigay ng rosas sa kanilang mga mahal sa buhay.
Tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso, itinatago ng mga prodyuser ang panindang bulaklak upang lalong tumaas ang presyo nito.
Lahat tayo ay kinikilala bilang mga konsyumer na may mga pangangailangan subalit hindi lahat ay may kakayahang maging prodyuser o gumawa ng mga produkto o serbisyo na tutugon sa ating mga pangangailangan. Ano ang tawag sa lugar kung saan ang mga konsyumer at prodyuser ay nagtatagpo at nagkakaroon ng palitan sa pamamagitan ng itinakdang presyo ng mga produkto?
Department Store
Talipapa
Pamilihan
Tiangge
Ayon sa batas ng demand, alin sa sumusunod na pahayag ang malinaw na magpapaliwanag tungkol sa ugnayan ng presyo at demand ng mga konsyumer?
Kaunti ang mabibili ng mga konsyumer kapag mataas ang presyo.
Maraming mabibili ang mga konsyumer kapag mataas ang presyo.
Habang tumataas ang presyo, bumababa ang quantity demanded ng mga konsyumer.
Habang tumataas ang presyo, tumataas ang demand ng mga konsyumer.
Malaki ang papel ng pamahalaan upang mapanatili ang katatatagan ng presyo sa pamilihan. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag nito?
Panghuhuli sa illegal vendors na nagkalat sa paligid.
Pagtatakda ng price ceiling at floor price upang magkaroon ng gabay sa presyo ng mga bilihin.
Pagtataguyod ng mga batas sa pangangalaga sa karapatan ng mga konsyumer.
Patuloy na panghihikayat sa mga maliliit na negosyante na palawakin pa ang negosyo.
