wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP Quiz #4

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Binilhan si TJ ng kaniyang magulang ng mga bagong krayola, pangpinta, at iba pang pangkulay. Nakita ito ng kaniyang mga kamag-aral at siya naman niyang ipinahiram. Ano ang kaniyang ibinabahagi?

a)

A. Gamit

b)

B. Kakayahan

c)

C. Talento

2.

Palihim na kinakain ni Ara ang biniling biskwit na para sana sa kanila ng kaniyang kakambal na si Arjo. Naubos niya ito at wala nang natira para kay Arjo. Ano ang ibinahagi ni Ara kay Arjo?

a)

A. Gamit

b)

B. Kakayahan

c)

C. Wala

3.

Nagpakitang-gilas si Cris sa kaniyang Tiktok. Ipinapakita niya ang galing niyang umarte sa kaniyang mga manonood sa pamamagitan ng maiiksing bidyo. Ano ang ibinabahagi ni Cris sa mga tao?

a)

A. Gamit

b)

B. Talento

c)

C. Wala

4.

Kailangan ng mga boluntaryo para sa paghahanda ng mga donasyon para sa mga tinamaan ng bagyong Odette. Ligtas sila Jona at kaniyang pamilya kaya naisipan nilang tumulong. Ano ang kanilang ibinahagi?

a)

A. Gamit

b)

B. Kakayahan

c)

C. Talento

5.

Ayaw tumulong ni Yuni sa pagpapaganda ng kanilang silid-aralan. Ano ang ibinabahaging mabuti ni Yuni?

a)

A. Gamit

b)

B. Kakayahan

c)

C. Wala

6.

Nais makipagkaibigan ni Jan kay Julio na anak ng bago nilang kapitbahay. Ano ang dapat gawin ni Jan?

a)

A. Inggitin si Julio habang nakikipaglaro sa kaniyang mga kaibigan.

b)

B. Hintayin na lamang na makipag-usap sa kaniya si Julio.

c)

C. Magpapakilala si Jan kay Julio.

7.

Malungkot ang kaibigan ni Cedrick. Alin ang hindi tamang paraan ng pagpapakita ng pag-unawa sa kaniyang kaibigan?

a)

A. Itanong ang kaniyang nararamdaman.

b)

B. Iwasang kausapin ang kaniyang kaibigan.

c)

C. Kausapin at makinig sa kaniyang kaibigan.

8.

Gusto mong pagkatiwalaan ka ng iyong kapatid dahil gusto mo hiramin ang kaniyang bag. Ano ang iyong gagawin upang ipakita na pinahahalagahan mo ang kaniyang tiwala?

a)

A. Gamitin ang bag kahit hindi niya alam at isauli na lang agad.

b)

B. Itanong sa kapatid kung maari mong gamitin ang bag niya.

c)

C. Sabihin sa inyong nanay na gagamitin mo ang bag.

9.

Ano ang pinakatamang dahilan kung bakit dapat igalang ang ating kapwa?

a)

A. Dahil ang bawat tao ay mahalaga.

b)

B. Dahil ang ating kapwa ay umaasang igagalang nila.

c)

C. Dahil ito ang nakasanayan.

10.

Ano ang pinakatamang pahayag tungkol sa pagmamalasakit sa kapwa?

a)

A. Ang pagmamalasakit ay dapat na ipakita lamang sa pamilya.

b)

B. Ang pagmamalasakit ay pag-iisip sa ikabubuti at nararamdaman ng kapwa.

c)

C. Dapat na pinipili ang mga taong pinagmamalasakitan.