NEW
Font size
WorksheetsWorksheet 3 Aral Pan 8 2nd Quarter
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Ano ang tawag sa pinakamagandang arkitekturang nagawa sa Gresya at kilala rin bilang Templo ni Athena?
Acropolis
Colosseum
Olympic Stadium
Parthenon
Sino ang may-akda ng Iliad at Odyssey?
Levi
Cicero
Homer
Virgil
Ang demokrasya ay isa sa pinakamahalagang ambag ng mga Griyego sa kultura sa daigdig. Ano ang kahulugan ng demokrasya?
Ito ay sistema ng pamahalaan na naging dahilan kung bakit kinainggitan at kinakatakutan ang Athens.
Ito ay pinamumunuan ng pinakamahusay na tao.
Ang kapangyarihan ng estado ay nagmumula sa iisang tao.
Ito ay uri ng pamahalaan na ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga mamamayan.
Ayon kay Arthur Evans, sa Crete unang umusbong ang sinaunang kabihasnan sa Gresya. Bakit dito ito ang ugat ng sinaunang kabihasnan sa Gresya?
Ang Crete ay istratehikong isla sa Dagat Aegean.
Ang mga natagpuang labi sa islang ito ay nagpapakita na mataas ang kabihasnang nabuo dito.
Sa Crete makikita ang pinagsamang kultura ng mga Minoan at Achaean.
Ang mga Cretan ay may kaalaman sa Matematika, paghabi at paggawa ng mga kagamitang tanso.
Paano nakilala ang kabihasnang klasikal sa Gresya at Roma upang makilala ang Europa sa daigdig?
Malaki ang mga nagawa ng Gresya at Roma.
Ang mga nagawa ng Gresya at Roma ay kahanga-hanga.
Malaki ang naging impluwensya ng Gresya at Roma sa kultura ng daigdig.
Naging makapangayarihan ang Europa dahil sa mga pinunong naging makapangyarihan sa Gresya at Roma.
Ang 12 Tables ay mahalaga sa kultura ng mga Romano sapagkat ito ang kauna-unahang nakasulat na batas sa Roma. Ito rin ang naging batayan ng mga Batas Romano. Paano ito nakaapekto sa pamumuhay ng mga Romano?
Pinatawad ang mga Plebeian sa kanilang mga pagkakautang.
Ang mga Romano ay ngkaroon ng mga tagapagtanggol ng karapatan.
Maaari nang magpakasal sa isa’t isa ang Plebeians at Patricians.
Ang mga Plebeian ay nagkaroon ng kaalaman sa kanilang mga karapatan.
Ano ang kabisera ng kabihasnang Minoan?
Knossos
Troy
Crete
Athens
Ang palasyo ng Knossos ay enggrande at mistulang isang labyrinth. Ano ang ipinahihiwatig nito?
Totoo ang mitolohiya ng Gresya at talagang mayroong minotaur.
Makapangyarihan ang mga hari at maunlad ang Kabihasnang Minoan.
Nais iligaw ng hari ang kanyang mga pinamumunuan sa loob ng palasyo.
Sadyang ginawang magarbo ang palasyo upang makaakit ng mga mangangalakal.
Ano ang kabisera ng kabihasnang Mycenaean?
Mycenae
Crete
Knossos
Troy
Maliban sa naging depensa laban sa mga kaaway, ano pa ang naging gamit ng cyclopean ng mga Mycenaean?
paraan upang maihiwalay ang mga lider sa mga mamamayan
nagsilbing pook-sambahan para sa kanilang mga diyos at diyosa
harang laban sa mababangis na hayop
isang paraan ng pagpapahayag ng kanilang sining
Ang bawat sentro ng kapangyarihan sa kabihasnang Mycenaean ay may hari. Ano ang ipinahihiwatig nito?
Ang ibang mga hari ay kumakatawan lamang sa hari sa kabisera.
Malaya at may sariling pamumuno ang bawat estado.
Hindi sila makapili ng iisang hari lamang.
Banyaga ang haring namumuno sa ibang sentro ng kapangyarihan.
Sino ang aristokratang nagtatag ng demokrasya sa Athens?
Cleisthenes
Pisistratus
Solon
Augustus
Sinasabing ang Athens ang unang demokrasya sa daigdig, ngunit kaunti lamang ang mga karapatan ng kababaihan dito. Ano ang ipinahihiwatig nito?
Hindi itinuturing na mamamayan ng Athens ang kababaihan.
Mga babaeng kamag-anak lamang ng hari ang may mga karapatan.
Magkaiba ang antas ng demokrasya ngayon at noong sinaunang Athens.
Mas malawak ang saklaw ng demokrasya sa Athens noon kumpara sa ngayon.
Sa anong edad nagsisimulang magsanay para sa pagpasok sa hukbo ang mga lalaki sa Sparta?
7
8
5
6
Ano ang dahilan kung bakit naghigpit ng pamamahala ang Sparta?
mga helot na nag-aalsa
mga dayuhang mananakop
mga karibal sa komersiyo
mga Spartan na nakikigulo
Sa aling ilog umusbong ang sinaunang pamayanan ng Roma?
Tiber
Euphrates
Nile
Tigris
Ano ang tawag sa mayayamang aristokrata sa lipunan ng Republikang Romano?
Konsul
Praetor
Plebeian
Patrician
Ano ang tawag sa yugto ng kapayapaan, pagkakaisa, kaayusan, at pagyabong ng kultura sa Imperyong Romano?
Dinastiyang Julio-Claudian
Dinastiyang Flavian
Pax Romana
Pamumuno ng Huling Limang Mabubuting Emperador
Bakit dalawa ang konsul sa Republikang Romano?
Sapagkat kailangan ng check-and-balance, kaya dalawa ang konsul.
Upang masigurong may namumuno sa lungsod-estado kapag ang isa ay nasa digmaan.
Sapagkat mas makapangyarihan ang gobyerno kung dalawa ang konsul.
Upang ipakita sa mga karatig na lungsod na mahusay ang kanilang republika.
Ayon sa alamat, sino ang mga nagtatag sa Roma?
Constantine at Herod
Julius at Augustus
Cleopatra at Julius
Remus at Romulus
1. Kung ikaw ay isang Griyego , Ano ang katangian na iyong pwedeng maipagmalaki?
. Pagiging disiplinado tulad ng Spartan
Pagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa polis sa panahon ng pananakop
Pagpapakita ng patriotismo kung saan handang ipaglaban ang kalayaan para sa bansa
Lahat ng nabanggit
Bilang isang mag – aaral, paano ka makikiisa sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagpapahalaga ng impluwensiya ng mga Griyego?
patuloy na kilalanin at maging kaisa sa pagpapahalaga ng mga pamana ng Gresya na kakikitaan pa rin hanggang sa kasalukuyan sa pamamagitan ng paggamit ng Social Media.
Pag – aralan lamang ito at huwag na lamang pansinin
Ipakita sa mga kamag – aral ang mga pamana ng Gresya
Hayaan na lamang ito sapagkat ito ay nakaraan na lamang na hindi na dapat pang bigyang – halaga at pansinin
. Anong lungsod – estado ang naging setro ng kabihasnan na may hugis – botang tangway na pinagmulan ng dakilang imperyo?
Jerusalem
Medina
Roma
Cairo
Saan nagsimula ang kauna-unahang sibilisasyong Aegean sa Greece?
Crete
Sicily
Olympia
Athens
Ano ang kabihasnang nabuo sa Crete?
Mycenaean
Minoan
Athens
Spartan
