wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pasulit sa Ekonomiks Kwarter 2

Total questions: 50

Worksheet time: 50mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong gusto at kayang bilhin ng mamimili.

a)

Demand Function

b)

Demand

c)

Demand Schedule

d)

Demand Curve

2.

Isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gustong bilhin ng mamimili sa iba’t – ibang presyo.

a)

Demand

b)

Demand Function

c)

Demand Curve

d)

Demand Schedule

3.

Ito ay mabubuo kung ilalapat ang demand schedule sa isang grap.

a)

Demand Curve

b)

Demand Function

c)

Demand Slope

d)

Demand Schedule

4.

Ito ay isang matematikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity demanded.

a)

Demand Curve

b)

Demand Function

c)

Demand Slope

d)

Demand Schedule

5.

Makikita sa ibaba ang kurba ng demand.  Alin sa sumusunod ang naglalarawan nito?

a)

Downward Slope

b)

Sideward slope

c)

Upward slope

d)

Backward slope

6.

Kung panahon ng tag-ulan, ano ang mangyayari sa demand ng mga produktong kapote at payong?

a)

Mananatili

b)

Bababa

c)

Tataas

d)

Iregular

7.

Nagkakaubusan na ng suplay ng Japanese Siomai kaya tumaas ang demand ng Pork Siomai.  Ano ang tawag sa produktong kwek-kwek?

a)

Pamalit

b)

Komplementaryo

c)

Temporaryo

d)

Maliit

8.

Tuwang-tuwa si Aleng Nena dahil dumami ang nagpapa-load sa kanya sapagkat halos lahat ng tao sa kanilang barangay ay may cellphone na.  Ano ang tawag sa mga produktong ito?

a)

Pamalit

b)

Komplementaryo

c)

Temporaryo  

d)

Maliit

9.

Bilang isang mag-aaral mahalagang maisabuhay mo ang batas ng demand.  Papano mo ito gagawin?

a)

Marunong nang mag-ipon para sa gusto mong gadget.

b)

Aalamin ang kalidad ng produkto sa bawat pagbili.

c)

Gagastos ayon sa pangangailangan.

d)

Aalamin ang presyo ng produkto sa bawat pagbili.

10.

Sa panahon ngayon ng pandemic, nangangamba ang mga tao na  

     maubusan ng produkto para sa kaligtasang pangkalusugan.  Ano ang

     mangyayari sa demand ng paracetamol?

a)

Mananatili ang pangangailangan ng paracetamol.

b)

Bababa ang pangangailangan ng paracetamol.

c)

Tataas ang pangangailangan ng paracetamol.

d)

Regular ang pangangailangan ng paracetamol.

11.

Bumaba ang benta ng tindahan ni Cesar simula ng Quarantine. Bakit naapektuhan ang kanyang benta?

a)

Dahil marami na ang nagsulputang bagong tindahan

b)

Dahil marami ang nawalan ng trabaho

c)

Dahil bawal na lumabas

d)

Dahil lumipat ang kanyang mga suki sa ibang tindahan

12.

 Isa sa mga salik ng demand ay ang dami ng mamimili.  Kung kayo ay may negosyong pater, ano ang gagawin mo para dumami ang benta ninyo?

a)

Tataasan ko ang presyo ng pater

b)

Kumbinsihin ko ang mga kaklase na bumili

c)

Mamimigay ako ng libreng sample

d)

Iimbetahan ko ang aking mga kaibigan at kaklase sa aming tindahan

13.

 Para makatipid, bumili si Samuel ng tsokolate para sa kanyang nobya kahit sa susunod na linggo pa ang araw ng mga puso.  Bakit nagdesisyon si Samuel na gawin ito?  

a)

Dahil sa dami ng mamimili

b)

Dahil sa kanyang panlasa

c)

Dahil sa inaasahang niyang kikita

d)

Dahil sa inaasahang pagtaas ng presyo nito

14.

 Gamit ang Demand Function Equation, Qd = 50 – 2P, Ilan ang Quantity Demanded kung ang presyo ng isang pirasong mansanas ay 15php?

(a)  

15.

Alin sa mga sumusunod na datos ang kukumpleto sa schedule batay sa demand function na: Qd = 50 – 2P.

a)

1.)6

2.)34

3.)10

4.) 26

5.)14

b)

1.)7

2.)35

3.)11

4.) 27

5.)15

c)

1.)8

2.)36

3.)12

4.) 28

5.)16

d)

1.)9

2.)37

3.)13

4.)29

5.)17)

16.

Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.

a)

Demand

b)

Ekwilibriyo

c)

Supply

d)

Produksyon

17.

Ito ang pangunahing salik na nakaapekto sa demand at supply.

a)

Presyo

b)

Kosyumer

c)

Prodyuser

d)

Nagtitinda

18.

Salik ng produksyon na tumutukoy sa mga makabagong makinarya o kasangkapan na nagpapabilis sa produksyon ng partikular na produkto.

a)

Halaga ng produksyon

b)

Teknolohiya

c)

Bilang ng nagtitinda   

d)

Presyo

19.

Inaasahang tataas ang presyo ng bigas sa darating na buwan.  Ano ang magiging epekto nito sa supply ng bigas?

a)

Bababa ang magiging supply 

b)

Mananatili ang dami ng supply

c)

Tataas ang magiging supply 

d)

Aangkat ng supply

20.

Sinasabing naapektuhan ang dami ng supply sa pagbabago ng presyo ng kaugnay na produkto.  Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng magkaugnay na produkto?

a)

Peanut butter- hotdog

b)

Brown sugar – white sugar

c)

Face mask at alcohol  

d)

Asukal – kape

21.

Ang batas ng supply ay nagsasaad na may direktang ugnayan ang presyo at supply.  Anong pahayag ang nagpapatunay nito?

a)

Kapag mataas ang presyo, mataas din ang supply at kapag mababa ang presyo, mababa din ang supply.

b)

Kapag mataas ang presyo, bababa ang supply at kapag mababa ang presyo, tataas ang supply.

c)

Kapag mataas ang presyo, walang pagbabago sa supply at kapag mababa ang presyo, bahagyang tataas ang supply.

d)

Kapag mataas ang presyo, bahagyang bababa ang supply at kapag mababa ang presyo, walang pagbabago sa supply.

22.

Ang presyo ay nagtatakda sa dami ng supply sa pamilihan.  Bakit binabawasan ng prodyuser ang produkto sa pamilihan kapag bumababa ang presyo?

a)

Dahil mag-aagawan ang mga tao

b)

Dahil marami siyang magiging kakompetensya sa pagtitinda

c)

Dahil malulugi siya sa maliit na halagang ipagbibili ang produkto

d)

Dahil mababa ang salik ng produksyon nito

23.

Kung susuriin ang graph na nasa ibaba, anong direksyon ang ipinapakita ng   kurba ng supply o supply curve?

a)

Kumikilos paitaas patungong kanan

b)

Kumikilos mula itaas, pababa at pakanan

c)

Kumikilos paitaas at pakaliwa

d)

Kumikilos mula itaas, pababa at pakaliwa

24.

Sa supply function na Qs=0+8P, ano ang quantity supply kung ang presyo ay Ᵽ20.00?

(a)  

25.

Ang pagtaas ng supply ay nakaaapekto sa ating pagkonsumo.  Paano ka magiging apektado kapag may nagaganap na pagtaas ng supply sa bigas?

a)

Maging cool lang dahil maging mababa ang presyo nito.

b)

Malungkot dahil tataas ang magiging utang ko.

c)

Mag-aalala dahil maging apektado ang badyet ko pagtaas ng presyo.

d)

Maging masaya dahil mas higit ang mabibili ko sa pagtaas ng supply.

26.

Ang hoarding ay minsang isinagawa ng mga prodyuser sa mga produktong nakatakdang magkaroon ng limitadong supply. Paano isinagawa ang hoarding sa pamilihan?

a)

Pagtatago ng mga produkto habang mura pa ang mga presyo nito.

b)

Paglilimita ng produksyon ng produkto habang mura pa ang presyo ng mga ito sa pamilihan.

c)

Maramihang produksyon ng mga produkto para ito ay maibenta sa mas mataas na presyo.

d)

Pagpigil na makapasok ang mga produkto sa mga pamilihan.

27.

Ang ugnayan ng presyo at supply ay maaring maipakita sa supply schedule at supply curve.  Paano mo mailalarawan ang mga ito?

a)

Ang supply schedule ay talaan ng ugnayan ng presyo at dami ng supply habang ang supply curve ay grapikong paglalarawan.

b)

Ang supply schedule at talaan ng dami ng supply habang ang supply curve ay grapikong paglalarawan sa presyo.

c)

Ang supply schedule ay grapikong ugnayan ng presyo at dami ng supply habang ang supply curve ay talaan ng presyo at dami ng supply.

d)

Ang supply schedule at talaan ng presyo habang ang supply curve ay grapikong paglalarawan ng dami ng supply.

28.

Maraming produkto ang tumaas ang supply dulot ng pandemya na COVID-19. Kung ikaw ay isang mamimili, anong pangunahing pangangailangan ang iyong bibilhin kahit tumaas pa ang presyo nito?

a)

Smart phone para madali kong matawagan ang pamilya ko.

b)

Kotse dahil nakatutulong ito na makapag-grocery at makapunta kahit saan.

c)

Bigas at pang-ulam bilang pantawid-gutom sa panahon ng lockdown.

d)

Mamahaling alahas upang may maisangla kung kakailanganin.

29.

Naglipana ngayon sa social media ang pagbebenta ng halos magkaparehong produkto na may ibat-ibang presyo. Kung ikaw ay isang negosyante, ano ang gagawin mo para maging mabenta ang iyong produkto?

a)

Itatakda ang presyo sa bawat item na may mataas na tubo kasama na ang delivery charge.

b)

Itatakda ang presyo sa bawat item na may mataas na tubo at hiwalay ang delivery charge.

c)

Itatakda ang presyo sa bawat item na may   katamtamang tubo at delivery charge rate sa bawat lugar.

d)

Itatakda ang presyo sa bawat item na may mababang tubo at pagpipiliin ang mga mamimili kung ito ay pick up o delivery na may charge na nakadepende sa lugar.

30.

May malaking epekto ang pandemya sa supply ng alcohol at face mask sa bansa.  Paano maapektuhan ang supply ng alcohol at face mask sa lokal na pamilihan kung ang materyales nito ay nabibili sa labas ng bansa sa mataas na halaga?

a)

Bababa ang supply dahil mataas ang halaga ng produksyon nito at ipagbibili lamang sa mababang presyo.

b)

Tataas ang supply dahil mataas ang halaga ng produksyon nito at ipagbibili sa mataas na presyo.

c)

Bababa ang supply dahil mababa ang halaga ng produksyon nito at ipinagbibili sa mababang presyo.

d)

Tataas ang supply dahil mababa ang halaga ng produksyon nito at ipinagbili sa mataas na presyo.

31.

Ang ekwilibriyo sa pamilihan o market equilibrium ay tumutukoy sa sitwasyon kung saan ang presyo ay __________________.

a)

tataas sanhi ng kompetisyon ng mga sellers.

b)

nasa antas kung saan walang surplus o shortage.

c)

mataas, sapat para sa mga kompanya na magkaroon ng sapat na tubo

d)

mababa, sapat upang mabili ng mga konsyumers ang kanilang gusto.

32.

Ito ay nararanasan kung ang quantity supplied ay mas marami kaysa sa quantity demanded.

a)

Ekwilibriyo 

b)

Disekwilibriyo

c)

Shortage

d)

Surplus

33.

Ang kalagayan ng pamilihan na hindi pareho ang quantity demanded at quantity supplied.

a)

Ekwilibriyo

b)

Disekwilibriyo 

c)

Shortage 

d)

Surplus

34.

1.    Ito ay nararanasan kung ang quantity supplied ay mas kaunti kaysa sa quantity demanded.

a)

Shortage

b)

Surplus 

c)

Ekwilibriyo 

d)

Disekwilibriyo

35.

Kung may surplus sa pamilihan, ano ang mangyayari sa presyo ng produkto o serbisyo?

a)

Mananatili  

b)

Bababa ang presyo

c)

Mawawala ang halaga

d)

Tataas ang presyo

36.

Ito ang tawag sa pinagkasunduang presyo ng konsyumer at prodyuser.

a)

Ekwilibriyong presyo  

b)

Diskwentong presyo

c)

Disekwilibriyong presyo   

d)

Surplus na presyo

37.

Ang puntong ekwilibriyo ay bahagi ng graph ______________________

a)

kung saan nagsisimula ang demand curve.

b)

kung saan nagkakaroon ng shift ng supply curve.

c)

kung saan ang demand curve at supply curve ay nag- iintersect.

d)

kung saan ang demand curve at supply curve ay magkahilera.

38.

Ano ang P sa supply function na Qs = 400P, kung ang nakompyut na                Qs ay 1,200? 

(a)  

39.

Kung ang P ay Php2 sa demand function na Qd =1000 - 200P, ano ang Qd?

(a)  

40.

Ano ang sitwasyon ng pamilihan na itinatakda ng mga function na Qd = 3000 - 500P at Qs = 500P, kung saan ang P ay Php3?

a)

May shortage ng supply  

b)

May ekwilibriyo

c)

May surplus ng supply   

d)

May disekwilibriyo

41.

May mga pagkakataon na nagiging mahal ang presyo ng mga bilihin.  Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag kung bakit mahal ang bulaklak na rosas sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso?

a)

  Tumataas ang demand ng mga konsyumer sa rosas dahil sa okasyon kaya lumilipat ang kurba ng demand sa kanan na nagreresulta sa pagtaas ng presyo nito.

b)

Nagkakasundo ang mga konsyumer at prodyuser na itaas ang presyo sapagkat pareho naman silang nakikinabang dito.

c)

Mandato ng pamahalaan na itaas ang presyo dahil sa kasiyahang natatamo ng mga konsyumer.

d)

Itinatago ng mga prodyuser ang kanilang panindang bulaklak upang lalong tumaas ang presyo nito.

42.

May mga bansa tulad ng Amerika na mataas ang kanilang demand sa ilang manggagawa tulad ng mga guro.  Ano ang inaasahan sa kanilang inaalok na pasweldo?

a)

Mataas

b)

Mababa 

c)

Katamtaman 

d)

Di malaman

43.

Ang panahon ng El Nino o tagtuyot ay nagdudulot ng pagbaba sa dami ng bigas na mabibili ng mga konsyumers.  Ano ang inaasahan mong mangyayari?

a)

Ang suplay ng bigas ay tataas

b)

Ang demand ng bigas ay bababa

c)

Ang presyo ng bigas ay tataas 

d)

Ang presyo ng bigas ay bababa

44.

Nagkaroon ng Bird Flu outbreak sa Region 10.  Nagbabala ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Iligan sa panganib na maaring idulot mula sa pagkain ng karneng manok na kontaminado ng Bird Flu virus.  Ano ang inaasahang mangyayari sa presyo ng mga itinitindang karneng manok sa nasabing lungsod?

a)

Di magbabago ang presyo dahil may ekwilbriyo sa pamilihan.

b)

Tataas ang presyo dahil bababa ang demand.

c)

Bababa ang presyo dahil tataas ang demand.

d)

Bababa ang presyo dahil bababa ang demand

45.

Nagaganap ang ekwilibriyo sa pamilihan kung pantay ang dami ng quantity demanded at quantity supplied sa iisang presyo.  Ano ang implikasyon ng kalagayang ito sa pamilihan?

a)

Parehong masaya ang konsyumer at prodyuser sapagkat ang dami ng nais bilhin ng mga konsyumer ay kasindami ng nais ibenta ng mga prodyuser.

b)

May labis na quantity supplied sapagkat magtataas ng presyo ang mga prodyuser na magbibigay ng malaking kita.

c)

Parehong nasiyahan ang mga konsyumer at prodyuser sapagkat tumaas man ang presyo, kaunti lamang ang bibilhin ng mga konsyumer.

d)

Hindi masaya ang konsyumer dahil ang quantity demanded ay hindi napupunan ng labis na quantity supplied.

46.

Ang bumibili ng mga produkto sa pamilihan.

a)

Konsyumer        

b)

Demand               

c)

Presyo                  

d)

Supply

47.

Sila ang gumagawa ng mga produktong kailangan ng mga tao sa lipunan.

a)

Konsyumer

b)

Prodyuser

c)

Manager

d)

Entreprenyur

48.

Ang tawag sa isang sitwasyon kung saan itatago ng mga nagtitinda ang mga produkto.

a)

Hoarding   

b)

Kompetisyon 

c)

Ebalwasyon

d)

Pamilihan

49.

Ang ganap na kompetisyon ay uri ng pamilihang kinikilala bilang ideal o naayon na kung saan malaya ang prodyuser at konsyumer sa pamilihan. Bakit naging pinakamainam ang ganap na kompetisyon?

a)

Walang sino sa kanila ang may kontrol sa takbo ng pamilihan lalo na sa   

   pagtakda ng presyo ng mga produkto.

b)

Mas makapangyarihan ang prodyuser sa pagpapataw ng presyo sa mga

   produkto.

c)

Mahina ang partisipasyon ng konsyumer sa bentahan ng mga produkto    

   sa pamilihan.

d)

Matibay ang pagtatakda ng presyo ng mga produkto sa bawat     partisipasyon ng prodyuser at konsyumer sa presyohan.

50.

Ang trademark ay ang pagmamarka sa isang produkto o serbisyo bilang pagkakakilanlan ng prodyuser o tagagawa nito. Bakit mahalaga ang pagmamarka ng isang produkto?

a)

Maisawan ang pamemeke ng mga produkto.

b)

May kalayaan ang bawat mamamayan sa paglikha ng produkto.

c)

Pinahihintulutan ang mga pamimirata.

d)

Mabawasan ang mga produktong yari sa ibang bansa.