wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q2- SUMMATIVE- ESP- ILANG-ILANG

Total questions: 25

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Suriin kung ang kilos ay halimbawa ng KILOS NG TAO (Act of Man) o MAKATAONG KILOS (Human Act):

Paggawa ng mga performance tasks

a)

KILOS NG TAO (Act of Man)

b)

MAKATAONG KILOS (Human Act)

2.

Suriin kung ang kilos ay halimbawa ng KILOS NG TAO (Act of Man) o MAKATAONG KILOS (Human Act):

Pagpunta sa paaralan

a)

KILOS NG TAO (Act of Man)

b)

MAKATAONG KILOS (Human Act)

3.

Suriin kung ang kilos ay halimbawa ng KILOS NG TAO (Act of Man) o MAKATAONG KILOS (Human Act):

Patibok ng puso

a)

KILOS NG TAO (Act of Man)

b)

MAKATAONG KILOS (Human Act)

4.

Suriin kung ang kilos ay halimbawa ng KILOS NG TAO (Act of Man) o MAKATAONG KILOS (Human Act):

Pagkaramdam ng sakit mula sa sugat

a)

KILOS NG TAO (Act of Man)

b)

MAKATAONG KILOS (Human Act)

5.

Suriin kung anong salik na nakaaapekto sa makataong kilos ang ipinapahayag ng sitwasyon:

Sa sobrang galit ng lalaki dahil sa siya ay nananakawan ng pera ay bigla niyang sinuntok ang nakasalubong niyang matanda.

a)

Masidhing damdamin

b)

Takot

c)

Kamangmangan

d)

Gawi

e)

Karahasan

6.

Suriin kung anong salik na nakaaapekto sa makataong kilos ang ipinapahayag ng sitwasyon:

Katatapos lamang ni Renz na manood ng isang nakatatakot na palabas. Biglang may tumalon na pusa sa harapan niya kaya siya ay napasigaw. Dahil dito, nagulat at nataranta ang mga tao sa bahay nila.

a)

Masidhing damdamin

b)

Takot

c)

Kamangmangan

d)

Gawi

e)

Karahasan

7.

Suriin kung anong salik na nakaaapekto sa makataong kilos ang ipinapahayag ng sitwasyon:

Isang kaklase mong siga ang pinipilit kang kumuha ng pagkain sa canteen. Binantaan ka niya na aabangan sa labas kung hindi mo siya susundin. Sa pagtanggi mo ay binatukan at sinipa ka niya kaya napilitan ka na sundin siya.

a)

Masidhing damdamin

b)

Takot

c)

Kamangmangan

d)

Gawi

e)

Karahasan

8.

Suriin kung anong salik na nakaaapekto sa makataong kilos ang ipinapahayag ng sitwasyon:

Si Jolly ay dumating sa Maynila galing sa probinsya. Tumawid siya sa isang kalsada na kung saan ipinagbabawal ang pagtawid.

a)

Masidhing damdamin

b)

Takot

c)

Kamangmangan

d)

Gawi

e)

Karahasan

9.

Suriin kung anong salik na nakaaapekto sa makataong kilos ang ipinapahayag ng sitwasyon:

Palaging sinasabi ni Jake ang salitang "ulol" kapag siya ay nagsasalita.

a)

Masidhing damdamin

b)

Takot

c)

Kamangmangan

d)

Gawi

e)

Karahasan

10.

Nakipaghiwalay ang kasintahan ni Gerry sa mismong araw ng mga puso. Niyaya siya ng barkada upang mag-inom. Dahil nag-iisa at malungkot siya sa bahay, agad siyang pumayag at tumungo sa bahay ng barkada para makipag-inuman.


Ano ang layunin sa sitwasyong binasa?

a)

Nais ni Gerry na makasama ang barkada sa inuman.

b)

Nais ni Gerry na makipagbalikan sa kanyang kasintahan.

c)

Nais ni Gerry na makalimot ang sakit ng paghihiwalay.

d)

Nais ni Gerry na makahanap ng panibagong kasintahan.

11.

Nakipaghiwalay ang kasintahan ni Gerry sa mismong araw ng mga puso. Niyaya siya ng barkada upang mag-inom. Dahil nag-iisa at malungkot siya sa bahay, agad siyang pumayag at tumungo sa bahay ng barkada para makipag-inuman.


Ano ang sirkumstansya sa sitwasyong binasa?

a)

Makipag-inuman sa barkada upang mawala ang sakit ng paghihiwalay.

b)

Isang malaking pagkakamali ang desisyon ni Gerry na sumama sa barkada dahil baka siya ay mapahamak.

c)

Lalong nalungkot at nasaktan si Gerry dahil nangyari ito sa araw ng mga puso.

d)

Napagdesisyunan ni Gerry na umalis ng bansa upang makalimot.

12.

Matagal ng gusto ni Mercedes na magkaroon ng android cellphone. Habang abala ang lahat sa labas ng silid-aralan, nakita niyang naiwan ang cellphone ni Dennis sa lamesa. Agad niya itong kinuha at itinago.


Ano ang paraan sa sitwasyong binasa?

a)

Nais ni Mercedes na magkaroon ng bagong cellphone.

b)

Kinuha niya ito sa paaralan habang abala ang lahat.

c)

Nakonsensya si Mercedes sa kanyang ginawang pagnanakaw.

d)

Kinuha ni Mercedes ang cellphone sa lamesa.

13.

Walang noche buenang ihahanda ang pamilya ni Mang Caloy sa araw ng Pasko. Isang araw sa kanyang pangangalakal, nakakita siya ng plastic na may lamang pera. Agad niya itong ipinambili ng handa para sa darating na kapaskuhan.


Ano ang layunin sa sitwasyong binasa?

a)

Nais ni Mang Caloy na may maipambili ng regalo para sa kanyang pamilya.

b)

Nais ni Mang Caloy na may maihanda sa araw ng Pasko.

c)

Nais ni Mang Caloy na makaahon sa kahirapan.

d)

Nais ni Mang Caloy na maisauli ang nakitang pera sa may-ari.

14.

Si Viy at Cong ay may malakas at mabentang negosyo ng cosmetics at lechong manok. Ngayong darating na bagong taon ay nagkaroon sila ng donation drive at outreach program para sa mga nasalanta ng Bagyong Odette.


Ano ang sirkumstansiya sa sitwasyong binasa?

a)

Naglunsad sila ng donation drive para sa mga nasalanta.

b)

Nais ni Viy at Cong na makatulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette.

c)

Malakas ang kinikita ni Viy at Cong sa kanilang mga negosyo.

d)

Nais ni Viy at Cong na maging masagana ang bagong taon ng mga nasalanta.

15.

Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilosloob. Ito ang pinakalayunin o pinatutunguhan ng kilos

a)

Paraan

b)

Layunin

c)

Sirkumstansiya

d)

Makataong Kilos

16.

Ito ay tumutukoy sa pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta sa kaniyang buhay o mga mahal sa buhay.

a)

Takot

b)

Karahasan

c)

Kaba

d)

Masidhing damdamin

17.

Ito ay kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman, kalayaan, at pagkukusa.

a)

Kilos ng Tao

b)

May kusang-loob na pagkilos

c)

Malayang Pagkilos

d)

Makataong Kilos

18.

Niyaya ka ng iyong kaklase na umalis ng bahay at gumala. Alam mo na bawal lumabas ng bahay ang mga batang may edad 14 gulang pababa. Sumama ka pa rin kahit na batid mo na bawal lumabas ang mga katulad mo. Nahuli kayo ng mga kawani ng barangay.


Ito ay halimbawa ng anong uri ng kilos ayon sa kapanagutan?

a)

Kusang-loob

b)

Di kusang-loob

c)

Malayang loob

d)

Walang kusang-loob

19.

Ang iyong kapatid na limang (5) taong gulang pa lamang ay sinundo ng iyong tiyahin sa inyong bahay para isama niya sa pamamalengke. Mahigpit na ipinagbabawal na lumabas sa ngayon ang mga batang may edad na 14 pababa. Ang bata ay walang magiging pananagutan dahil wala naman siyang kaalaman patungkol sa batas at panuntunan sa kasalukuyan.

Ito ay halimbawa ng anong uri ng kilos ayon sa kapanagutan?

a)

Kusang-loob

b)

Di kusang-loob

c)

Malayang loob

d)

Walang kusang-loob

20.

Noong ikaw ay niyaya ng iyong kaklase na umalis ng bahay at gumala, tinanggihan mo siya dahil alam mong bawal lumabas ng bahay. Ngunit sabi niya kapag hindi ka sumama ay puputulin na niya ang inyong pagkakaibigan. Kaya sa huli ay sumama ka pa rin sa kaniya.


Ito ay halimbawa ng anong uri ng kilos ayon sa kapanagutan?

a)

Kusang-loob

b)

Di kusang-loob

c)

Malayang loob

d)

Walang kusang-loob

21.

Ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kaniyang kilosloob at pagkukusa.

a)

Kamangmangan

b)

Masidhing damdamin

c)

Karahasan

d)

Gawi

22.

Ito ay ang mga gawain na paulitulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema ng buhay sa araw-araw

a)

Takot

b)

Masidhing damdamin

c)

Karahasan

d)

Gawi

23.

Ano ang papel na ginagampanan ng isip?

a)

Humusga

b)

Kumilos

c)

Tumungo sa layunin

d)

Magpasiya

24.

Ano ang papel na ginagampanan ng kilos-loob?

a)

Makaunawa

b)

Magnilay

c)

Tumungo sa layunin

d)

Makabuo ng kahulugan

25.

Suriin kung ang kilos ay halimbawa ng KILOS NG TAO (Act of Man) o MAKATAONG KILOS (Human Act):

Paghikab

a)

KILOS NG TAO (Act of Man)

b)

MAKATAONG KILOS (Human Act)