WorksheetsKWARTER 2.8: DULA AT SINA ROMEO-JULIET
Total questions: 15
Worksheet time: 9mins
1. Ang tanyag na manunulat na sumulat ng Romeo at Juliet
A. Aesop
B. Elizabeth Barrett Browning
C. Snorri Sturluson
D. William Sharepeare
2. Isang akdang tuluyan na ang layunin ay itanghal.
A. dula
B. epiko
C. maikling kuwento
D. tula
3. Uri ng dula na ang bida ay humahantong sa malungkot na wakas o kabiguan.
A. Komedya
B. melodrama
C. parsa
D. trahedya
4. Ang paring nagkasal sa dalawang nagmamahalan na si Romeo at Juliet.
A. Benvolio
B. Juan
C. Lawrence
D. Tybalt
5. Sila ang mga tauhan ng dula ni William Shakespeare na naglalarawan sa walang kamatayang pag-ibig na humantong sa isang trahedya.
A. Florante at Laura
B. Maria Clara at Crisostomo Ibarra
C. Samson at Delilah
D. Romeo at Juliet
6. Nagpakamatay si Romeo dahil_________
A. inaakalang patay na Juliet.
B. ipapakasal si Juliet kay Paris
C. tuluyang inilayo si Juliet sa kanya
D. pinagbabawal ng kanilang mga magulang sa pag-ibig nila ni Juliet.
7. Ano ang naging dahilan ng kamatayan ni Romeo?
A. uminom siya ng lason.
B. sinaksak siya ni Tybalt.
C. tinamaan siya ng pana sa digmaan.
D. nagkasakit dala ng matinding gutom.
8. Ang lihim na pagkikita nina Romeo at Juliet ay nagpapahiwatig ng_____.
A. marubdob na pag-ibig para sa isa’t isa
B. pagsuway sa utos ng angkan
C. pagtataksil ni Juliet kay Paris
D. lahat ng nabanggit
9. Sa palagiang pagkikita nina Romeo at Juliet sa simbahan ay nagpapakita ng kulturang___
A. pagiging makadiyos
B. pagsuway sa magulang
C. pagpapahalaga ng relihiyon
D. pagkapit sa simbahan sa panahon ng suliranin
10. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit hindi pwedeng magmahalan sina Romeo at Juliet maliban sa isa.
A. Bago lamang sila nagkakilala
B. Pakakasal na si Juliet Kay Paris
C. Magkaaway ang kanilang mga angkan.
D. labag sa kultura ng mga Capulet na pakasal sa isang Montague
11. Anong mahalagang kaisipan ang ipinaparating ng dulang Romeo at Juliet?
A. Ang pag-ibig na tapat ay walang kamatayan.
B. Kapag mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo.
C. Lahat ay pantay- pantay sa ngalan ng pag-ibig.
D. Hahamakin ang lahat masunod lamang ang tawag ng pag-ibig.
12. Sa iyong palagay, wagas ba na pag-ibig ang namamagitan kina Romeo at Juliet? Bakit?
A. Hindi dahil bago pa lamang sila nagkakilala.
B. Hindi, dahil sila ay nasa murang edad pa lamang.
C. Oo dahil nagawa nilang pakasal na walang basbas ng mga magulang.
D. Oo dahil handa nilang ibuwis ang kanilang buhay sa ngalan ng pag-ibig.
13. Bakit ganoon na lamang ang pag-ibig nina Romeo at Juliet sa isa’t isa?
A. Dahil sa kanilang kultura
B. Dahil minsan lang sila nagkikita
C. Dahil sila’y pinagbawalan ng kani-kanilang mga magulang.
D. Dahil sila’y bata pa at di pa kayang kontolin ang nararamdaman
14. Paano naipapakita ang marangyang pamumuhay ng mga Capulet?
A. Sa laki ng kanilang bahay.
B. Koneksyon nito sa pamahalaan.
C. Pagiging mapagmataas ng kanyang angkan.
D. Sa pamamagitan ng kanilang nakagawian at taong nakakasalamuha.
15. Alin sa mga sumusunod ang pagpapakita ng kapangyarihan ng mga magulang sa dula?
A. Pagpapapatay sa minamahal ng anak.
B. Pagpili ng lalaking pakakasalan ni Juliet.
C. Pagbabawal kay Juliet na lumapit sa ibang lalaki.
D. Pagbabawal kay Juliet na makikipahalubilo sa ibang angkan.
