NEW
Font size
Worksheets4th QUARTER MODYUL 1: TAYAHIN
Total questions: 15
Worksheet time: 30mins
1. Ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay mas kilala bilang:
A. karapatang pantao.
B. pagkamamamayan.
C. gawaing pansibiko.
D. mabuting pamamahala.
2. Saang bahagi ng Saligang Batas ng 1987 ipinaliliwanag ang mga probisyon ukol sa mga tunay na mamamayang Pilipino?
A. Artikulo 7
B. Artikulo 6
C. Artikulo 5
D. Artikulo 4
3. Sino sa sumusunod ang hindi maituturing na Pilipino?
A. Mga naging mamamayan ayon sa batas
B. Ang ama ni Rachelle ay mamamayan ng Pilipinas.
C. Mamamayan ng Pilipinas si Abdul nang pagtibayin ang Saligang Batas ng 1987
D. Isinilang noong Enero 15, 1995 si Mich. Ang kaniyang ina ay Pilipino. Pinili niya ang pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang
4. Ang ama at ina ni Mark ay kapwa Pilipino subalit ipinanganak at lumaki siya sa California. Si Mark ay:
A. walang pagkamamamayan.
B. mamamayang Pilipino lamang.
C. mamamayang Amerikano lamang.
D. parehong mamamayang Pilipino at Amerikano.
5. Nakapangasawa ng isang Australian si Via at nagdesisyon silang sa Australia na manirahan. Madalas pa rin siyang umuwi sa Pilipinas upang dalawin ang kaniyang mga magulang at kapatid sa Nueva Ecija at para na rin magbakasyon. Ano ang pagkamamamayan ni Via?
A. Australian, sapagkat sa Australia na siya naninirahan.
B. Australian, sapagkat nakapangasawa na siya sa Australia.
C. Pilipino, sapagkat hindi naman niya itinakwil ang kanyang pagkamamamayan.
D. Pilipino, sapagkat madalas pa rin naman siyang umuwi sa Pilipinas para dalawin ang kanyang pamilya at magbakasyon.
6. Binibigyan ng pagkakataon ang mga dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa na maging mamamayang Pilipino muli sa pamamagitan ng naturalisasyon. Siya ay magkakaroon ng dalawang pagkamamamayan (dual citizenship). Ang batas na ito ay kilala bilang:
A. Citizenship Retention and Re-acquisition Act of 1993
B. Citizenship Retention and Re-acquisition Act of 1998
C. Citizenship Retention and Re-acquisition Act of 2003
D. Citizenship Retention and Re-acquisition Act of 2008
7. Likas o katutubong Pilipino si Chris dahil:
A. siya ay ipinanganak sa Pilipinas.
B. dumaan siya sa proseso ng naturalisasyon.
C. pareho sa kanyang mga magulang ay Pilipino.
D. pinagkalooban siya ng hukuman ng pagkamamamayang Pilipino
8. Dahil ang ama ni Marlon ay Pilipino, Pilipino rin siyang maituturing. Ito ay sumusunod sa prinsipyo ng:
A. jus soli.
B. jus civile.
C. jus naturale.
D. jus sanguinis.
9. Dahil sa United States of America ipinanganak si Diego, lumalabas na siya ay mamamayang Amerikano. Ito ay sumusunod sa prinsipyo ng:
A. jus soli.
B. jus civile.
C. jus naturale.
D. jus sanguinis.
10.Isa sa pinakamahalagang aspekto ng pagkamamamayan sa kasalukuyan ay ang:
A. pagkakabit-bisig upang isulong ang mga pansariling interes.
B. pagkakabuklod-buklod ng mga tao tungo sa ikabubuti ng kanilang lipunan.
C. pagsasama-sama ng mga indibiduwal upang ipagtanggol ang interes ng pangulo.
D. pagkakaisa ng mga mamamayan upang magkaroon ng isang malakas na pamahalaan.
11. Ang aktibong pagkamamamayan ay:
A. nakakahon lamang sa pagsunod sa mga batas.
B. pakikialam sa mga isyung direkta lamang na nakaaapekto sa kanila.
C. maipakita sa pagsunod lamang sa lahat ng mga ipinag-uutos ng pamahalaan.
D. maaaring isagawa ng mga indibiduwal sa kani-kanilang mga pamayanan sa iba’t ibang mga paraan
12.Ang sumusunod ay mga halimbawa ng pagpapahalagang nakaugat sa aktibong pagkamamamayan maliban sa:
A. pagpaparaya o tolerance.
B. paninidigan para sa sariling kapakanan.
C. lakas ng loob na ipagtanggol ang isang pananaw.
D. paggalang sa katarungan, demokrasya at rule of law.
13. Nagpalabas si Pangulong Manuel L. Quezon noong 1939 ng mga panuntunang sibiko at etika na ituturo sa lahat ng mga paaralan sa bisa ng Executive Order No. 217. Ito ay kilala sa tawag na:
A. Kodigo ng Pagka-Pilipino at Kabutihang Asal.
B. Kodigo ng Pagkamamamayan at Kabutihang Asal.
C. Kodigo ng Pagkamakabayan at Kagandahang Asal.
D. Kodigo ng Pagkamamamayan at Kagandahang Asal.
14.Ang pinakamahalagang asal na dapat nananatiling buhay at mahalaga sa kasalukuyang panahon ayon kay Pangulong Quezon ay:
A. mahalin at igalang ang iyong mga magulang.
B. magtiwala ka sa Poong Maykapal na gumagabay sa kapalaran ng mga tao at mga bansa.
C. tumulong sa kagalingan ng iyong pamayanan at palaganapin ang katarungang panlipunan.
D. mahalin mo ang iyong bayan sapagkat ito ang iyong tahanan, pinagmumulan ng iyong pagmamahal at bukal ng iyong kaligayahan at pagiging tao
15.Ang sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagiging aktibong mamamayan maliban sa:
A. pananagutan at gampanin natin bilang mamamayan ng bansa.
B. pagpapabuti at pagpapa-angat ng antas ng ating pamumuhay.
C. pagtugon sa mga tuntunin at tungkuling inaasahan mula sa atin ay lubhang mahalaga tungo sa kabutihang panlahat.
D. pagsunod at pagtalima sa mga utos ng pamahalaan ang pinakakongkretong manipestasyon ng aktibong pagkamamamayan
