wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

4TH QUARTER MODYUL 2: SUBUKIN

Total questions: 15

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

1. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mga karapatan?

a)

A. Kakambal ito ng ating mga tungkulin.

b)

B. Proteksiyon natin ito laban sa pang-aabuso.

c)

C. Kailangan nating tuparin ang Saligang Batas.

d)

D. Sinisiguro nitong makapamumuhay tayo nang maayos at maligaya.

2.

2. Ito ay tumutukoy sa mga karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang.

a)

A. karapatang sibil

b)

B. karapatang pantao

c)

C. karapatang politikal

d)

D. karapatang sosyo-ekonomik

3.

3. Sa pamamagitan ng dokumentong ito, kinikilala ng mga pamahalaan ang kanilang obligasyon na siguraduhing lahat ng mga tao, mayaman at mahirap, lalaki o babae, at mula sa anomang lahi at relihiyon, ay tatratuhin nang pantay.

a)

A. Optional Protocols

b)

B. International Bill of Rights

c)

C. Universal Declaration of Human Rights

d)

D. Bill of Rights, 1987 Philippine Constitution

4.

4. Bakit mahalaga ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao?

a)

A. Iniiwasan nito ang diskriminasyon.

b)

B. Itinataguyod nito ang pagkakapantay-pantay ng tao.

c)

C. Pinangangalagaan nito ang maliliit na bansa tulad ng Pilipinas.

d)

D. Sinisiguro nitong walang nagaganap na paglabag sa karapatang pantao

5.

5. Ilan ang mga karapatang nakatadhana sa Universal Declaration of Human Rights?

a)

A. 20

b)

B. 25

c)

C. 30

d)

D. 35

6.

6. Si Bernard ay pinaghihinalaang isang terorista at miyembro ng isang grupong extremist sa kanilang lalawigan. Upang mapaamin sa kaniyang hindi umanong mga kasalanan, siya ay dumanas ng torture at ng hindi makataong mga kaparusahan. Anong karapatang pantao ang nalabag sa kanya?

a)

A. karapatan sa buhay

b)

B. kalayaan mula sa pagpapahirap

c)

C. kalayaan mula sa hindi makatwirang pagdakip

d)

D. karapatan sa isang makatarungan at hayag na paglilitis

7.

7. Ayaw pag-aralin si Margarett ng kanyang mga magulang dahil walang mag-aalaga sa kanyang mga nakababatang kapatid. Anong karapatang pantao ang nalabag sa kanya?

a)

A. karapatan sa edukasyon

b)

B. kalayaan mula sa pang-aalipin

c)

C. kalayaan mula sa diskriminasyon

d)

D. karapatan sa pamamahinga at paglilibang

8.

8. Inisa-isa ng Estado sa Saligang-Batas ng 1987 ang Katipunan ng mga Karapatan (Bill of Rights) sa:

a)

A. Artikulo I.

b)

B. Artikulo II.

c)

C. Artikulo III.

d)

D. Artikulo IV.

9.

9. Alin sa sumusunod ang hindi maituturing na uri ng karapatan sa Pilipinas?

a)

A. natural rights

b)

B. political rights

c)

C. statutory rights

d)

D. constitutional rights

10.

10.Ang sumusunod ay halimbawa ng constitutional rights maliban sa:

a)

A. kalayaan sa relihiyon.

b)

B. karapatan sa minimum wage.

c)

C. karapatan sa wastong kabayaran.

d)

D. malayang pagdulog sa mga hukuman.

11.

11.Bakit mahalaga ang mga karapatang nakasaad sa Katipunan ng mga Karapatan sa ating Saligang Batas?

a)

A. Ito ay ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan.

b)

B. Nakasaad dito ang karamihan sa ating mga karapatan. .

c)

C. Ang lalabag sa mga nakasaad dito ay mapaparusahan ayon sa batas.

d)

D. Nakasaad dito ang mga karapatan natin bilang malayang mamamayan ng isang demokratikong Estado

12.

12.Bakit may karapatan maging ang akusado o nasasakdal sa isang kaso?

a)

A. Ito ay nakatadhana sa Saligang Batas.

b)

B. Ito ay ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan.

c)

C. Sila ay mga malayang mamamayan katulad ng bawat isa.

d)

D. Sila ay itinuturing na inosente hanggang hindi napapatunayang nagkasala

13.

13.Anong ahensiya ng pamahalaan ang may pangunahing tungkulin na pangalagaan ang mga karapatang pantao ng mga mamamayan sa Pilipinas?

a)

A. Department of Justice (DOJ)

b)

B. Philippine National Police (PNP)

c)

C. Supreme Court (SC)

d)

D. Commission on Human Rights (CHR)

14.

14.Alin sa sumusunod ang hindi responsibilidad at pananagutan ng Estado at mga taong nanumpa sa tungkulin bilang mga duty bearers ng karapatang pantao ng mga mamamayan?

a)

A. angkinin

b)

B. i-respeto

c)

C. proteksiyonan

d)

D. tuparin

15.

15.Kanino ka dapat magrereklamo kung bahagi ng gobyerno ang nang-abuso ng tao?

a)

A. CHR

b)

B. korte

c)

C. militar

d)

D. pulis