NEW
Font size
WorksheetsAP2- 3RD QUARTER REVIEW TEST
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
1. Alin sa mga lugar na ito ang may malaking produksyon ng tubo na ginagawang asukal?
Davao
Negros
Batangas
2. Ano ang pangunahing pinagkukunan ng mga taong naninirahan sa mga kapatagan, lambak, at talampas?
Pagsasaka
Pangingisda
Pagmimina
3. Ito ang tinaguriang “ Tuna Capital of the Philippines”.
Benguet
General Santos City
Capiz
4. Alin sa mga lugar na ito ang may malagong industriya ng bangus sa Pilipinas?
Pampanga
Pangasinan
Cebu
5. Ano ang tawag sa pagputol at pagsunog ng mga talahib at iba
pang mga halaman sa kagubatan?
Pagkakaingin
Pangangaso
Pagmimina
6. Ang paraan ng pangingisda na dinudurog ang mga coral reef
na panirahan ng mga nangingitlog na mga isda?
.
Dinamite Fishing
Muro-ami Fishing
Overfishing
1. Ano ang tawag sa paraan ng pangingisda na kung saan ay gumagamit ng cyanide at lason sa panghuhuli ng isda?
Muro-ami Fishing
Dinamite Fishing
Bottom Trawling
8. Pangunahing tungkulin niyang tiyakin na nagagamit nang
wasto ang pondo ng barangay.
Kalihim ng Barangay
Ingat-Yaman ng Barangay
Punong Barangay
9. Sino ang may tungkuling iniingatan niya ang lahat ng rekord
ng mga pulong ng Sangguniang Barangay?
Kagawad ng Barangay
Punong Barangay
Kalihim ng Barangay
10. Sino ang katuwang ng punong barangay sa pagpapatupad ng
batas sa barangay?
Kalihim ng Barangay
Kagawad ng Barangay
Ingat-Yaman ng Barangay
11. Siya ang namumuno sa mga pagpupulong sa barangay.
Punong Barangay
Konsehal ng Barangay
Kalihim ng Barangay
12. Sino ang itinanghal na “ 2009 CNN Hero of the Year” dahil sa
kanyang proyektong “ Kariton Klasrum” na may layuning
matulungan na makapag-aral ang mga mahihirap
na batang-kalye sa kanilang komunidad?
Efren “ Bata” Reyes
Efren Penaflorida
Carlos “ Kesz” Valdez
13. Siya ang bumuo ng grupong “Caring Children”
upang matulungan ang mga kabataang kapos-palad.
.
Carlos “Kesz” Valdez
Mother Teresa
Manny Pacquiao
14. Ito ay tumutulong sa mga mamamayan sa pamamagitan
ng pagkakalap at pamamahagi ng dugong panagip-
buhay gayundin ang pagtulong sa mga biktima ng
mga kalamidad.
Bureau of Fire Protection
Philippine Red Cross
Philippine National Police
15. Pinarangalan siya bilang Pambansang Siyentipiko
noong 1980 dahil sa kanyang malaking kontribusyon
sa larangan ng medisina.
Dr. Willy Ong
Dr. Gary Sy
Dr. Fe del Mundo
16. May layunin itong maprotektahan ang mga karagatan at
ang mga likas na yaman na matatagpuan dito.
Wild Bird Club of the Phil
Save Philippine Seas
Kalusugan Alang sa Bayan, Inc.
17. Ito ay tumutukoy sa paglikha ng mga gawaing-kamay mula
sa mga hilaw na sangkap tulad ng kawayan, niyog at balat
ng hayop.
Gawaing Industriyal
Gawaing Pang-Edukasyon
Gawaing Pangkalusugan
18. Ang mga ________ ay may malaking naitutulong sa pagkuha
ng mga mineral sa ating mga kabundukan.
Mangingisda
Magsasaka
Minero
19. Ito ay tumutukoy sa mga kalamidad mula sa kalikasan tulad ng bagyo, lindol, at erosyon.
Gawaing Pang-ekonomiko
Gawaing Pangkalikasan
Gawaing Pangkabuhayan
20. Ano ang tawag sa pansamantalang pagpapatigil ng
mga gawain na may kinalaman sa mga likas na yaman?
Closed Season
Planting Season
Harvest Season
