Font size
WorksheetsFILIPINO 10-MODYUL 3-2025-2026 - LAGUMANG PAGSUSULIT
Total questions: 30
Worksheet time: 18mins
“Dahil sa kumpiyansa ng mga mamumuhunan, nakaumang na sana ang ekonomiya natin na makipagsabayan sa fastest-growing economies ng mundo, haggang ninakaw ng pandemyang COVID-19 ang lahat.” aniya ng Pangulong Duterte sa kaniyang ika-anim na SONA.
Ang SONA ay kabilang sa uri ng sanaysay na ___.
Lathalain
Talumpati
Editoryal
Maikling Kuwento
Mababasa sa isa sa mga kolum ng mga pahayagan ang isang mapanuring pagpapakahulugan hinggil sa isang napapanahong isyu o pangyayari upang magbigay kaalaman, makapagpaniwala o makalibang sa mga mambabasa.
Ang mga artikulong ito ay napapabilang sa sanaysay na ___.
Lathalain
Talumpati
Editoryal
Maikling Kuwento
Ang Cavite ____ ay nagbaba na sa Alert Level 2 ayon sa balita.
Ano ang ingklitik na paningit ang angkop gamitin sa pangungusap?
nga
pala
kaya
sana
Dumating na _____ ang bakuna para sa COVID-19?
Anong salitang paningit ang angkop gamitin sa pangungusap?
ba
pala
sana
nga
Ang pagtaas ng suweldo ng mga manggagawa ay pinag-iisipang bigyang-solusyon.
Alin sa mga sumusnod na parirala ang ginamit sa pagpapalawak ng pangungusap bilang kaganapang layon?
ng mga mangagawa
ang pagtaas
ng suweldo
bigyang-solusyon
Dahil sa banta ng B117 o UK Variant sa ating bansa, maraming mga Pilipino ang doble–ingat sa kani-kanilang pamilya.
Alin sa mga sumusnod na parirala ang ginamit sa pagpapalawak ng pangungusap bilang kaganapang sanhi?
sa ating bansa
maraming mga Pilipino
sa kani-kanilang pamilya
A. Dahil sa banta ng B117 o UK Variant
Marami pala ang nagpalista sa pagpapaturok ng bakuna kontra COVID-19?
Ano ang ingklitik na ginamit sa pangungusap?
ang
sa
pala
ng
Sundin natin ang ipinapatupad na Protocol ng ating pamahalaan upang makaiwas sa bagong Variant ng Covid.
Ang pariralang nagpapahayag ng pagmamay-ari na ginamit sa
pagpapalawak ng pangungusap ay ______.
ating pamahalaan
bagong Variant ng Covid
ipinapatupad na Protocol
ating pamahalaan
Ang akdang “Ako Po’y Pitong Taong Gulang” ay halimabawa ng panitikan na ang sitwasyon aymay nasasangkot na mga tauhan tulad ni Amelia ngunit walang aksiyong umuunlad, gahol sa banghay at pawang paglalarawan lamang.
Anong uring panitikan ang tinutkoy sa pahayag?
Maikling Kuwento
Dagli
Alamat
Pabula
Juliet: “Pag-aasawa’y isang karangalang hindi ko pinapangarap. Bata pa sa gulang kong labing-apat, banggit ni ina, mga dalaga dito ay nagiging ina na. Sino si Paris? Isang lalaki raw na guwapong-gwapo? Maiibig ko ba ang Ginoo?
Mula sa Unang Tagpo sa akdang “Sintahang Romeo at Juliet”
Ano ang kulturang nangingibabaw sa tagpong ito?
May kakayahan ang mga anak na magdesisyon kung sino ang kanilang iibigin
Ang mga magulang ang nagpapasya kung sino ang mapapangasawa ng kanilang anak.
Malaya ang mga anak anoman ang naisin nila sa buhay.
Wala sa nabanggit.
“Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. “Maaaring wasakin ang isang tao pero hindi siya magagapi.”
-Ang Matanda at ang Dagat-
Ang naturang pahayag ay nagpapahiwatig na___________.
hindi dapat magpatalo sa hamon ng buhay
. kung may dilim may liwanag ding masisilayan
nilikha tayo para lumaban at hindi para masaktan lamang.
wala sa nabanggit
"Nagsisisi ako na napatay ko ang isda, sa loob-loob niya. Parating na ngayon ang masamang panahon at wala man lang akong salapang".
Ano ang katangian ng pangunahing tahan ang makikita sa naturang pahayag?
mabait
walang pakialam
mapagpahalaga
masama
“Huwag kang mag-isip, tanda,” malakas niyang sabi. “Magpatuloy ka sa paglalayag at harapin ang anumang dumating.”
Ang pahayag ay nagpapakita ng uri ng tungaliang___.
tao vs. tao
tao vs. sarili
tao vs. kalikasan
tao vs. lipunan
Sa panahon ng matinding pakikipaglaban sa paghuli sa marlin, ano ang paulit-ulit na
ninanais ni Santiago?
Sana siya ay bata.
Sana siya ay may maayos na kagamitan sa pangingisda.
Sana sa mga oras na iyon, nasa tabi niya ang batang si Manolin.
wala sa nabanggit
“Nagsisisi ako na napatay ko ang isda, sa loob-loob niya. Parating na ngayon ang masamang panahon at wala man lang akong salapang. Malupit ang dentuso at may kakayahan, malakas at matalino."
Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
kalaban
pating
maningisda
armas
Maraming Pilipino ang kapit-patalim dahil sa kahirapang dulot ng COVID 19. Ano ang
kolokasyon ginamit sa pahayag?
Pilipino
sakit
kapit-patalim
dulot
Ang pakikipaglaban ni Thor kay Utgaro-loki ay _____ buhay kaya malimit nalalagay sa alanganin ang kaniyang sarili.
Ano ang angkop na salitang isasama sa salitang may kulay batay sa
konteksto ng pangungusap?
alay
buwis
simpleng
masayang
Ito ay elemento ng mitolohiya na nakatuon sa pagpapaliwanag ng natural na pangyayari, pinagmulan ng buhay sa daigdig, pag-uugali ng tao, paniniwalang panrelihiyon at iba pa.
banghay
tagpuan
tema
tauhan
Naglaban sina Thor at Elli upang malaman kung sino ang mas malakas sa kanilang dalawa.
Ano ang ipinokus ng pandiwang naglaban na siyang tagaganap ng kilos?
Thor
Elli
sina Thor at Elli
sina
Binuhat ni Thor ang pusa ngunit isang paa lamang nito ang kaniyang naiangat sa lupa.
Ano ang ipinokus ng pandiwang binuhat bilang layon ng kilos?
ni Thor
ang pusa
lupa
paa
Ang tula ay gumamit ng mga pahayag na matalinghaga o
di-karaniwang salita upang gawing mabisa, makulay at kaakit-akit. Ito ay tinawag na _____.
tayutay
elemento
kariktan
damdamin
Kasinlaya ito ng mga lalaking dahil sa katuwira’y hindi paaapi
Kasinwagas ito ng mga bayani marunong umingos sa mga papuri.
Ano ang ginamit na tayutay sa saknong?
pagtutulad
pagwawangis
pagmamalabis
pagsasatao
Lipad ng kaluluwang ibig marating
Ang dulo ng hindi maubos isipin
Ilang pantig o sukat ang bumubuo sa bawat taludtod ng tula?
8
12
16
18
Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,
Ngiti, luha, buhay at ang aking hininga
Ano ang tayutay na ginamit sa tula?
pagtutulad
pagwawangis
pagmamalabis
pagsasatao
“Tunay na kahanga-hanga ang mga artistang gumanap sa pelikulang Romeo and Juliet dahil sa ipinakita nilang kahusayan sa pag-arte.”
Ang salitang ginamit sa pagpapahiwatig ng pagsang-ayon sa pahayag?
kahanga-hanga
tunay
gumanap
artista
Batid kong marami sa ating mga Pilipino ang nahirapan ngayon ngunit kinakailangan nating maging positibo upang magpatuloy sa buhay.
Ang ang salitang nagpapahiwatig ng pagsalungat sa pahayag ay __.
ngunit
batid
ating
Pilipino
Maraming beses ng binigyang buhay sa pamamagitan ng pagtatanghal sa entablado ang Sintahang Romeo at Juliet. Tinatawag na ____ ang mga pagtatanghal na ito na binubuo na maraming tagpo at yugto upang ipakita ang mga pangyayari sa kuwento.
Nobela
Maikling Kuwento
Dagli
Dula
Ang “Sintahang Romeo at Juliet” ay halimbawa ng dulang _____ na ang bida ay humantong sa malungkot na wakas o sa kabiguan.
Parsa
Melodrama
Trahedya
Komedya
Sa nobelang “Ang Matanda at ang Dagat” si Santiago ay isang tauhan na patuloy na nagangarap na makakamit ng maraming huling isda ay hindi niya nakakamtan. Hindi sa lahat ng oras ay masuwerte ang tao sa mga bagay-bagay na ninanais.
Anong teoryang pampanitikan ang lutang sa pangyayari?
Eksistensiyalismo
Realismo
Humanismo
Naturalismo
Mabuting tao at matatag si Santiago at taglay niya ang katangian ng pagiging positibo. Patuloy siyang nakipagsapalaran at lumalaban sa hamon ng buhay. Bagamat may oras na pinanghihinaan ng loob nagpatuloy pa rin s akabila ng hirap at takot na kaniyang kinakaharap.
Anong teoryang pampanitikan ang lutang sa pangyayari?
Eksistensiyalismo
Realismo
Humanismo
Naturalismo
