Worksheets3rd Quarter Summative test
Total questions: 40
Worksheet time: 32mins
Kalahok sa paikot na daloy na tanging may kakayahang lumikha ng mga produkto at serbisyo.
Bahay-kalakal
Pamahalaan
Panlabas na Kalakalan
Sambahayan
Tumutukoy sa halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kanilang binibigay.
Interes
Sahod
Tubo
Upa
Kita ng sambahayan na di ginagasta upang may magamit sa hinaharap.
Kita
Impok
Sahod
Utang
Sektor ng ekonomiya na nagmamay-ari sa lahat ng salik ng produksyon at pamilihan ng salik ng produksyon.
Bahay-kalakalal
Pamahalaan
Sambahayan
Financial Intermediaries
Ito ang nagpapakita ng ugnayan at gawain ng lahat ng sektor na bumubuo sa ekonomiya ng ating bansa.
Paikot na daloy ng ekonomiya
Paikot na daloy ng estado
Paikot na daloy ng lipunan
Paikot na daloy ng pambansang kaunlaran
Modelo ng pambansang ekonomiya na naglalarawan ng simpleng sistema lamang.
Ikaapat na Modelo
Unang Modelo
Ikatlong Modelo
Ikalawang Modelo
Maraming uri ng mga pamilihan ang nabubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya. Aling pamilihan kung saan nagaganap ang bilihan ng mga produktong pangkonsumo?
Pamilihang pinansiyal
Pamilihan ng tapos na produkto
Pamilihan ng mga salik ng produksiyon
Pamilihang panlabas
May papel na ginagampanan ang bawat sektor sa pagdaloy ng ekonomiya. Naaapektuhan ba ng daloy ng ekonomiya kung may mawawala o mapapalitang sektor na kalahok nito?
Oo, dahil magkakaugnay ang lahat ng sektor.
Oo, dahil magbabago ang perang iikot sa daloy ng ekonomiya.
Hindi, dahil patuloy na gagalaw ang ekonomiya kahit wala ang isang sektor nito.
Hindi, dahil magpapatuloy pa rin ang produksiyon ng mga produkto at serbisyo kahit nabago ang takbo sa daloy ng ekonomiya.
May ugnayang namamagitan sa bawat sektor sa paikot na daloy ng ekonomiya. Paano nagkakaugnay ang sambahayan at bahay kalakal?
Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na sumasailalim sa pagpoproseso ng bahay-kalakal.
Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na capital sa mga bahay-kalakal.
Ginagamit ng sambahayan ang nakolektang buwis upang makabuo ng produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal.
Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang trabaho para sa mga bahay kalakal.
Malago at maunlad kung maayos ang daloy ng ekonomiya. Bakit mahalagang maunawaan ang paikot na daloy ng ekonomiya?
Kapag masigla ang paikot na daloy ay palatandaan na mayaman ang mga mamamayan.
Ang masiglang paikot na daloy ay palatandaan ng maunlad na ekonomiya
Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay katibayan na magaganda ang produkto at serbisyo ng bansa.
Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay tanda na mahusay ang mga namamahala sa bansa.
Alin sa mga sumusunod ang hindi ginagamit na paraan ng pagsukat sa Gross National Income?
Expenditure Approach
Economic Freedom Approach
Industrial Origin/Value Added Approach
Income Approach
Ano ang tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng kabuuang presyo sa ekonomiya?
Deplasyon
Implasyon
Resesyon
Depresyon
Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng bansa?
Dahil magiging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang institusyong pampinansiyal
Magagamit ito upang makabuo ng mga patakarang magpapaangat sa ekonomiya ng bansa
Dahil repleksyon ito sa kahusayan ng namumuno na magagamit upang umani ng malaking boto sa eleksiyon
Dahil makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na
pamamalakad ng ekonomiya
Alin sa sumusunod na pahayag ang pinakawasto ?
Ang kita ng mga dayuhang namamasukan sa Pilipinas ay kabilang sa
Gross National Income nito.
Ang gawaing nagmula sa impormal na sektor ay kabilang sa pagsukat
ng Gross National Income.
Ang mga produktong segunda mano ay kabilang sa pagsukat ng GrossNational Income.
Ang halaga ng tapos na produkto at paglilingkod lamang ang isinasama sa GrossNational Income
Alin sa mga sumusunod ang may tuwirang epekto sa Gross Domestic Product ng bansa?
Mataas na remittance ng mga Overseas Filipino Workers.
Masiglang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa ibang bahagi ng mundo.
Maayos na pamumuno ng pamahalaan na makahihikayat sa pamumuhunan.
Matalinong paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa kawanggawa.
Mahalagang masukat ang economic performance ng bansa dahil sa ;
Magiging kilala ang bansa sa mga pandaigdig institusyong pinansyal
Makilala ang bansa sa pagkaroon ng mahusay na pamamalakad ng ekonomiya
Sumasalamin ito sa kahusayan ng namumuno na magagamit upang umani ng malaking boto sa eleksyon
Magagamit ito upang makabuo ng mga polisiya at patakarang magpapaangat sa ekonomiya ng bansa
Kung ang kabuuang kita ni Jonas ay Php25,000.00 at ang kanya namang kabuuang gastusin ay Php21,000.00, magkano ang maaari nyang ilaan para sa pag-iimpok?
Php1,000.00
Php2,000.00
Php3,000.00
Php4,000.00
Si Mr. Chen, isang Chinese National, ay nagtatrabaho sa kompanya na nasa Pilipinas. Saan dapat isinasama ang kanyang kinita?
Sa Gross Domestic Product ng China dahil mamayan siya nito.
Sa Gross National Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita.
Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita.
Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas at China dahil parehong dito Nagmula ang kanyang kita
Saan kasama an g kita ng Overseas Filipino Workers ( OFW )?
GNP
GDP
Netong Kita mula sa ibang bansa
GCP
Kailan makikita na positibo ang economic performance ng bansa?
Kapag malaking bilang ng lakas paggawa ay walang trabaho.
Kapag gumagamit ng makabagong teknolohiya ang mga bahay-kalakal.
Kapag may pag-angat sa Gross Domestic Product ng bansa.
Kapag lumalaki ang utang panlabas ng bansa.
Ito ay ginagamit sa pagsukat ng implasyon upang mapag-aralan ang pagbabago sa presyo ng mga piling produkto.
Gross National Product (GNP)
Purchasing Power of Peso (PPP)
Gross Domestic Product (GDP)
Consumer Price Index (CPI)
Nagtitingi ng gasolina si Felix at marami siyang naipon nito. Kapag tumaas ang presyo ng gasolina, tataas ang kanyang kita nang hindi inaasahan. Anong sektor siya napabilang?
Mga umuutang
Mga negosyante
Mga taong may tiyak na kita
Mga taong nag-iimpok
Ang mga guro, pulis, militar, nars, at iba pa ay mga manggagawa na tumatanggap ng tiyak na kita bawat buwan. Kung tumaas ang antas ng implasyon, ano sa palagay mo ang mangyayari sa kakayahan nilang makabili?
Bababa ang kakayahan nila na bumili
Bababa ang kakayahan ng kanilang salapi na makabili
Tataas ang kakayan nila na bumili
Tataas ang kakayahan ng kanilang salapi na makabili
Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng piso na makabili ng produkto at serbisyo.
Purchasing Power of Peso (PPP)
Consumer Price Index (CPI)
Gross Domestic Product (GDP)
Gross National Product (GNP)
Kung ikaw ay may 10,000.00Php na nakadeposito sa bangko na may 15% interes sa loob ng isang taon, ang iyong pera ay magiging 11,500.00Php. Ngunit kapag nasabay ito sa panahon na may implasyon, bababa ang halaga ng iyong pera. Ano ang magiging pasya mo?
Kunin ang pera sa bangko at ilagay sa coinbank
Hayaan na lamang ang pera sa bangko
Gamitin ang pera pambili ng bagong damit
Gamitin ang pera pang-negosyo
Ang pag-angkat ng Pilipinas ng petrolyo sa ibang bansa ay maaaring magdulot ng implasyon. Bakit magiging sanhi ng import-induced inflation ang pagbili ng mga produkto o hilaw na sangkap sa ibang bansa?
Dahil hindi kayang tustusan ng gobyerno
Dahil hindi nalinang ng husto ang ating likas na yaman
Dahil maaring ang pataw na singil ay idagdag sa gastos
Dahil maaring nakaugat na ang kaisipang neokolonyalismo sa mga Pilipino
Si Gina ay nag-impok sa bangko. Pagkatapos ng isang taon, maliit lamang ang tubo sa kanyang pera kung ihambing ito sa pagtaas ng antas ng implasyon. Paano niya ito gawan ng hakbang?
Magpatuloy sa pag-iimpok
Itatago ang pera sa coin bank
Maghanap ng investment
Ibibili ng panibagong cellphone
Kapag mas mataas ang demand kaysa sa produksyon, bakit magdudulot ito ng paghatak ng presyo paitaas?
Hindi maiwasan na magkaroon ng monopolyo o kartel
Mataas ang kalagayan ng pagluluwas
Pagtaas ng suplay ng salapi
Pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar
Kung ikaw ay isa sa mga tagapagtustus ng bigas sa palengke, kailangan mo bang tataasan ang presyo nito kahit nabili ito sa mababang halaga?
Oo, dahil ito ang panahon upang kumita ng mas malaki.
Oo, dapat na tataasan ko rin ang presyo ng labis hangga’t maaari dahil magbabayad ako ng buwis nito.
Hindi, dahil hindi kakayanin ang napakataas na presyo ng bigas lalo na yong naghikahos sa hirap.
Hindi, kung aabot ako sa aking quota.
Bilang konsyumer, paano mo matugonan ang suliranin sa implasyon?
Bumili ng labis sa pangangailangan upang may pondo.
Bumili lamang ayon sa pangangailangan upang hindi kukulangin.
Kailangan magkaroon ka ng suki sa pamilihan.
Maghintay kung kailangan bumaba ang presyo.
Ito ay isang sektor ng pananalapi na tumatanggap ng salapi mula sa mga tao, korporasyon at pamahalaan bilang deposito at nagkakaroon ng tubo pagdating ng panahon.
Mga Intitusyong Bangko
Mga Institusyong Di-Bangko
Mga Regulator
Mga kompanya ng Seguro
Ano ang tawag sa mga sumusunod na institusyong pananlapi na napapalooban ng bangko sentral ng Pilipinas (BSP) Phil. Deposit Insurance Corp. (PDIC), Securities and Exchange Commission (SEC) at Insurance Commission (IC)
Mga Institusyong Di-Bangko
Mga Regulator
Mga Kompanya ng Seguro
Mga Institusyong Bangko
Maaaring ituring din ang mga ito na nasa ilalim ng institusyon ng pananalapi dahil tumatanggap sila ng kontribusyon mula sa mga miyembro, pinalalago at muling ibinabalik sa mga kasapi upang ito ay mapakinabangan pagdating ng panahon:
Mga Kompanya ng Seguro
Mga Institusyong Bangko
Mga Institusyong Di-Bangko
Mga Regulator
Ito ay isang uri ng bangko na kung saan ay may kakayahan silang magpahiram ng malaking halaga ng puhunan sa mga malalaking negosyante.
Thrift Banks
Commercial Banks
Rural Banks
Specialized Government Banks
Alin sa mga sumusunod na specialized government banks na itinatag sa pamamagitan ng R.A No, 3844 na ang layunin ay mapagkalooban ng pondo sa mga programang pansakahan at iba pang negosyante para sa kanilang puhunan?
Land Bank of the Philippines
Development Bank of the Philippines
Al-Amanah Bank
Rural Banks
Kung ikaw ay isang mamamayan na dagliang nangangailangan ng pera para sa isang emergency na pangangailangan at walang paraan upang makalapit sa mga bangko ngunit mayroon kang mga alahas at kasangkapan na maaaring isangla, saan ka dapat magtungo upang matugunan kaagad ang iyong pangangailangan?
Kooperatiba
GSIS
SSS
Pawnshop
Kabilang ito sa institusyong di-bangko na binubuo ng mga kasapi na may nagkakaisang pangkabuhayang layunin, nag-aambag ng puhunan at nakikibahagi sa tubo, pananagutan at iba pa pang benepisyo. Iba-iba ang kita ng mga kasapi nito base sa laki ng naiambag na puhunan. Ano ang tinutukoy dito?
SSS
Insurance Companies
Kooperatiba
GSIS
Bawat pension funds ay may magandang layunin at benepisyo. Alin sa mga sumusunod na ahensiya and nagbibigay ng seguro sa mga kawaning nagtatrabaho sa mga ahensiya ng gobyerno, local na pamahalaan, mga guro ng pampublikong paaralan at iba pa.?
GSIS
SSS
Pag-IBIG
Pre-Need
Ang PDIC ay nasa ilalim ng Depatment of Finance na naatasang magbigay-proteksyon sa mga depositor at tumulong mapanatiling matatag ang sistemang pinansyal sa bansa. Maraming layunin ang PDIC gaya ng sumusunod maliban sa:
Bilang tagaseguro ng deposito
Bilang receiver at liquidator ng nagsarang bangko
Bilang imbestigador
Bilang Tagatala sa mga kompanya sa bansa
Itinatag ito upang matulungan ang mga kasapi nito sa panahon ng kanilang pangangailangan lalo na sa pabahay. Ang mga kasapi nito ay mga empleyado ng pamahalaan o pribadong sektor na may buwanang kontribusyon at maaaring salary deduction o personal na kontribusyon kung self-employed o OFWs.
Pag-IBIG Fund
GSIS
SSS
LBP
