wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q3- Wk2: ESP -Mabuting Pakikilahok

Total questions: 10

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

May inihandang programa ang inyong kapitan sa inyong barangay sa pamamagitang ng media o gadget. Ano ang pinakamabuting gagawin bilang isang bata?

a)

A. Manggulo sa programa

b)

B. Huwag sumali sa programa

c)

C. Magkalat ng maling balita sa media o gadget

d)

D. Sabihan ang iba tungkol sa programa sa pamamagitan ng media o gadget

2.

Bakit kailangang makiisa sa programa ng pamahalaan?

a)

A. Para mapaunlad ang bayan

b)

B. Para mapasaya ang mga namumuno

c)

C. Para magbigay ng problema sa pamahalaan

d)

D. Para maging sikat ang mga nagbibigay ng programa

3.

Nagkaroon ang inyong barangay ng mga alituntunin na bawal lumabas ang mga bata at meron kang mga kaibigan na gustong pumunta sa iyo, ano ang iyong gagawin?

a)

A. Ako nalang ang lalabas ng bahay

b)

B. Magpanggap na hindi nabatid ang anunsiyo

c)

C. Hayaan ang mga kaibigan na pumunta sa inyo

d)

D. Pagsasabihan ang mga kaibigan sa alituntunin na bawal lumabas ang mga bata

4.

Narinig mo ang anunsyo tungkol sa pagsusuot ng mask sa inyong lugar. Bilang isang batang residente, ano ang nararapat mong gawin?

a)

A. Pagsabihan ang mga magulang tungkol sa narinig na anunsyo.

b)

B. Huwag ipaalam sa mga magulang ang narinig na anunsyo.

c)

C. Babaliwalain ang narinig dahil paulit-ulit lang ito.

d)

D. Lahat ng nabanggit.

5.

Inatasan ang lahat ng mag-aaral na magsagot ng modyul, may iniutos pa ang iyong nanay sa iyo, ano ang iyong nararapat gawin?

a)

A. Ipagbigay-alam sa iyong nanay na may pinasasagutan na modyul at magpaalam nang maayos.

b)

B. Pagalitan ang iyong nanay dahil importante ang ginagawa.

c)

C. Umalis nang hindi nagpapaalam sa nanay.

d)

D. Wala sa nabanggit.

6.

May programang pinapatupad ang barangay. Ano ang dapat gawin ng Pamilya Reyes

a)

A. Hindi papansinin ang programang pinapatupad ng barangay

b)

B. Sumusunod sa programa ng pamayanan ang Pamilyang Reyes.

c)

C. Ipagwawalang bahala ang programa ng barangay

d)

D. Wala sa nabanggit.

7.

Nakita mong nasasayang ang tubig sa inyong gripo. Natatapon lang ito sa kalsada sa harapan ng inyong bahay habang hindi pa dumarating ang mga tauhan na magkukumpuni nito.

a)

A. Magkunwaring hindi ito napansin

b)

B. Hahayaan itong tumulo at umagos sa kalsada

c)

C. Hahanap ng taong pansamantalang magkukumpuni nito.

d)

D. Wala sa nabanggit

8.

Nasunog ang bahay ng iyong kamag-aral at nabalitaan mo na magbibigay ng kahit anong donasyon ang mga kaklase mo.

a)

A. Hahayaan ang mga kamag-aral na magbigay ng donasyon

b)

B. Maghahanap ako ng mga damit na hindi na ginagamit ngunit maaari pang gamitin

c)

C. Hahanap ng taong tutulong sa mga kamag-aral nanasunugan

d)

D. Wala sa nabanggit

9.

May pinapatupad na safety health protocol ang inyong barangay. Ano ang dapat mong gawin?

a)

A. Sumunod sa mga protocols at alituntunin na ipinapatupad

b)

B. Sumunod sa protocol at alituntunin kapag nakaharap ang punong barangay

c)

C. Magkunwaring hindi nabasa ang pinapatupad na protocol at alituntunin

d)

D. Wala sa nabanggit

10.

Nais ng paaralan na maging ligtas ito sa banta ng sakit hatid ng Covid 19 kaya naglunsad ito ng mga gawaing pampaaralan upang makaiwas sa sakit. Ano ang iyong gagawin bilang isang mag-aaral?

a)

A. Umiwas sa pagpunta sa paaralan.

b)

B. Makikiisa kapag may nakakakita

c)

C. Makikiisa sa mga gawaing pampaaralan sa lahat ng pagkakataon.

d)

D. Wala sa nabanggit