wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Grade 10_AP_2nd Periodical Exam

Total questions: 50

Worksheet time: 50mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay isang proseso ng paglipat ng tao mula sa isang teritoryong pulitikal upang manirahan at maghanapbuhay kung saan maaring ito ay panandalian o pangmatagalan.

a)

refugees

b)

migrasyon

c)

translacion

d)

immigrasyon

2.

Ano ang dokumentong naging batayan ng Pilipinas sa pagsasampa ng counter-claim nito laban sa Tsina?

a)

UNCLOS Annex VII

b)

UNCLOS Annex V

c)

UNCLOS Annex VI

d)

UNCLOS Annex VIII

3.

Mga positibong salik ng migrasyon na humihikayat sa pandarayuhan o paglipat ng mga tao sa ibang lugar.

a)

push factors

b)

side factors

c)

positive factors

d)

pull factors

4.

Ang pagtitipon ng mga bansa noong 1972 kung saan tinalakay ang pangangasiwa sa kalikasan at kaunlaran ng mga bansa.

a)

World Summit on Sustainable Development

b)

UN Conference on Environment and Development

c)

UN Conference on the Human Development

d)

Brutland Commission Report

5.

Isang uri ng gobyerno kung saan ang kapangyarihan ng pamumuno o pamamahala ay nasa kamay lamang ng iilang tao.

a)

political dynasty

b)

diktatorya

c)

komunismo

d)

oligarkiya

6.

Isang proseso ng interaksyon at integrasyon ng mga tao, kompanya, at pamahalaan ng iba’t-ibang bansa o estado.

a)

migrasyon

b)

merkantilismo

c)

globalisasyon

d)

imigrasyon

7.

Tumutukoy sa pag-unlad na tumutugon sa mga pangangailangan ng kasalukuyang henerasyon na hindi naisasantabi ang kakayahang tugunan ng susunod na salinlahi ang kanilang pangangailangan.

a)

consumerism

b)

globalisasyon

c)

migrasyon

d)

sustainable development

8.

Isang teorya o ideolohiyang panlipunan at aspetong pang-ekonomiya ng kapitalismo kung saan ang sukatan ng isang sibilisadong lipunan ay naaayon sa laganap na pagbebenta, pamimili, at pagpapaikot ng pera sa ekonomiya.

a)

consumerism

b)

merkantilismo

c)

migrasyon

d)

free market

9.

Tumutukoy sa 12 milya mula sa pinakamalapit na baybayin ng Pilipinas.

a)

Exclusive Economic Zone

b)

Dagat teritoryal

c)

Gray Zone

d)

Flashpoint

10.

Ang nagaganap sa political dynasty na kung saan ang miyembro ng pamilya ay sabay-sabay na naihalal sa iba't ibang posisyon sa pamahalaan.

a)

vertical growth

b)

nepotismo

c)

fat dynasty

d)

oligarkiya

11.

Pondong ibinibigay sa mga senador at kongresista upang pondohan ang kani-kanilang mga proyekto o gawaing panlipunan na nagiging sanhi rin ng graft and corruption.

a)

Internal Revenue Allotment

b)

pork barrel

c)

community tax

d)

proposed budget

12.

Ito ay tumutukoy sa mga negatibong salik gaya ng kalamidad, kakulangan ng pagkain, hindi sapat na trabaho, at paghahanap ng kapayapaan kung saan ito ang nagtutulak sa tao o grupo ng tao upang umalis sa kasalukuyang lugar.

a)

negative factors

b)

positive factors

c)

push factors

d)

pull factors

13.

Ang dokumento ng UN na naglalaman ng karapatan ng bawat tao na lumipat at pumili ng kanyang tirahan ito man ay nasa loob o labas ng kanyang bansa.

a)

Geneva Convention

b)

Deklarasyon ng Karapatan ng mga Refugees

c)

International Organization for Migration

d)

Artikulo 13 ng Deklarasyon ng Karapatang Pantao

14.

Ang South China Sea ay napakahalagang daanan ng mga barkong nagdadala ng kalakal mula sa iba't ibang bahagi ng daigdig. Anong dahilan ng suliraning teritoryal ang tinutukoy nito?

a)

di-tiyak na hangganan

b)

estratehikong kahalagahan

c)

suliranin sa kakapusan

d)

kultura, kasaysayan at mga paniniwala

15.

Ilang nautical miles mula sa shoreline ang sakop ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas?

a)

200

b)

12

c)

100

d)

22

16.

Tumutukoy sa negatibong epekto ng migrasyon na nagkakaroon ng kakulangan ng mga manggagawang may lubos na kaalaman at kasanayan.

a)

integrasyon

b)

unemployment

c)

globalisasyon

d)

brain drain

17.

Pang-ilang pwesto ang Pilipinas mula sa 176 na bansa sa daigdig pagdating sa katiwalian ayon sa Transparency International?

a)

176

b)

166

c)

110

d)

101

18.

Uri ng korapsyon na nagbibigay ng oportunidad at pribilehiyo sa mga kamag-anak o mga malalapit sa tao sa isang politiko.

a)

red tape

b)

nepotismo

c)

tong

d)

kamag-anak incorporated

19.

Dahilan ng migrasyon na naghahanap ng mas magandang pagkakataon upang mapaunlad ang kabuhayan.

a)

ekonomikal

b)

sosyal

c)

pulitikal

d)

heograpikal

20.

Mga taong lumilisan sa kanilang lugar dahil sa pagnanais ng mapayapa at tahimik na pamumuhay.

a)

migrants

b)

OFW

c)

refugees

d)

immigrants

21.

Dito isinasangguni ang mga gusot ng mga bansa na may kinalaman sa pantubig na hangganan?

a)

United Nation Convention for the Law of the Sea

b)

International Tribunal for the Law of the Sea

c)

International Court of Justice

d)

Permanent Arbitral Tribunal

22.

Isang uri ng political dynasty na nagaganap kung ang bawat miyembro ng pamilya ay salit-salit o di kaya'y sunod-sunod na naihahalal sa iisang posisyon.

a)

patayong paglago

b)

fat dynasty

c)

pahalang na paglago

d)

horizontal growth

23.

Tawag sa mga lugar ng political dynasty na may direkta at malawak silang kapangyarihan.

a)

kampo

b)

partido

c)

teritoryo

d)

balwarte

24.

Ahensya ng pamahalaan na naatasang magpasimula ng mga imbestigasyon sa mga inirereklamong mga opisyal ng pamahalaan. Parusang administratibo ang ipinapataw nito sa mga opisyal ng pamahalaan na napatunayang nagkasala.

a)

Sandiganbayan

b)

Court of Appeals

c)

Commission on Audit

d)

Office of the Ombudsman

25.

Isang konseptong sikolohikal kung saan natural na mas pinapaboran ng mga tao ang mga indibiduwal o pangyayari na kaakibat ng kanilang mga kasalukuyang karanasan o kaganapan.

a)

Incumbency Effect

b)

Recency Effect

c)

nepotismo

d)

continuity

26.

Ito ay ang hukumang laan para sa mga kasong katiwalian sa Pilipinas na may hurisdiksyon sa mga kasong sibil at kriminal na kinasasangkutan ng mga empleyado at opisyal ng pamahalaan.

a)

Sandiganbayan

b)

Office of the Ombudsman

c)

Supreme Court

d)

Court of Appeal

27.

Halimbawa ng push factor sa migrasyon.

a)

kawalan ng seguridad

b)

kahinaan ng pamilya

c)

pagbagsak ng presyo ng mga bilihin

d)

paglaki ng kita

28.

Batas na nagtataguyod ng isang mataas na pamantayang etika at nag-aatas sa lahat ng mga tauhan ng pamahalaan na gumawa ng isang deklarasyon ng mga ariarian at pananagutan o liability bago, habang, at pagkatapos maglingkod sa pamahalaan.

a)

Anti-Graft and Corruption Practices Act

b)

Anti-Red Tape Act

c)

Anti-Nepotism Act

d)

Code of Conduct and Ethical Standards for Public Oficials and Employees

29.

Isa sa mga pangunahing dahilan ng pagtatalo sa teritoryo sa kasalukuyang panahon ay kung mayroong mahalagang mineral o langis na matatagpuan dito. Alin sa mga dahilan ng suliraning teritoryal ang tumutukoy dito?

a)

estratehikong kahalagahan

b)

di-tiyak na hangganan

c)

kultura at kasaysayan

d)

suliranin sa kakapusan

30.

Korapsyong kalimitang ginagamit ang mga huwad ng NGOs upang makapaglabas ng pondo mula sa pamahalaan.

a)

ghost employees

b)

ghost projects

c)

kickback

d)

tong

31.

Halimbawa ng pull factor sa migrasyon.

a)

kahirapan

b)

pabahay

c)

giyera

d)

oportunidad

32.

Ang sanhi ng political dynasty na nagkakaroon ng awtomatikong bentahe sa susunod na eleksyon ang isang kandidatong nakaupo na sa pwesto.

a)

Iron Law of Oligarchy

b)

Incumbency Effect

c)

Patron-Client Relationship

d)

continuity

33.

Siya ang tinaguriang pork barrel queen noong panahon ni Pangulong Benigno Aquino 3rd.

a)

Janet Lim Napoles

b)

Gloria Macapagal Arroyo

c)

Leila de Lima

d)

Miriam Defensor Santiago

34.

Sinusuri ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?

a)

ekonomikal

b)

sosyo-kultural

c)

teknolohikal

d)

sikolohikal

35.

Isang sanhi ng political dynasty na ayon sa ilang pag-aaral, ay bunga ng kahirapan na nagtutulak sa mga mamamayan na iboto nang paulit-ulit ang mga pulitiko. Ang pagkakaroon ng political favor o pagkiling dahil sa naibibigay na piling kaginhawaan ay isang halimbawa nito.

a)

Incumbency Effect

b)

Recency Effect

c)

Iron Law of Oligarchy

d)

Patron-Client Relationship

36.

Naglalarawan sa ilegal na pagkuha at paggamit ng salapi o pondo ng bayan ng mga opisyal ng pamahalaan para sa sariling kapakinabangan.

a)

corruption

b)

graft

c)

plunder

d)

nepotismo

37.

Kultural at kasaysayan na dahilan kung bakit nag-aagawan ang mga estado sa mga teritoryo.

a)

materyal na dahilan

b)

imateryal na dahilan

c)

rehiyonal na dahilan

d)

simbolikong dahilan

38.

Intensyonal na pagtakwil sa tungkulin at obligasyon ng isang opisyan ng pamahalaan o pagkilos na magbubunga ng kanyang kawalan ng integridad.

a)

graft

b)

neglect of duty

c)

corruption

d)

plunder

39.

Isang proseso ng interaksiyon at integrasyon ng mga tao, kompanya, at pamahalaan ng iba't ibang bansa o estado.

a)

konsumerismo

b)

merkantilismo

c)

globalisasyon

d)

migrasyon

40.

Dahilan ng suliraning teritoryal at hangganan na may kinalaman sa populasyon, likas na yaman, at strategic value ng pinag-aagawang lugar.

a)

simbolikong dahilan

b)

materyal na dahilan

c)

estratehikong dahilan

d)

suliraning ng kakapusan

41.

Ang teoryang ito ay tumutukoy sa pagnanais ng mga mamamayan na masigurado ang kanilang kaligtasan at pag-unlad batay sa mga namumuno.

a)

Iron Law of Oligarchy

b)

Patron-Client Relationship

c)

Incumbency Effect

d)

kawalan ng tiyak na batas

42.

Kilala rin ang Republic Act Blng. 3019 bilang?

a)

Anti-Red Tape Law

b)

Code od Conduct and Ethical Standards

c)

Act Defining and Penalizing the Crime of Plunder

d)

Anti-Graft and Corruption Practices Act

43.

Isang mabuting epekto ng pagkakaroon ng political dynasty ang pagpapatuloy ng mga miyembro ng pamilya sa nasimulang reporma at mga programa.

a)

incumbency

b)

continuity

c)

succession

d)

recency effect

44.

Ano ang patunay ng Tsina na sa kanila raw ang halos  buong South China Sea?

a)

Murillo Velarde map

b)

UNCLOS Annex VII

c)

Nine Dash Line

d)

Paris Agreement

45.

Ang blue print ng sustainable development program ng Pilipinas na sumasaklaw sa programa para sa mga indibiduwal, pamilya, pamayanan, at mga action plan para sa iba’t ibang ecosystem.

a)

Philippine Agenda 21

b)

Philippine Strategy for Sustainable Development

c)

Philippine Millennium Development Goals

d)

Philippine Sustainable Development Goals

46.

Datos tungkol sa antas ng korupsiyon sa isang bansa ayon sa pananaw ng mga mamamayan.

a)

Transparency International

b)

Commssion on Human Rights

c)

Global Corruption Barometer

d)

Corruption Perception Index

47.

Pandaigdigang korte na naglabas ng desisyon pabor sa Pilipinas sa usapin nito laban sa Tsina sa West Philippine Sea.

a)

International Court of Justice

b)

United Nations Arbitral Tribunal

c)

International Tribunal for the Law of the Sea

d)

United Nations Convention on the Law of the Sea

48.

Saan nakalagay sa Konstitusyon ng Pilipinas ang  “The State shall guarantee equal access to public service and prohibit political dynasty as may be defined by law.”?

a)

Artikulo II, Seksyon 29

b)

Artikulo I, Seksyon 27

c)

Artikulo III, Seksyon 25

d)

Artikulo II, Seksyon 26

49.

Isang mabuting epekto ng political dynasty na nakakahikayat sa tiwala ng mamamayan sa mga pamilya na kabilang sa political dynasty at sa kabuuan ng pamahalaan.

a)

political capital

b)

continuity

c)

Iron Law of Oligarchy

d)

Patron-Client Relationship

50.

Ang pagkuha, pagbubulsa, at paglustay ng salapi ng bayan para sa sariling kapakinabangan.

a)

bribery

b)

nepotismo

c)

plunder

d)

graft and corruption