wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO QE REVIEW

Total questions: 71

Worksheet time: 45mins

Name
Class
Date
1.

Naiinip ka sa paghihintay ng iyong sundo kaya nais mong magsagot ng crossword puzzle.

a)

Pamukhang Pahina

b)

Editoryal

c)

Anunsiyo-Klasipikado

d)

Panlibangan

e)

Pampalakasan

2.

Naghahanap ang iyong pinsan ng trabaho at nais mong makatulong sa kaniyang paghahanap.

a)

Pamukhang Pahina

b)

Editoryal

c)

Anunsiyo-Klasipikado

d)

Panlibangan

e)

Pampalakasan

3.

Titingnan mo kung nanalo ang paborito mong koponan sa volleyball sa ginanap na laban kahapon.

a)

Pamukhang Pahina

b)

Editoryal

c)

Anunsiyo-Klasipikado

d)

Panlibangan

e)

Pampalakasan

4.

Gusto mong malaman ang pinakamahalagang balita sa araw na ito.

a)

Pamukhang Pahina

b)

Editoryal

c)

Anunsiyo-Klasipikado

d)

Panlibangan

e)

Pampalakasan

5.

Hilig mong bigyan ng kahulugan ang nakaguhit na larawan sa opinyon ng patnugot.

a)

Pamukhang Pahina

b)

Editoryal

c)

Anunsiyo-Klasipikado

d)

Panlibangan

e)

Pampalakasan

6.

Isulat ang T kung angkop ang bahagi ng pahayagang ginamit sa bawat sitwasyon at isulat ang wastong bahagi ng pahayagan kung mali.


Palagi niyang binabasa ang editoryal upang malaman ang kuru-kuro ng mga manunulat tungkol sa napapanahong mga isyu.

(a)  

7.

Isulat ang T kung angkop ang bahagi ng pahayagang ginamit sa bawat sitwasyon at isulat ang wastong bahagi ng pahayagan kung mali.


Bago bilhin ni Tatay ang pahayagan, tinitingnan niya muna ang pamukhang pahina upang makita ang pinakamahahalagang balita ngayong araw

(a)  

8.

Isulat ang T kung angkop ang bahagi ng pahayagang ginamit sa bawat sitwasyon at isulat ang wastong bahagi ng pahayagan kung mali.


Inaabangan ni Marie kung kailan lalabas sa sinehan ang kaniyang paboritong pelikula kaya bumili siya ng pahayagan at nagtungo sa panlibangan.

(a)  

9.

Gusto mong malaman ang palitan ng dolyar at piso

a)

Balitang Lokal

b)

Balitang Pandaigdig

c)

Balitang Pang-edukasyon

d)

Balitang Pangkalusugan

e)

Balitang Pangkomersiyo

10.

Nais mong makakalap ng impormasyon tungkol sa nangyayari sa Lebanon

a)

Balitang Lokal

b)

Balitang Pandaigdig

c)

Balitang Pang-edukasyon

d)

Balitang Pangkalusugan

e)

Balitang Pangkomersiyo

11.

Magsasaliksik ka tungkol sa magandang benepisyo ng mga halamang gamot na lunas sa iba’t ibang uri ng sakit

a)

Balitang Lokal

b)

Balitang Pandaigdig

c)

Balitang Pang-edukasyon

d)

Balitang Pangkalusugan

e)

Balitang Pangkomersiyo

12.

Maghahanap ka ng balita kung gaano kalakas ang lindol na naganap sa Mindanao

a)

Balitang Lokal

b)

Balitang Pandaigdig

c)

Balitang Pang-edukasyon

d)

Balitang Pangkalusugan

e)

Balitang Pangkomersiyo

13.

Gusto mong maunawaan ang bagong patakarang ipinatutupad ng DepEd

a)

Balitang Lokal

b)

Balitang Pandaigdig

c)

Balitang Pang-edukasyon

d)

Balitang Pangkalusugan

e)

Balitang Pangkomersiyo

14.

Nais mong madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa epekto ng vaccine laban sa COVID-19 kaya ikaw ay nagbasa sa balitang pang-edukasyon.

a)

TAMA

b)

MALI

15.

Mababasa sa balitang pangkomersiyo ang palitan ng piso kontra dolyar.

a)

TAMA

b)

MALI

16.

Naghanap ka sa seksyon ng balitang pandaigdig ng mga balitang may kinalaman sa hidwaan ng Ukraine at Russia dahil iuulat mo ito sa Social Studies bukas.

a)

TAMA

b)

MALI

17.

Nagtungo ka sa balitang pangkalusugan upang malaman mo ang lagay ng mga negosyo sa bansa at epekto nito sa ating ekonomiya.

a)

TAMA

b)

MALI

18.

Nananaliksik si Bram ng mga balita tungkol sa epekto ng pagbaba ng halaga ng dolyar sa merkado. Hinanap niya ito sa seksyon ng mga balitang pang-edukasyon.

a)

TAMA

b)

MALI

19.

Upang malaman ang mga problemang kinahaharap ng mga bansa sa Europa, nagbasa ng mga artikulo si Earl sa balitang pandaigdig.

a)

TAMA

b)

MALI

20.

Punan ng wastong pang-angkop ang bawat parirala.


malinis____ kapaligiran

a)

na

b)

ng

21.

Punan ng wastong pang-angkop ang bawat parirala.


madasalin_____bata

a)

na

b)

ng

22.

Punan ng wastong pang-angkop ang bawat parirala.


dalawa ____ gulong

a)

na

b)

ng

23.

Punan ng wastong pang-angkop ang bawat parirala.


makapal ______ usok

a)

na

b)

ng

24.

Punan ng wastong pang-angkop ang bawat parirala.


mapayapa_____ pamumuhay

a)

na

b)

ng

25.

Isulat ng T ang bilang ng may tamang gamit ng pang-angkop sa pangungusap at isulat naman ang wastong sagot kung mali. (na/ng)


Ang madadahon na puno ay nagbibigay sa atin ng lilim sa tuwing mainit ang panahon.

(a)  

26.

Isulat ng T ang bilang ng may tamang gamit ng pang-angkop sa pangungusap at isulat naman ang wastong sagot kung mali. (na/ng)


Ang mga nakuha kong marka sa pagsusulit sa huling markahan ay tunay na matataas.

(a)  

27.

Isulat ng T ang bilang ng may tamang gamit ng pang-angkop sa pangungusap at isulat naman ang wastong sagot kung mali. (na/ng)


Ibinalik ng matapat na binata ang sobrang sukli na natanggap niya mula sa nagbebenta ng saging.

(a)  

28.

Isulat ng T ang bilang ng may tamang gamit ng pang-angkop sa pangungusap at isulat naman ang wastong sagot kung mali. (na/ng)


Tumawag ka ng karpintero upang kumpunihin ang butasng bubong sa aming bahay.

(a)  

29.

Isulat ng T ang bilang ng may tamang gamit ng pang-angkop sa pangungusap at isulat naman ang wastong sagot kung mali. (na/ng)


Maaasahang anak si Krystal dahil inaalagaan niya ang kaniyang kapatid sa tuwing may pasok ang kaniyang mga magulang.

(a)  

30.

Alin sa mga sumusunod na parirala ang gumamit ng tamang pang-angkop na "na"?

a)

payapa na buhay

b)

malaki na gulo

c)

kongkreto na plano

d)

mataas na pangarap

31.

Alin sa mga sumusunod na parirala ang gumamit ng tamang pang-angkop na "-ng"?

a)

lider ng pangkat

b)

bagong pinuno

c)

problema ng bansa

d)

bukas ng tanghali

32.

Tipo ang pang-abay na ginamit sa pangungusap.


Ang kaniyang anak na lalaki ay totoong mabilis magalit sa tuwing may nang-aasar sa kaniya.

(a)  

33.

Tipo ang pang-abay na ginamit sa pangungusap.


Ang tulugan ng mga batang lansangan ay sobrang marumi.

(a)  

34.

Tipo ang pang-abay na ginamit sa pangungusap.


Masipag na nagtitinda si Aling Maria ng mga gulay at prutas para sa kaniyang pamilya.

(a)  

35.

Tipo ang pang-abay na ginamit sa pangungusap.


Sadyang mahirap maglakad sa mabatong lugar.

(a)  

36.

Tipo ang pang-abay na ginamit sa pangungusap.


Tunay na mahalagang tumulong tayo para sa kanilang kapakanan.

(a)  

37.

Pilian kung ito ay pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.


Matiyagang naghihintay si Aling Elena sa pagdating ng kaniyang anak.

a)

PANDIWA

b)

PANG-URI

c)

PANG-ABAY

38.

Pilian kung ito ay pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.


Ang tagapagluto sa kantina ay sadyang masarap magtimpla ng ulam.

a)

PANDIWA

b)

PANG-URI

c)

PANG-ABAY

39.

Pilian kung ito ay pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.


Totoong mahusay si Regina pagdating sa Araking Panlipunan.

a)

PANDIWA

b)

PANG-URI

c)

PANG-ABAY

40.

Pilian kung ito ay pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.


Ang mga manggagawa sa pabrika ay sobrang pagod sa buong maghapon.

a)

PANDIWA

b)

PANG-URI

c)

PANG-ABAY

41.

Pilian kung ito ay pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.


Mabagal na nagmamaneho si Mang Caloy upang maging ligtas ang aming biyahe.

a)

PANDIWA

b)

PANG-URI

c)

PANG-ABAY

42.

Piliin ang tamang sagot.


Tunay na mahirap ang buhay ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibayong dagat

a)

PANANG-AYON

b)

PANANGGI

c)

PANG-AGAM

43.

Piliin ang tamang sagot.


Humahanga siguro ang buong mundo sa dedikasyon ng mga OFW sa kanilang trabaho.

a)

PANANG-AYON

b)

PANANGGI

c)

PANG-AGAM

44.

Piliin ang tamang sagot.


Walang mangyayari sa buhay ko kung manananatili lang ako rito.

a)

PANANG-AYON

b)

PANANGGI

c)

PANG-AGAM

45.

Piliin ang tamang sagot.


Hindi sasama si Marie. Lumakad na kayo at baka maiwan pa kayo ng bus.

a)

PANANG-AYON

b)

PANANGGI

c)

PANG-AGAM

46.

Piliin ang tamang sagot.


Nais kong mamili sa Divisoria dahil talagang mura ang mga bilihin doon.

a)

PANANG-AYON

b)

PANANGGI

c)

PANG-AGAM

47.

Piliin ang titik ng pinakaangkop na pang-abay na kukumpleto sa diwa ng pangungusap.


______________ nilang makakuha ng mababang marka sa pagsusulit.

a)

BAWAL

b)

HINDI

c)

WALA

d)

AYAW

48.

Piliin ang titik ng pinakaangkop na pang-abay na kukumpleto sa diwa ng pangungusap.


______________ na mabuti sa ating kalusugan ang pagkain ng masusunstansiya at tamang pag-eehersisyo.

a)

HINDI

b)

BAWAL

c)

TUNAY

d)

AYAW

49.

Piliin ang titik ng pinakaangkop na pang-abay na kukumpleto sa diwa ng pangungusap.


Sa aking palagay, _____________ uulan mamaya dahil makulimlim ang panahon.

a)

TILA

b)

BAWAL

c)

AYAW

d)

HINDI

50.

Piliin ang tamang sagot.


Masigabong nagpalakpakan ang mga manonood sa bulwagan noong araw ng pagtatanghal.

a)

PAMANAHON

b)

PANLUNAN

c)

PAMARAAN

51.

Piliin ang tamang sagot.


Payapang nagdiwang ang mga tao sa Quiapo ng kapistahan ng Itim na Nazareno noong ika-9 ng Enero.

a)

PAMANAHON

b)

PANLUNAN

c)

PAMARAAN

52.

Piliin ang tamang sagot.


Sa susunod na Linggo, maayos na gaganapin sa bagong gym ang larong baskebol

a)

PAMANAHON

b)

PANLUNAN

c)

PAMARAAN

53.

Piliin ang tamang sagot.


Ang mag-anak ay masayang nagbakasyon sa Amerika noong Linggo.

a)

PAMANAHON

b)

PANLUNAN

c)

PAMARAAN

54.

Piliin ang tamang sagot.


Araw – araw, magalang na bumabati sa paaralan ang mga mag-aaral sa kanilang guro.

a)

PAMANAHON

b)

PANLUNAN

c)

PAMARAAN

55.

Piliin ang tamang sagot.


Sabik na sabik na pinanood nila ang mga pelikula sa sinehan noong Lunes.

a)

PAMANAHON

b)

PANLUNAN

c)

PAMARAAN

56.

Piliin ang tamang sagot.


Dahan-dahan niyang nilinis ang pisara sa silid-aralan noong Sabado.

a)

PAMANAHON

b)

PANLUNAN

c)

PAMARAAN

57.

Tipo ang pangatnig na ginamit sa pangungusap.


Gustong-gusto kita isama pero hindi ka naman pinayagan ng nanay mo.

(a)  

58.

Tipo ang pangatnig na ginamit sa pangungusap.


Matrapik ngayon dahil nagkaroon ng aksidente sa daan.

(a)  

59.

Tipo ang pangatnig na ginamit sa pangungusap.


Tapos na ang oras ng pagsusulit ngunit hindi pa rin siya natatapos sa pagsasagot.

(a)  

60.

Tipo ang pangatnig na ginamit sa pangungusap.


Siya ay lumalahok sa mga programang pampaaralan pati gawaing pangkomunidad.

(a)  

61.

Tipo ang pangatnig na ginamit sa pangungusap.


Kanina pa siya naghahanap ng kaniyang pitaka subalit ‘di niya pa rin ito nakikita.

(a)  

62.

Tipo ang pangatnig na ginamit sa pangungusap.


Kanina pa siya naghahanap ng kaniyang pitaka subalit ‘di niya pa rin ito nakikita.

(a)  

63.

Piliin ang pinakaangkop na pangatnig na bubuo sa diwa ng pangungusap.


Naglalaro nang mag-isa ang bunso ____________________ nag-aaral ng aralin ang panganay na anak.

a)

habang

b)

saka

c)

kung

d)

subalit

e)

ni

64.

Piliin ang pinakaangkop na pangatnig na bubuo sa diwa ng pangungusap.


Mabait siya ___________________ magalang na bata kaya kinagigiliwan siya ng maraming tao.

a)

habang

b)

saka

c)

kung

d)

subalit

e)

ni

65.

Piliin ang pinakaangkop na pangatnig na bubuo sa diwa ng pangungusap.


Alam niya ang sagot sa tanong ng guro ___________________ nahihiya siyang magbukas ng mikropono.

a)

habang

b)

saka

c)

kung

d)

subalit

e)

ni

66.

Piliin ng angkop na pang-ukol ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.


Nagtanong siya sa kaniyang guro (tungkol sa, para sa, labag sa) takdang-aralin na ibinigay.

a)

tungkol sa

b)

para sa

c)

labag sa

67.

Piliin ng angkop na pang-ukol ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.


(Labag sa, Maliban sa, Ayon sa) balita, may darating na malakas na bagyo kaya tayo ay mag-ingat.

a)

Labag sa

b)

Maliban sa

c)

Ayon sa

68.

Piliin ng angkop na pang-ukol ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.


Lahat ay narito sa klase (maliban sa, maliban kay, maliban kina) Jomarie at Nathan.

a)

maliban sa

b)

maliban kay

c)

maliban kina

69.

Piliin ng angkop na pang-ukol ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.


Ang nilalaman ng liham na iyan ay (para sa, para kay, para kina) Konsehal Quizon upang sumangguni sa programang gagawin sa aming barangay.

a)

para sa

b)

para kay

c)

para kina

70.

Piliin ng angkop na pang-ukol ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.


Mali ka, Alex. (Para sa, Tungkol sa, Labag sa) kasunduang ating pinirmahan ang pagtawag ng malawakang rally ng mga manggagawa.

a)

Para sa

b)

Tungkol sa

c)

Labag sa

71.

Si Frenchie ba ay lalaki o babae?

a)

lalaki

b)

babae