NEW
Font size
WorksheetsEPP HE Summative Test #1
Total questions: 20
Worksheet time: 13mins
1. Ano ang dapat gagawin sa mantsa ng dugo bago ito kusutin at sabunin?
a. lagyan ng kalamansi
b. ibabad sa tubig
c. buhusan ng mainit na tubig
Kung ang iyong damit ay nadikitan ng chewing gum, ano ang iyong gagawin
pag–uwi sa bahay?
a. lagyan ng asin at kalamansi
b. ibabad sa araw ang mantsa
c. lagyan ng yelo ang mantsa upang tumigas ito bago kaskasin
Habang ikaw ay nag pipintura sa bubong ng iyong tahanan ay di mo
namalayan na may pintura na pala ang iyong damit. Ano ang iyong
gagawin?
a. kaskasin ng mapurol na kutsilyo
b. kuskusin ng bulak na may gaas o thinner
c. budburan ng asin ang sariwang pintura
Ang mga bata ay mahilig kumain ng matatamis na pagkain, lalo na ang
tsokolate. Hindi maiwasan na magkaroon ng mantsa ang kanilang mga
damit habang sila ay kumakain. Ano ang tamang paraan sa pagtanggal sa
mantsa ng tsokolate?
a. labhan ng sabon at tubig ang mantsa
b. kusutin sa tubig na may asin
c. ibabad ang mantsa sa mainit na tubig
Paano kuskusin ang mantsa sa damit upang hindi masira ang damit?
a. kuskusing maigi ang mantsa upang matanggal agad ito
b. marahang kuskusin ang mantsa sa damit
c. ibuhos ang lahat ng iyong lakas sa pagkuskus sa mantsa
6. Ang alkohol ay isa sa mga kagamitan sa pag–alis ng mantsa, alin sa mga
sumusunod na mantsa ito gagamitin?
a. putik
b. kalawang
c. tinta
Ang ihi ay isa sa mga mantsa na karaniwang makikita sa damit ng mga
bata. Paano mo tanggalin ang mantsa?
a. basain ng thinner
b. sabunin ng tubig na may suka
c. ibabad sa mainit na tubig
Paano mo tatanggalin ang putik na kumapit sa damit mo?
a. Lagyan ng katas ng kalamansi at asin at kusutin.
b. Ibabad ang damit sa mainit na tubig, sabunin at kusutin.
c. Kuskusin ang mantsa gamit ang brush bago ito sabunin at labhan.
9. Alin sa sumusunod ang mabisang pang – alis ng kalawang sa damit?
a. mainit na tubig
b. kalamansi at asin
c. pulbos
10. Ano ang mabisang pang- alis ng mantsa ng dugo?
a. sabong panligo
b. sabong panlaba
c. sabong pampaputi ng balat
Nakita mo na butas ang palda ng kapatid mo. Ano ang gagawin mo?
Susulsihan
Paplantsahin
Lalabhan
Tatagpian
Nagtatrabaho sa isang kumpanya si Analyn, nakkta ng kasamahan niya na gusot ang damit niya. Ano ang dapat ginawa niya sa damit niya?
plantsahin
itupi
labhan
sulsihan
Habang kumakain ng bananaque si Ara ay di sinasadya na namantsahan ang kanyang damit. Kailan niya dapat alisin ang mantsa?
kinabukasan
sa isang buwan
sa isang linggo
aalisin agad
Ang pagtatago ng nakatuping damit sa cabinet o aparador ay ayon sa:
laki
presyo
kulay
bigat
Habang naglalakad sa kalsada si Karen ay biglang nadulas siya sa maputik na daan. Ano ang dapat niyang gawin?
labhan ang damit
tagpian ang damit
sulsihan ang damit
plantsahin ang damit
Nais ni Aling Nena na tagpian ang butas na pantalon ng anak niyang si Justin, ano ang maaari niyang itagpi?
dahon
tela
papel
karton
Ang lahat ay nagpapakita ng pangangalaga sa kasuotan maliban sa isa, alin ito?
paglalaba
pagpupunit
pamamalantsa
pagsusulsi
Ang paglalaba ng damit ay isinasagawa upang _________ maliban sa isa.
maiwasan ang kapitbahay na inutangan
maiwasan ang pangangamoy ng katawan
luminis ang damit
manatiling mabango ang katawan
Sumabit sa maliit na pako ang shorts ni Alma habang siya ay naglalaro, ano ang dapat gawin ng nanay niya sa shorts?
labhan
plantsahin
itupi
sulsihan
Gawin ang pamamalantsa tuwing ______ upang makatipid sa kuryente.
1 beses sa 1 taon
2 beses sa 3 buwan
1 beses sa isang linggo
2 beses sa 1 araw
