Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

3Q AP8 Review

Total questions: 15

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay nangangahulugang rebirth o “muling pagsilang.” Ito ay ang panahon ng muling pagtangkilik at pag-aaral ng mga ambag ng mga klasikong kabihasnan ng Gresya at Roma.

a)

Merkantilismo

b)

Kolonyalismo

c)

Renaissance

d)

Piyudalismo

2.

Siya ang itinuturing na “Ama ng Humanismo”

a)

William Shakespeare

b)

Giovanni Boccaccio

c)

Francesco Petrarch

d)

Geoffrey Chaucer

3.

Tinawag rin ito bilang Babylonian Captivity, dahil sa pagkawala ng awtoridad at integridad ng mga Santo Papa sa panahong iyon.

a)

Avignon Papacy

b)

Renaissance Period

c)

Great Schism

d)

Repormasyon

4.

Kumalat ang Repormasyon at ang Protestantismo sa Switzerland dahil kay _________, isang Pranses na pastor at repormista.

a)

Papa Clemente IV

b)

Martin Luther

c)

John Calvin

d)

Papa Urban III

5.

Ito ay ang pagpapalawak ng kapangyarihan ng isang bansa na ginagawa sa pamamagitan ng sapilitang pananakop at pagkontrol sa ekonomiya at pulitika ng mga nasakop na lugar.

a)

Kolonyalismo

b)

Imperyalismo

c)

Kapitalismo

d)

Merkantilismo

6.

Ito ay pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa upang gamitin ito para sa pulitikal at ekonomikong interes ng mananakop na bansa.

a)

Kolonyalismo

b)

Imperyalismo

c)

Merkantilismo

d)

Kapitalismo

7.

Siya ang Italyanong nanguna sa paggalugad sa kanlurang bahagi ng mundo sa ngalan ng Portugal.

a)

Miguel Lopez de Legazpi

b)

Ferdinand Magellan

c)

Amerigo Vespucci

d)

Ruy Lopez de Villalobos

8.

SIya ay isang pilosopong Olandes na nagsabi na lahat ng katotohanang hinahanap ng isang tao ay maaring makita sa kalikasan.

a)

Baruch Spinoza

b)

Rene Descartes

c)

John Locke

d)

Thomas Hobbes

9.

Siya ay kilala para sa kaniyang teorya sa paghahati-hati ng kapangyarihan sa gobyerno.

a)

Thomas Hobbes

b)

Jean-Jacques Rosseau

c)

Charles-Louis de Secondat Baron de La Brede

d)

Francois-Marie Arouet

10.

Siya ay nagpatupad ng mga pagbabago sa kaniyang kaharian katulad ng pagtatanggal ng mga pagpapahirap sa mga inaakusahan ng krimen.

a)

Maria Theresa

b)

Empress Catherine

c)

Thomas Hobbes

d)

Frederick the Great

11.

Ito ay tumutukoy sa yugto ng kasaysayan sa Europa noong ika-16 hanggang 17 na siglo kung saan umusbong ang mga pag-aaral at pananaliksik tungkol sa kalikasan.

a)

Rebolusyong Siyentipiko

b)

Rebolusyong Industriyal

c)

Rebolusyong Enlightenment

d)

Rebolusyong Agrikultural

12.

Ito ay nagsimula sa bansang Britanya nang tangkain ng mga tao na humanap ng ibang paraan para mapabilis at maparami pa ang mga produktong kanilang ginagawa upang makasabay sa dami at bilis ng pangangailangan ng mga mamamayan.

a)

Rebolusyong Siyentipiko

b)

Rebolusyong Enlightenment

c)

Rebolusyong Industriyal

d)

Rebolusyong Agrikultural

13.

Siya ay naniwala na ang tao ay likas na rasyunal at moral. Ayon sa kanya, mayroong kakayahan ang tao na malagpasan ang kanilang pagka-makasarili at maging mabuti sa ibang tao.

a)

Thomas Hobbes

b)

John Locke

c)

Charles Louis de Secondat o Baron de Montesquieu

d)

Voltaire

14.

Ito ay binubuo ng mga miyembro ng simbahang Katoliko, kung saan kabilang ang kaparian.

a)

Unang Estate

b)

Ikalawang Estate

c)

Ikatlong Estate

d)

Ikaapat na Estate

15.

Noong 1770, nagsimula ang kaguluhan sa pagitan ng dalawang panig nang pinagbabaril ng mga sundalong Ingles ang isang grupo ng mga Amerikano. Ano ang tawag sa kaganapang ito?

a)

Amritsar Massacre

b)

Boston Tea Part

c)

Boston Massacre

d)

Sepoy Rebellion