WorksheetsPangatnig
Total questions: 15
Worksheet time: 45mins
Mabigat ang trapiko kaya nahuli ako sa klase.
Naglilinis siya ng silid habang nakikinig siya sa radyo.
Magbabasa ako ng aklat o manonood ako ng telebisyon.
Hindi kumikibo si Mario kapag malapit si Anna sa kanya
Huwag mo siyang tularan sapagkat masama ang ginagawa niya.
Sasabay sana ako kay Maricar pauwi subalit nakaalis na pala siya.
Hindi pumasok sa paaralan si Nelia dahil sumakit ang kanyang ngipin.
Hindi siya matipid sa pagkain palibhasa marami ang perang baon niya.
Uuwi ako nang maaga para matulungan ko si Nanay sa mga gawaing bahay.
Nagmadaling pumunta si Ted sa istasyon ngunit hindi niya naabutan ang tren.
Lalabhan ko ang damit ni Ariel at paplantsahin ko ang uniporme ni Alicia.
Mag-aaral ako nang mabuti upang mataas ang makuha kong marka sa pagsusulit.
Si Ate Rita ay bumili ng sariwang gulay at mga hinog na mangga sa palengke.
Si Tatay o si Kuya Martin ang susundo sa inyo sa paaralan mamayang hapon.
Dapat sabihin ko sa kanya ang katotohanan ngunit ayaw kong magalit siya sa akin.
