Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q3-MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6

Total questions: 80

Worksheet time: 3600secs

Name
Class
Date
1.

Ito ay bantas na ginagamit sa pagitan ng ika at tambilang.

a)

tutuldok

b)

gitling

c)

tuldok

d)

kudlit

2.

Ito ay bantas na ginagamit sa hulihan ng pangungusap na pasalaysay?

a)

kuwit

b)

panipi

c)

tuldok

d)

kudlit

3.

Ito ay bantas na ginagamit upang kumatawan sa titik na kinakaltas sa panandang pangkayariang ay at at.

a)

panipi

b)

kuwit

c)

kudlit

d)

tutuldok- kuwit

4.

Ito ay bantas na ginagamit sa katapusan ng pangungusap na padamdam.

a)

tuldok

b)

tandang padamdam

c)

tandang pananong

d)

tutuldok- tuldok

5.

Ito ang bantas na ginagamit sa hulihan ng pangungusap na nagtatanong.

a)

tandang pananong

b)

tandang padamdam

c)

kuwit

d)

kudlit

6.

Ito ang bantas na ginagamit sa hulihan ng pangungusap na pautos.

a)

tutuldok

b)

kudlit

c)

kuwit

d)

tuldok

7.

ito ang bantas na ginagamit upang ikulong ang tuwirang sinasabi ng nagsasalita.

a)

panipi

b)

panaklong

c)

tutuldok

d)

kudlit

8.

Ito ang bantas na ginagamit sa paghihiwalay ng taon sa pagsulat ng petsa.

a)

kudlit

b)

gitling

c)

tutuldok

d)

kuwit

9.

Ito ang bantas na ginagamit upang ikulong ang salitang ingles na walang salin sa Tagalog?

a)

tutuldok

b)

gitling

c)

panaklong

d)

panipi

10.

Ito ang bantas na ginagamit sa hulihan ng ekspresyong padamdam.

a)

tandang pananong

b)

tandang padamdam

c)

tuldok

d)

panipi

11.

Ito ang bantas na ginagamit sa pagususunod-sunod ng bagay o paglalahad ng mga serye.

a)

kudlit

b)

tutuldok

c)

kuwit

d)

tuldok

12.

Ano ang mga bantas na dapat dito?


Hala___ nahulog ang bata sa duyan_____

a)

, at .

b)

! at .

c)

!

d)

: at !

13.

Ano ang bantas dito?

Lubos na gumagalang _____

a)

.

b)

!

c)

,

d)

:

14.

Nagsasaad ng pagtanggi tulad ng hindi o di at ayaw.

a)

Panggaano

b)

Pananggi

c)

Ingklitik

d)

Pamanahon

15.

Anong pang-abay ito na ang katagang ginagamit ay opo at tunay?

a)

Panggaano

b)

Pamanahon

c)

Panang-ayon

d)

Pananggi

16.

Ang tagumpay ay tunay na makukuha kapag nagsisikap.

a)

Panggaano

b)

Pananggi

c)

Panang-ayon

d)

Pang-agam

17.

Magsikap ka rin kasi, ayaw kong mabigo ka sa iyong pangarap.

a)

Panggaano

b)

Pananggi

c)

Panang-ayon

d)

Pang-agam

18.

Mahabang panahong nag-aral si Ariel gamit ang gasera.

a)

Panggaano

b)

Pananggi

c)

Panang-ayon

d)

Pang-agam

19.

Para sa pansariling katahimikan ni Phaethon, hinanap niya ang katotohanan.

a)

Kondisyonal

b)

Kusatibo

c)

Benepaktibo

20.

Ang kalagayan ng mahihirap ay tumaas dahil sa suportang ibinibigay niya sa mga ito.

a)

Kataga o Ingklitik

b)

Kondisyunal

c)

Kusatibo

21.

Ito ay isang pang-abay na nagsasaad ng timbang o sukat.

a)

Panggaano

b)

Pamaraan

c)

Pananggi

d)

Ingklitik

22.

Tukuyin ang ginamit na pang-abay sa bawat pangungusap.


Tumatag ang piso laban sa dolyar dahil sa kanyang pamumuno.

a)

Kataga o Ingklitik

b)

Kondisyunal

c)

Kusatibo

23.

Tukuyin ang uri ng pang-abay na may guhit sa pangungusap.


Tumaba ako ng limang libra.

a)

panang-ayon

b)

pananggi

c)

pang-agam

d)

panggaano

24.

Tukuyin ang uri ng pang-abay na may guhit sa pangungusap.


Hindi nakakatawa ang biro mo.

a)

panang-ayon

b)

pananggi

c)

pang-agam

d)

panggaano

25.

Tukuyin ang uri ng pang-abay na may guhit sa pangungusap.


Inaabot ako ng kalahating oras sa paghihintay ng bus.

a)

panang-ayon

b)

pananggi

c)

pang-agam

d)

panggaano

26.

Tukuyin ang uri ng pang-abay na may guhit sa pangungusap.


Pitong kilometro ang layo ng palengke mula sa bahay.

a)

panang-ayon

b)

pananggi

c)

pang-agam

d)

panggaano

27.

Tawag sa salita o mga salitang naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.

a)

Pang-uri

b)

Pang-abay

c)

Pandiwa

d)

Pang-ukol

28.

Hindi nakatatawa ang mga biro mo.

Anong uri ng pang-abay ang ginamit sa pangungusap?

a)

Panlunan

b)

Pamaraan

c)

Pananggi

d)

Panang-ayon

29.

Bumaba ang aking timbang ng isang kilo.

Anong uri ng pang-abay ang ginamit sa pangungusap?

a)

Panlunan

b)

Pamaraan

c)

Pananggi

d)

Panggaano

30.

Pupunta lang ako sa mall kung pupunta si Erin.

(I'll only go to the mall if Erin comes.)

a)

Pang-abay na Benepaktibo

(Adverb clause of Purpose)

b)

Pang-abay na Kawsatibo

(Adverb clause of Reason)

c)

Pang-abay na Kondisyunal

(Adverb clause of Condition)

d)

Pang-abay na Pangkaukulan

(Adverb clause of Preposition)

31.

Si nanay ay nagluto ng spagetti para sa amin.

(Mom cooked spaghetti for us.)

a)

Pang-abay na Ingklitik

(Enclitic)

b)

Pang-abay na Kondisyunal

(Adverb clause of Condition)

c)

Pang-abay na Benepaktibo

(Adverb clause of Purpose)

d)

Pang-abay na Pangkaukulan

(Adverb clause of Preposition)

32.

Hindi sya nakapasok sa eskwelahan dahil sa sakit ng ulo.

(He could not go to school because of a headache.)

a)

pang-abay na kondisyunal

(adverb clause of condition)

b)

pang-abay na pangkaukulan

(adverb clause of preposition)

c)

pang-abay na benepaktibo

(Adverb clause of purpose)

d)

pang-abay na kawsatibo

(adverb clause of reason)

33.

Si tatay ay naghahanapbuhay para sa aming pagkain.

(Dad works for our food.)

a)

pang-abay na ingklitik

(Enclitic)

b)

pang-anay na kondisyunal

(adverb clause of condition)

c)

pang-abay na kawsatibo

(adverb clause of reason)

d)

pang-abay na benepaktibo

(adverb clause of purpose)

34.

May sakit yata si Catherine.

(it seems that Catherine is sick.)

a)

pang-abay na ingklitik

(Enclitic)

b)

pang-abay na kawsatibo

(adverb clause of reason)

c)

pang-abay na kondisyunal

(adverb clause of condition)

d)

pang-abay na benepaktibo

(adverb clause of purpose)

35.

Uri ng pang-abay nagsasaad ng pagsang-ayon

a)

pananggi

b)

panang-ayon

c)

kusatibo

d)

benepaktibo

36.

Uri ng pang-abay nagsasaad ng bigat,sukat at timbang.

a)

panggaano/panukat

b)

panang-ayon

c)

kusatibo

d)

benepaktibo

37.

Uri ng pang-abay nagsasaad ng dahilan ng pagkakaganap ng kilos

a)

panggaano/panukat

b)

panang-ayon

c)

kusatibo

d)

benepaktibo

38.

Uri ng pang-abay nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao.

a)

panggaano/panukat

b)

panang-ayon

c)

kusatibo

d)

benepaktibo

39.

Tukuyin ang wastong pang-angkop na bubuo sa parirala.

malinamnam _ pagkain

a)

na

b)

g

c)

ng

40.

Tukuyin ang wastong pang-angkop na bubuo sa parirala.

mahusay _ mananayaw

a)

na

b)

g

c)

ng

41.

Punan ng wastong pang-angkop ang mga patlang.

Maalalahanin_ bata talaga si Kulas.

a)

na

b)

g

c)

ng

42.

Punan ng wastong pang-angkop ang mga patlang.

Pinitas ni Thea ang mabango_ rosal sa hardin.

a)

na

b)

g

c)

ng

43.

Punan ng wastong pang-angkop ang mga patlang.

Kakarampot _ pag-asa na ang natira kay Bea.

a)

na

b)

g

c)

ng

44.

Punan ng wastong pang-angkop ang mga patlang.

Masayahin_ bata si Lumen kaya gusto siya ng mga kalaro.

a)

na

b)

g

c)

ng

45.

Punan ng wastong pang-angkop ang mga patlang.

Umiwas tayo sa masama_ bisyo upang guminhawa ang buhay.

a)

na

b)

g

c)

ng

46.

 Ang Qatar ay isa sa mga pinakamayaman_ bansa sa buong mundo.

a)

na

b)

g

c)

ng

47.

Ang matamis _ mangga ng Pilipinas ang paborito kong prutas.

a)

na

b)

g

c)

ng

48.

Masyado_ matao ang mga mall tuwing malapit na ang Pasko.

a)

na

b)

g

c)

ng

49.

Masyado_ matao ang mga mall tuwing malapit na ang Pasko

a)

na

b)

g

c)

ng

50.

Ang mga pang-ugnay na -na at -ng ay tinatawag na ______

a)

pangatnig

b)

pang-angkop

c)

ingkitik

d)

pang-abay

51.

Ito ay mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsunud-sunod sa pangungusap.

(a)  

52.

Piliin ng angkop na pangatnig upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

Masisipag mag-aral ang magkakapatid ______ matataas ang kanilang marka.

a)

at

b)

kung

c)

upang

d)

kaya

53.

Naghanda si Genia sa kanyang kaarawan ________ walang bisita dahil sa pandemya.

a)

ngunit

b)

dahil

c)

upang

d)

sapagkat

54.

Mahilig magdrowing si Liza _____ makinig ng musika.

a)

o

b)

upang

c)

kaya

d)

at

55.

Pinilit niyang matapos ang gawain _______ masama ang kanyang pakiramdam.

a)

sapagkat

b)

kaya

c)

bagama't

d)

upang

56.

Bibilis ang pag-unlad ng bayan _____ may kapayapaan at pagkakaisa.

a)

nang

b)

kung

c)

upang

d)

at

57.

Ang pang-angkop na _____ ay iniuugnay sa mga salitang nagtatapos sa patinig na mga letrang a, e, i, o, at u.

a)

-g

b)

ng

c)

na

d)

-ng

58.

Aling pangungusap ang may maling gamit ng pang-angkop?

a)

Kung ang iniisip mo ay magaganda at masasaya tiyak na magiging masayahin ka.

b)

Kailangan ng lagi tayong may ngiti sa labi at masiglang makipag-usap.

c)

Nararapat na magsalita ka nang masaya at umarte nang masaya.

d)

Lumaging masigla at matatapos ang gawain mo nang hindi mo namamalayan.

59.

Pang-angkop na ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig.

a)

Pang-angkop na "na"

b)

Pang-angkop "ng"

c)

letrang "g"

60.

Ito ay idinaragdag kung ang salita ay nagtataposa sa letrang n para maging ng ang dulo nito.

a)

na

b)

ng

c)

g

61.

Ginagamit ito kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig.

a)

Pang-angkop na "na"

b)

Pang-angkop na "ng"

c)

letrang "g"

62.

Nag-aaral siya nang mabuti, upang makapasa sa pagsusulit.

a)

Pang-angkop

b)

Pangatnig

63.

Ang paborito ko ay matamis na mangga.

a)

Pang-angkop

b)

Pangatnig

64.

Nakatapos siya ng pag-aaral dahil sa nag-aral siyang mabuti.

a)

Pang-angkop

b)

Pangatnig

65.

Si Noel ay matalinong bata.

a)

Pang-angkop

b)

Pangatnig

66.

Kakain ka pa ba o matutulog na lang?

a)

Pang-angkop

b)

Pangatnig

67.

Ito ay tumutukoy sa pang-ugnay na nagpapahayag ng di-kasiguraduhan.

a)

Pamukod

b)

Panubali

c)

Panapos

d)

Paninsay

68.

Ito ay nagdurugtong ng mga kaisipang magkaiba.

a)

Panubali

b)

Paninsay

c)

Pamukod

d)

Pananhi

69.

Ito naman ay nagdurugtong ng bunga sa sanhi.

a)

Pananhi

b)

Pamukod

c)

Panapos

d)

Panubali

70.

Ito ay isang uri ng pangatnig na naghihiwalay ng mga ideya.

a)

Panapos

b)

Pamukod

c)

Pananhi

d)

Panimbang

71.

Ito ay nagsasaad ng katapusan.

a)

Pamukod

b)

Paninsay

c)

Panapos

d)

Panubali

72.

Tukuyin kung anong uri ng pangatning na ginamit sa pangugusap.

Ano ang pipiliin mo, Mrt o bus?

a)

Pamukod

b)

Paninsay

c)

Panapos

d)

Panubali

73.

Tukuyin kung anong uri ng pangatning na ginamit sa pangugusap.

Hindi makaalis ng bahay si Mark dahil may gawain siya.

a)

Pamukod

b)

Paninsay

c)

Panapos

d)

Pananhi

74.

Tukuyin kung anong uri ng pangatning na ginamit sa pangugusap.

Gusto kong bumili ng bagong damit ngunit wala naman akong pera.

a)

Pamukod

b)

Paninsay

c)

Panapos

d)

Pananhi

75.

Tukuyin kung anong uri ng pangatning na ginamit sa pangugusap.

Hindi ako sasama sa mall sakaling dumating ang nanay ko.

a)

Panubali

b)

Paninsay

c)

Panapos

d)

Pananhi

76.

Tukuyin kung anong uri ng pangatning na ginamit sa pangugusap.

Dahil sa init ng panahon kaya siya nilagnat.

a)

Panubali

b)

Paninsay

c)

Panapos

d)

Pananhi

77.

Tukuyin kung anong uri ng pangatning na ginamit sa pangugusap.

Wala akong masakyang dyip kaya napilitan akong maglakad pauwi.

a)

Panubali

b)

Paninsay

c)

Panlinaw

d)

Pananhi

78.

Tukuyin kung anong uri ng pangatning na ginamit sa pangugusap.

Umapaw ang ilog sapagkat walang tigil ang ulan.

a)

Panubali

b)

Paninsay

c)

Panlinaw

d)

Pananhi

79.

Tukuyin kung anong uri ng pangatning na ginamit sa pangugusap.

Kung uulan hindi matutuloy ang ating palatuntunan.

a)

Panubali

b)

Paninsay

c)

Panlinaw

d)

Pananhi

80.

Tukuyin kung anong uri ng pangatning na ginamit sa pangugusap.

Ni sermunan ni saktan ay hindi ko ginagawa sa aking anak.

a)

Panubali

b)

Paninsay

c)

Panlinaw

d)

pamukod