Font size
WorksheetsChristian Living 3rd. Periodical
Total questions: 35
Worksheet time: 35mins
Ito ang tawag sa nabuong gawi ng pamayanan.
KOMUNIDAD
LIPUNAN
KULTURA
KABUTIHANG PANLAHAT
___ 1. Inutusan ka ng nanay mo na hugasan ang mga pinagkainan ninyo at ng mga bisita. Nagmadali ka sa paghugas at nagalit ang nanay mo nang makita na may naiwan pang sabon sa ibang hinugasan mo. Ano ang gagawin mo?
a. hindi ka na papayag na maghugas ng pinagkainan
b. iiyak ka at magkukulong sa kuwarto
c. tatanggapin mo ang iyong pagkakamali at hihingi ng tawad
d. tatahimik ka na lang
10. Gusto mong gamitin sa mas tama ang oras mo sa bahay imbis puro laro. Naglinis ka ng kuwarto mo at nakita mo ang tinatago mong mga laruan. Ano ang gagawin mo?
a. tatawagin mo ang kapatid mo para maglinis habang maglalaro ka
b. uupo ka muna at mag-palabunutan kung maglilinis o maglalaro
c. paglalaruan mo muna ang matagal mo nang hinahanap na mga laruan
d. itatabi mo ang mga laruan at tatapusin mo ang paglinis ng kuwarto
Anong salita ang ginagamit ng isang mabuting Batang Pilipino sa pakikipagusap sa mga nakatatanda?
Oo
Oh?!
Opo at Hindi po
Opo, Po at Hindi po
Anong mabuting ugaling Pilipino ang ipinapakita sa larawan sa itaas?
pagiging magalang
pagiging salbahe
pagiging matulungin
pagiging bugnutin
Anong mabuting ugaling Pilipino ang ipinapakita sa larawan sa itaas?
pagiging magalang
pagmamahal sa sariling bayan
respeto sa kapaligiran
pagtangkilik sa sariling produkto
Nakapila kayo sa kantina ng iyong mga kaklase nang biglang may sumingit sa harapan mo. Bilang isang mabuting batang Pilipino, ano ang gagawin mo?
Itutulak ko siya paalis ng pila.
Sisingit din ako sa mas unahan.
Sisigawan ko siya na wag sumingit
Sasabihan ko siya na huwag sumingit sa pila dahil mali iyon at baka may masaktan sa pag singit niya.
Bakit kailangang malaman ng mga tao na ipinagbabawal ang pagsusunog ng basura?
Maaari itong maging sanhi ng pagkasunog ng mga bahay sa paligid.
Puwedeng i-recycle ang mga patapong bagay na susunugin
Ang pagsusunog ng basura ay puwedeng mag bunga ng maruming hangin at kapaligiran.
Lahat ng nabanggit.
Ito ay pagpapakita ng pag-aalaga o pag-aaruga at pakikiramay sa sa kapwa kapag kinakailangan.
pagmamahal
pakikipag-away
pagwawalang bahala
pagmamalasakit
Palihim na kinakain ni Ara ang biniling biskwit na para sana sa kanila ng kaniyang kakambal na si Arjo. Naubos niya ito at wala nang natira para kay Arjo. Ano ang ibinahagi ni Ara kay Arjo?
A. Gamit
B. Kakayahan
C. Wala
Malungkot ang kaibigan ni Cedrick. Alin ang hindi tamang paraan ng pagpapakita ng pag-unawa sa kaniyang kaibigan?
A. Itanong ang kaniyang nararamdaman.
B. Iwasang kausapin ang kaniyang kaibigan.
C. Kausapin at makinig sa kaniyang kaibigan.
Gusto mong pagkatiwalaan ka ng iyong kapatid dahil gusto mo hiramin ang kaniyang bag. Ano ang iyong gagawin upang ipakita na pinahahalagahan mo ang kaniyang tiwala?
A. Gamitin ang bag kahit hindi niya alam at isauli na lang agad.
B. Itanong sa kapatid kung maari mong gamitin ang bag niya.
C. Sabihin sa inyong nanay na gagamitin mo ang bag.
Usapan ninyong magkakaibigan na manonood kayo ng cultural show sa plasa. Nakatakda kayong magkita-kita sa hintayan ng sasakyan malapit sa inyong paaralan ng ika-5 ng hapon. Hindi dumating ang mga kaibigan mo. Nalaman mong nauna na sila sa plasa. Ano ang magiging reaksyon mo?
Magpapasalamat na habang maaga pa ay napatunayan mo na ang kanilang totoong pagkatao.
Kakausapin sila tungkol sa nangyari at sasabihin kung ano ang naramdaman
tungkol doon.
Paano mo maipapakita ang pakikiisa at pakikipagtulungan sa pasya ng grupo o pangkat?
Sa pamamagitan ng pagpapatigil sa pasya ng nakararami.
Sa pamamagitan ng pakikipagtalo sa pasya ng nakararami.
Sa pamamagitan ng pagsang-ayon sa pasya ng nakararami.
Sa pamamagitan ng hindi pagsunod sa pasya ng nakararami.
Bilang kasapi ng pamayanan, ano ang dapat gawin kung may mga itinakdang pagpupulong ang inyong lider o Barangay Kapitan?
Umalis sa inyong lugar sa araw ng pagpupulong.
Dadalo at makikibahagi sa araw ng pagpupulong.
Manatili sa bahay habang ginaganap ang pagpupulong.
Itaon sa araw ng pagpupulong ang pamamasyal at paliligo sa dagat.
Ipinapatupad ng inyong lungsod ang pagpapanatili ng mga tao sa bahay sa araw ng Linggo dahil sa nararanasang pandemya. Alin ang dapat gawin ng mga mamamayan?
Maagang pumunta sa dagat at doon magpalipas ng maghapon.
Magpunta sa simbahan at doon manatili sa buong araw.
Pumunta sa kamag-anak sa kabilang lungsod.
Manatili sa loob ng bahay sa buong araw.
Inutusan ka ng tatay at nanay mong dumalo sa pagpupulong ng inyong barangay bilang representante ng inyong pamilya.Napansin mong ang iyong mga katabi ay maingay at hindi nakikinig, ano ang gagawin mo?
Sutsutan mo sila at sabihing makinig kayo upang may maunawaan sa pinag-uusapan.
Magalang mo silang sasabihan na makinig upang maunawaan ang pinag-uusapan.
Bubulungan mo ang tagapagsalita na hindi nakikinig ang mga katabi mo.
Sisigawan mo sila at sabihing,”Hoy makinig naman kayo!”
Pinagpasyahan ng inyong barangay na magkakaroon ng “curfew hour” sa inyong lugar. Bilang isang mamamayan susunod ka ba?
Opo, dahil iyon ang napagpasiyahan at makakabuti sa buong barangay.
Opo, dahil takot ako sa aming barangay kapitan
Hindi, dahil para lang iyon sa mga gumagala.
Hindi dahil wala akong pakialam.
1. Nagpapahinga sa upuan ang iyong nanay dahil napagod sa paglilinis ng bahay ninyo pero nayaya mo na ang iyong mga kaibigan na maglaro sa bahay ninyo. Ano ang iyong gagawin?
A. Tatawa nang malakas para magising ang nanay
B. Gigisingin ang nanay at sasabihing may darating na bisita
C. Maglalaro pa rin sa bahay kasama ng mga kaibigan kahit na nagpapahinga ang nanay
D. Tatawagan ang mga kaibigan at sasabihing sa ibang araw na lang maglaro sa bahay dahil nagpapahinga ang nanay
2. Hindi mo sinabi kay Lito na iyong katabi sa upuan kung sino ang kumuha ng kaniyang bolpen, muli ka niyang tinanong tungkol sa bolpen niya. Ano ang iyong magiging reaksiyon dito?
A. iirapan
B. Mananahimik
C. Aalis na lang
D. Sasabihin ang nakitang kumuha
Alin sa mga ito ang HINDI dahilan kung bakit tayo magsisinungaling.
Mahuhubog ang ating pag-iisip
Pagtatakip ng ibang tao or sarili
Magpasaya ng kapwa
Makaiwas sa panagutan
Nag-isip muna si Carlo kung anong makabubuting ikilos matapos malaman na siniraan siya ni Carla. Ang katangiang ipinakita niya ay nag pagiging____.
A. matiyaga
B. mahinahon
C. mapagtiis
D. mapanuri
Tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad.
KATAMARAN
KASIPAGAN
MALIKHAIN
Ang ________ ang pumipigil sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.
KATAMARAN
KASIPAGAN
MALIKHAIN
1. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng katamaran?
A. Masipag mag-aral si Hans. Sa tuwing siya ay nag-aaral ay ibinibigay niya ang kaniyang panahon at oras dito ng buong husay.
B. Si Jazmine ay palaging nagbibigay ng kaniyang malasakit sa anumang gawain na ipinapagawa sa kaniya ng kaniyang ina.
C. Si Marife ay hindi na kailangan pang utusan ng kaniyang ina sa gawaing bahay. Siya ay gumagawa ng may pagkukusa.
D. Si Waren na hindi pa man din nauumpisahan ang kanyang gawain ay nagrereklamo, na parang umaayaw na at nawawalan na ng pag-asa
3. Hindi dapat taglayin ng tao ang ugaling katamaran. Ang sumusunod na pangungusap ay nagbibigay kahulugan nito maliban sa isa:
A. Ito ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay, o trabaho.
B. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.
C. Ito ay maaaring sumira sa ating kinabukasan.
D. Ito ay magdadala ng panganib sa buhay.
Tumatanggap ka ng pagkakamali.
Responsable
Iresponsable
Bago lumabas ng kwarto, pinatay ni Marty ang switch ng mga ilaw rito.
Pinaalalahanan ni Laura ang kapatid na nakita niyang tumawid sa maling lugar.
Iniwan ni Andrea sa tapat ng bakuran ng kanilang kapitbahay ang kalat na kaniyang winalis.
Nakita mo ang iyong kapitbahay na nagtapon ng kanilang basura sa estero. Ano ang iyong gagawin upang maipakita ang iyong pagiging responsable?
Sasawayin ko siya.
Pababayaan ko siya.
Nakita mong nanonood ang iyong kapatid ng programa sa telebisyon na hindi angkop sa kaniyang edad. Ano ang iyong gagawin upang maipakita ang iyong pagiging responsable?
Ipaghahanap ko siya ng panoorin na angkop sa kaniyang edad.
Sasamahan ko siya sa panonood.
Namahagi ng mga leaflet ang inyong paaralan tungkol sa mga dapat gawin upang maiwasan ang sakit na dengue. Ano ang iyong gagawin upang maipakita ang iyong pagiging responsable?
Itatapon ko ang leaflet na binigay sa akin.
Babasahin at susundin ko ang sinasabi sa leaflet.
Inaasam mong maging kasapi ng samahan ng Boy/ Girl Scouts sa inyong paaralan. Anong mga katangian ang dapat mayroon ka?
Bugnutin
Matatakutin
Laging handang tumulong
Walang pasensiya
Ito ay ang pagsasaalang-alang ng kanilang karapatan at damdamin
paggalang sa iba
kawikaan
pagtatanggol
isapuso
