Font size
WorksheetsPaggamit ng Wastong Pandiwa
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Ang mga bata ang ______________ ng kanilang umagahan kahapon. Tinulungan sila ng kanilang ina.
nagluto
nagluluto
magluluto
___________ ng kaniyang kaarawan si Jana bukas.
Nagdiwang
Nagdiriwang
Magdiriwang
Maagang _________ kahapon ang tatay ni AJ mula sa trabaho.
umuwi
umuuwi
uuwi
Ang mga bata ay _______ araw-araw.
nagdasal
nagdarasal
magdarasal
Mabilis _______ ni Maine ang mga gawain sa modyul. Naipasa na niya ito sa kaniyang guro.
natapos
natatapos
matatapos
Punan ng wastong pandiwa,
Ako ay __________ ng bahay kahapon.
naglinis
naglilinis
maglilinis
Punan ng wastong pandiwa.
__________ kami sa Maynila bukas.
Pumunta
Pumupunta
Pupunta
Punan ng wastong pandiwa.
_________ ako ng almusal araw-araw.
Kumain
Kumakain
Kakain
Punan ng wastong pandiwa.
Kami ay __________ sa parke kanina.
naglaro
naglalaro
maglalaro
Punan ng wastong pandiwa.
__________ ako ng mga halaman tuwing hapon.
Nagdilig
Nagdidilig
Magdidilig
Kumpletuhin:
pangnagdaan - natulog
pangkasalukuyan - (a)
panghinaharap - matutulog
Kumpletuhin:
pangnagdaan - (a)
pangkasalukuyan - naglalakad
panghinaharap - maglalakad
Tukuyin ang aspekto ng pandiwa na may salungguhit.
Maagang natulog si Perry dahil papasok siya sa paaralan bukas.
pangnagdaan
pangkasalukuyan
panghinaharap
Tukuyin ang aspekto ng pandiwa na may salungguhit.
Nakita niyang nagluluto na ang kaniyang nanay.
pangnagdaan
pangkasalukuyan
panghinaharap
Tukuyin ang aspekto ng pandiwa na may salungguhit.
Pero narinig niya ang kaniyang nanay, "Tiyak na uulan mamaya, Perry! Dalhin mo ang iyong kapote."
pangnagdaan
pangkasalukuyan
panghinaharap
