Font size
WorksheetsPANI2 MOD. 5-6
Total questions: 11
Worksheet time: 15mins
Bakit tinawag na dulang pantahanan ang duplo?
Ito ay nilalahukan ng mga kasapi ng pamilya.
Idinaraos ito sa bakuran o loob ng isang tahanan.
Ang mga paksa ng pagtatalo ay tungkol sa tahanan.
Ibinibigay sa ilaw ng tahanan ang gantimpala ng mga kalahok.
Ang mga sumusunod ay pagpapatunay ng angking husay ng mga Pilipino sa pagtula. Alin sa mga ito ang hindi kabilang.
Ang pagtatalong patula ay ginagamitan ng mga talinghaga.
Nagpapalitan ng mga katuwiran sa tulong ng tulang may sukat at tugma.
Ang paksa ay tungkol sa nawawalang loro ng hari.
Nagtatalo at nagpapalitan ng matuwid sa paraang agaran o walang paghahanda.
Sa panahon ng mga Espanyol, karamihan sa mga akda na binabasa o itinatanghal man ay tungkol sa mga santo/santa. Nagsisimula ito sa panalangin. Samakatuwid, ano ang ibig sabihin nito?
Iniangkop sa Panitikan ang relihiyon.
Likas na relihiyoso ang mga Pilipino.
Mahilig sa mga pagtatanghal ang mga Pilipino.
Ibinahagi ng mga Espanyol ang paraan ng kanilang pananampalataya.
Ano ang tawag sa binata at dalaga na naglalaro ng duplo na sila rin ang nagtatalo?
Bilyako/bilyaka
Mambibigkas
manunula
prinsipe/prinsesa
Si Saitama ay mag-aaral sa kolehiyo. Mahilig siyang sumulat at bumigkas ng tula. Paano malilinang sa paaralan ang kaniyang talento sa pagtula?
Mag-aral ng asignaturang Pamamahayag.
Dumalo sa mga seminar-worksyap ng Samahan ng Mambibigkas sa paaralan.
Laging lumahok sa mga patimpalak ng pagbigkas ng tula.
Maghanap ng masasalihang samahan ng mga manunula.
Pangulo ka ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SAMAFIL) at sa darating na pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa taong ito, napag-usapan ng inyong samahan na magkakaroon ng paligsahan sa pagtatalong patula gamit ang fliptop. Alam mo na ito’y lubhang kinagigiliwan ng mga mag-aaral na katulad mo sa kasalukuyan. Ano ang pangunahing layunin ng SAMAFIL sa pagdaraos na ito?
Mahikayat na maging kasapi ng SAMAFIL ang lahat ng mag-aaral sa paaralan.
Mahikayat na lumahok ang mga mag-aaral sa paligsahan.
Maging bago sa paningin ng mga guro ang fliptop.
Malinang at maibigan ng mga mag-aaral ang sining ng pagtula.
Anong katangian ng mga Pilipino ang taglay sa paggamit eupemistikong pahayag?
Tapat
Magalang
Madaling maunawaan
Malumanay magsalita
Ano ang lumulutang na paksang ginamit ng manunulat sa mga akdang pampanitikan sa panahon ng Pagbabagong-diwa?
Pag-ibig sa bayan
Pagmamahalan ng Pamilya
Mga kaugaliang Pilipino
Pagpupuri sa pamahalaang Espanya
Paano ipinakita ni Dr. Jose Rizal ang kaniyang pakikipaglaban sa mga Espanyol?
Nakipag-usap sa kinauukulan.
Ginamit ang mga akdang pampanitikan upang gisingin ang damdaming makabayan ng mga Pilipino.
Nangibang-bansa siya upang hikayatin ang kapwa mga Pilipino na magkaisa sa paglaban sa pamahalaang Espanyol.
Nagtatag ng samahang tutuligsa sa Espanya.
Ang karagatan at duplo ay pawang mga akdang pampanitikan na nasa anyong __________.
Prosa
Patula
Pasalaysay
Tuluyan
Pumili ng isang akdang pampanitikan mula sa Panahon ng Pagbabagong-diwa. Pagkatapos ay ipaliwanag
ang implikasyon nito sa ating panitikan at lipunan. Apat hanggang anim na pangungusap lamang.
