Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q3-REVIEWER FILIPINO 8

Total questions: 45

Worksheet time: 23mins

Name
Class
Date
1.

Ang mga sumusunod ay naayon sa gamit ng gitling. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nabibilang sa gamit ng gitling?

a)

isahang pantig na tunog

b)

pinabigat na pantig

c)

pang-ugnay sa mga malalayang sugnay

d)

pagsusulat ng oras

2.

Ito ay bantas na naglalayong paghiwalayin ang lugar ng pinaglathalaan at tagapaglathala. Ginagamit din ito sa pagsusulat ng oras at sa bating pambungad ng pormal na liham. Ano ang tawag dito?

a)

tutuldok

b)

gatlang

c)

tuldok-kuwit

d)

gitling

3.

Ito ay bantas na ginagamit bilang pang-ugnay sa mga malalayang sugnay. Ano ang tawag dito?

a)

gatlang

b)

semikolon

c)

gitling

d)

kuwit

4.

Ito ang bantas na naglalayong ikulong ang mga tuwirang sinasabi ng nagsasalita sa isang pangungusap. Ginagamit rin ito upang kulungin ang pamagat ng isang artikulo o kwento mula sa isang kalipunan. Ano ito?

a)

panipi

b)

tuldok

c)

kuwit

d)

padamdam

5.

Ito ay may layuning paghiwalay-hiwalayin ang mga salita, parirala at mga pangungusap sa isang pangungusap. Ginagamit din ito bilang pangdugtong, pagbibigay diin at pagtukoy sa emosyon na napapaloob sa pangungusap. ano ito?

a)

mga bantas

b)

mga salitaan

c)

mga sugnay

d)

mga parirala

6.

Sa isang mahalagang bagay umiikot ang mga pangyayari sa mga akda at ito rin ang nagbibigay nang mas malalalim na kahulugan dito. Anong bahagi ito ng tekstong deskriptibo?

a)

paglalarawan sa tauhan

b)

paglalarawan sa damdamin o emosyon

c)

paglalarawan sa tagpuan

d)

paglalarawan sa isang mahalagang bagay

7.

Binibigyang diin nito ang damdamin at emosyon ng mga tauhan. Anong bahagi ito ng tekstong deskriptibo?

a)

paglalarawan sa tauhan

b)

paglalarawan sa damdamin o emosyon

c)

paglalarawan sa tagpuan

d)

paglalarawan sa isang mahalagang bagay

8.

Sinasabing mahalagang mailarawan nang tama ang lugar o panahon kung kailan at saan naganap ang akda sa paraang makaganyak ng mambabasa. Anong bahagi ng tekstong deskriptibo ito?

a)

paglalarawan sa tauhan

b)

paglalarwan sa damdamin o emosyon

c)

paglalarawan sa tagpuan

d)

paglalarawan sa isang mahalagang bagay

9.

Sa paglalarawan nito, hindi lang sapat na mailarawan ang itsura at mga detalye patungkol sa tauhan, kundi kailangang makatotohanan din ang pagkakalarawan dito. Anong bahagi ito ng tekstong deskriptibo?

a)

paglalarawan sa tauhan

b)

paglalarawan sa damdamin o emosyon

c)

paglalarawan sa tagpuan

d)

paglalarawan sa isang mahalagang bagay

10.

Ilang titik mayroon ang Alpabetong Filipino?

a)

29

b)

27

c)

28

d)

26

11.

Ito ay komposisyong pinakamadaling maunawaan.

a)

islogan

b)

patalastas

c)

awit

d)

fliptop

12.

Isang paraan ng pag-awit na bibigkas kasabay ng isang ritmo?

a)

tula

b)

rap

c)

fliptop

d)

awit

13.

Tinatawag na balagatasan sa kasalukuyang panahon, ano ito?

a)

rapper

b)

rap

c)

fliptop

d)

flattop

14.

Isang uri ng paghahayag na may layuning manghikayat o mangumbinsi tungkol sa isang produkto o serbisyo, ano ito?

a)

patalastas

b)

islogan

c)

poster

d)

awit

15.

Isa itong paraan ng pagpapahayag ng damdamin, pananaw o kultura na kadalasan ay may himig, mabilis o masaya, ano ito?

a)

awit

b)

adaptasyon

c)

liriko

d)

rap

16.

Ano ang katumbas na salita nito sa Filipino?

calle

a)

kalye

b)

kaye

c)

kallye

d)

kalle

17.

Ano ang katumbas na salita nito sa Filipino?

jamon

a)

hamon

b)

jamun

c)

hamun

d)

jamon

18.

Ano ang katumbas na salita nito sa Filipino?

zapatos

a)

zapatus

b)

sapatos

c)

zapatos

d)

sapatus

19.

Ano ang katumbas na salita nito sa Filipino?

ventana

a)

bintana

b)

ventana

c)

vintana

d)

bentana

20.

Ano ang katumbas na salita nito sa Filipino?

imagen

a)

imahen

b)

imagen

c)

imahe

d)

imeygs

21.

Tinatawag na balagatasan sa kasalukuyang panahon, ano ito?

a)

rapper

b)

rap

c)

fliptop

d)

flattop

22.

Isang uri ng print media na patuloy na ginagamit sa kasalukuyan. Ano ito?

a)

pahayagan

b)

magasin

c)

flyers

d)

komiks

23.

Ito ay ang dalawang uri ng pahayagan, ano-ano ang mga ito?

a)

tabloid at broadsheet

b)

broad sheet at tabliod

c)

sensationalized at journalism

d)

sensationalized journalism

24.

Layunin nitong magbigay-aliw sa mga mambabasa, magturo ng iba’t ibang kaalaman, at magsulong ng kulturang Pilipino, ano ito?

a)

pahayagan

b)

magasin

c)

komiks

d)

Kontemporaneong Dagli

25.

Isang uri ng babasahing popular na kinahuhumalingan ng mga Pilipino dahil sa aliw na hatid nito at mga impormasyong makukuha rito, ano ito?

a)

pahayagan

b)

magasin

c)

komiks

d)

Kontemporaneong Dagli

26.

Isang anyong pampanitikang maituturing na maikling-maikling kuwento.

Sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano, ano ito?

a)

komiks

b)

magasin

c)

pahayagan

d)

kontemporaneong dagli

27.

Tinatawag na salitang balbal o salitang kalye, ano ito?

a)

balbal

b)

kolokyal

c)

lalawiganin

d)

banyaga

28.

Salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap, ano ito?

a)

balbal

b)

kolokyal

c)

lalawiganin

d)

banyaga

29.

Mga salitang karaniwang ginagamit sa mga lalawigan o probinsiya o kaya’y partikular na lugar kung saan nagmula o kilala ang wika, ano ito?

a)

balbal

b)

kolokyal

c)

lalawiganin

d)

banyaga

30.

Mga salitang mula sa ibang wika. Karamihan sa mga ito ay pangngalang tiyak, wika, teknikal, pang-agham, simbolong pangmatematika, o mga salitang banyagang walang salin sa wikang Filipino, ano ito?

a)

lalawiganin

b)

balbal

c)

banyaga

d)

kolokyal

31.

Ang mga pang-ugnay na kung, kapag, sana, sakali ay maaaring gamitin sa pahayag na ito.

a)

sanhi at bunga

b)

kondisyon at resulta

c)

paraan at resulta

d)

paraan at layunin

32.

Ang mga pangatnig na sapagkat, pagkat, palibhasa, dahil, kasi, kaya, bunga, at iba pa ay madalas na gamitin sa ganitong pahayag, ano ito?

a)

sanhi at bunga

b)

kondisyon at resulta

c)

paraan at resulta

d)

paraan at layunin

33.

Ang pang-ugnay na sa ay karaniwang ginagamit sa ganitong pahayag, ano ito?

a)

sanhi at bunga

b)

kondisyon at resulta

c)

paraan at resulta

d)

paraan at layunin

34.

Ang mga pang-ugnay na upang, para, nang, at iba pa ay gamitin sa ganitong pahayag, ano ito?

a)

sanhi at bunga

b)

kondisyon at resulta

c)

paraan at resulta

d)

paraan at layunin

35.

Nagsasaad ng katiyakan o kasidhian. Ang mga salitang ginagamit ay siyang tunay, walang duda, sa katotohanan, talaga, tunay, siyempre kasama ang pang-ugnay na na at nang., ano ito?

a)

paraan at Layunin

b)

paraan at resulta

c)

pagtitiyak at pagpapasidhi

d)

pag-aalinlangan at pag-aatubili

36.

Ang mga salitang hindi sigurado, yata. tila, baka, marahil, at iba pa ay maaaring gamitin sa ganitong pahayag kasama ang pang-ugnay na kaya, samakatwid, kung gayon, ano ito?

a)

paraan at Layunin

b)

paraan at resulta

c)

pagtitiyak at pagpapasidhi

d)

pag-aalinlangan at pag-aatubili

37.

Ang mga sumusunod ay ang mga babasahing magasin na tinatangkilik sa kasalukuyan. Alin sa mga ito ang HINDI nabibilang dito?

a)

candy

b)

yes

c)

superbalita

d)

cosmopolitan

38.

Ano ang pormal na anyo ng salitang balbal na ito?

gurang

a)

matanda

b)

bata

c)

may-edad

d)

lalaki

39.

Ano ang pormal na anyo ng salitang balbal na ito?

bagets

a)

matanda

b)

bata

c)

pulis

d)

nakuha

40.

Ano ang pormal na anyo ng salitang balbal na ito?

lodi

a)

matanda

b)

gurang

c)

idolo o idol

d)

bagets

41.

Ano ang pormal na anyo ng salitang balbal na ito?

olats

a)

talo

b)

salot

c)

utol

d)

sulot

42.

Ano ang pormal na anyo ng salitang balbal na ito?

lespu

a)

army

b)

sundalo

c)

parak

d)

pulis

43.

Ano ang pormal na anyo ng salitang balbal na ito?

charing

a)

maganda

b)

hindi totoo

c)

biro

d)

char

44.

Ano ang pormal na anyo ng salitang balbal na ito?

syota

a)

kapares

b)

kasintahan

c)

jowa

d)

lovelife

45.

Ano ang pormal na anyo ng salitang balbal na ito?

yosi

a)

alak

b)

sigarilyo

c)

druga

d)

sugal