WorksheetsTHIRD PERIODICAL EXAM. (FILIPINO 7)
Total questions: 70
Worksheet time: 2hrs 20mins
Bahagi ito ng ating panitikang pasalindila.
bugtong
palaisipan
tulang de gulong
mito, alamat, kuwentong-bayan
Ito ay nagsasaad kung saan naggaling o nagmula ang mga bagay-bagay.
Mito
Alamat
Kuwentong-bayan
Maikling kuwento
Ang lahat ng natalakay na panitikan ay maaaring ipasa sa susunod na henerasyon gamit ang pasalindila.
TAMA
MALI
Ang kadalasang tema nito ay tungkol sa mga diyos at diyosa.
Epiko
Mito
Alamat
Kwentong Bayan
Galing pa ito sa mga nakakatanda hanggang napasalin sa mga henerasyon.
Mito
Epiko
Alamat
Kwentong-Bayan
“Masagana ang Kahariang Masinlok. Magandang maganda noon ang umaga. Maningning ang sikat ng araw. Sariwa ang hanging amihan. Lunti ang mga halaman sa paligid. Masigla ang awit ng mga ibon. Bughaw ang kabundukan”? Anong elemento ng kuwento ang isinasaad dito?
Aral
Tauhan
Tagpuan
Banghay
“Subalit ang kagandahan ng umaga ay hindi nakasiya sa Datu. Wala siyang madamang kaligayahan sa lahat ng namamalas.” Anong elemento ng kuwento ang isinasaad dito?
Aral
Tauhan
Tagpuan
Banghay
Ano ang nakasanayang gawin ng Datu na naging dahilan ng labis nitong pagkalungkot?
Pagtatanim
Pangingisda
Pangangaso
Pag-aalaga ng ibon
Ano ang naging suliranin sa kuwento?
Pagpasya ng Datu na mangaso sa kabundukan
Pagkakasakit ni Prinsesa Alindaya dahil sa labis na kalungkutan.
Patuloy na pagtaas ng bundok na naging dahilan ng pagkawalan ng tirahan ng mga tao.
Pagkakasundo ng Datu at ng Salamangkero na magpatubo ng kabundukan kapalit ang kamay ni Prinsesa Alindaya.
Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang nagsasaad ng wakas sa kuwento?
Pagpapakasal nina Prinsipe Malakas at Prinsesa Alindaya
Pagdating ni Prinsipe Malakas upang alisin ang kabundukan at itapon sa malayo
Pagtayo ng kabundukan ng Salamangkero kapalit ng pagpapakasal kay Prinsesa Alindaya
Ang lupang pinag-alisan ng bundok ay naging lawa at tinawag itong “Lawa ni Alindaya”. Ito ang nagpapagunita ng kagandahan ni Prinsesa Alindaya at ng pag-ibig nito na siyang naging dahilan ng pagkakaroon ng Bundok ng Pinatubo.
Bakit nagkasakit si Prinsesa Alindaya?
dahil sa pagkabigo sa pag-ibig
dahil sa pangangaso ng kanyang ama
dahil sa labis na kalungkutan ng malaman niyang ipapakasal siya sa Salamangkero kapalit ng pagtayo ng kabundukan
dahil sa labis na pagkatakot sa kabundukang itinayo sa palasyo
Ano-anong kultura o kalagayang panlipunan ang masasalamin sa kuwentong ito?
pagpapatayo ng kabundukan
pagpapahalaga sa pagkahilig sa pangangaso
pagpapakasal sa salamangkero
paniniwala sa salamangka
Sa anong bahagi ipinapakita ang katapusan ng mga pangyayari sa kwento?
Simula
Kasukdulan
Wakas
Kakalasan
Ang pinakapana-panabik na bahagi ng kuwento kung saan malalaman kung napagtagumpayan ng pangunahing tauhan ang problema.
Kasukdulan
Kakalasan
Simula
Wakas
Anong mensahe ang nais iparating ng may akda sa mambabasa?
Pagtulong ng walang kapalit
Sumunod sa payo ng magulang
Maging tapat sa taong minamahal
Pagmamahal ng isang pinuno sa kaniyang pinamumunuan
Dito pinapakita ang mga tauhang gagalaw o gaganap sa alamat at ang papel na kanilang gagampanan sa alamat, kung sila ba ay bida o kontrabida. Makikita rin dito ang tagpuan o ang pangyayarihan ng aksiyon o ng mga eksena na naghahayag ng panahon, oras at lugar.
Simula
Gitna
Wakas
Dito makikita ang kakalasan, o ang pagbaba ng takbo ngistorya. Dito rin mababatid ang kamalian o kawastuhan ng mga di- inaasahang naganap. Makikita naman sa katapusan o wakas, ang kahihitnan ng kuwento, kung ito ba ay magtatapos ng masaya, malungkot, pagkapanalo o pagkatalo.
Simula
Gitna
Wakas
Dito makikita ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga tagpo o eksena. Dito nakapaloob ang mga dayalogo, o ang usapan ng mga tauhan. Dito rin makikita ang tunggalian ng mga tauhan, at ang kasukdulan, kung saan dito iikot ang kahihinatnan ng tanging tauhan, kung ito ba ay kasawian o tagumpay.
Simula
Gitna
Wakas
Ang mga salitang Noong unang panahon, Simula noon, Sa simula ay ginagamit sa anong bahagi ng akda?
(a)
Maaaring gamitin ang mga salitang: “Sa huli,” “Sa wakas,” “Sa pagtatapos,” “Sa lahat ng ito,” “Simula noon” at iba , sa anong bahagi ng akda ?
(a)
Sa bahaging ito, mabuting mapanatili ang kawíng-kawíng na pangyayari. Maaaring gamitin ang mga salitang “pagkatapos,” “kasunód,” “saka,” “dagdag pa rito,” “walang ano-ano’y” at iba pa na naghuhudyat ng kasunód na pangyayari.
(a)
"Isinuko ko ang aking kalayaan at napakahon ako sa kanilang nais". Ano ang damdaming nagingibabaw sa pahayag?
Pagsunod
Pagkabigo
Pagkalungkot
Pagtatagumpay
“Ang ngiti ni Ina ay patak ng luha kung tag-araw, Ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw” Ang may salungguhit na salita ay nagpapahiwatig ng:
Pagkamuhi
Kalungkutan
Pagdurusa
Kaligayahan
"Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo. Mayroon siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama". Mahihinuhang ang ama ay magiging
Mabuti
Matapang
Masayahin
Matatag
Sa pagpapahayag ng opinyon, mahalaga ang pakikinig upang maging maayos ang pag-uusap at iwasan ang pagiging mapanghusga.
TAMA
MALI
Ito ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan. Nilalaman nito ang ideya o kaisipan ng isang tao tungkol sa mga bagay-bagay sa ating paligid na karaniwang kapupulutan ng aral at aliw ng mga mambabasa.
Alamat
Pabula
Sanaysay
Maikling kuwento
Ito ang mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa mga pang-araw-araw na pakikipagusap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.
Balbal
Pormal
Kolokyal
Di-pormal o Impormal
Uri ng Sanaysay na tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang-araw-araw at personal karaniwang nagtataglay ng opinyon, kuru- kuro at paglalarawan ng isang may akda naglalaman ng nasasaloob at kaisipan tungkol sa iba’t ibang bagay at mga pangyayari na nakikita at nararanasan ng may akda.
(a)
Uri ng Sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng pagkakasunud-sunod upang lubos na maunawaan ng bumabasa ang mga salita’y umaakma sa piniling isyu at kadalasang may mga terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignaturang ginawan ng pananaliksik.
(a)
Ano itong tumutukoy sa susing pangungusap na may kaugnayan sa paksang pangungusap?
pangunahing kaisipan
pantulong na kaisipan
Ano itong konsepto ng seleksyon na nais ipahiwatig o ihatid ng manunulat sa mga mambabasa?
pangunahing kaisipan
pantulong na kaisipan
Alin sa ibaba ang pangunahing katanungan na dapat isa alang alang upang madaling matukoy ang pangunahing ideya o kaisipan sa binasa?
bakit ko ito binabasa?
tungkol saan ang binabasa ko?
paano ko ito babasahin?
para kanino ang aking binabasa?
Sa pagbabasa ng isang talata, paano magiging madaling makita ang pangunahing ideya nito?
alamin ang paksa ng talata
isa-isahin ang mga detalye
hanapin ang mga halimbawa na talata
tukuyin ang pinakamahalagang kaisipan tungkol sa paksa
Bakit mahalagang maunawaan ang detalyeng nagbibigay suporta sa pangunahing ideya?
madalas na itinatanong sa pagsusulit
nagbibigay daan upang matandaan ang mga detalye
nagbibigay tulong sa pag unawa sa mga halimbawa
susi para sa lubusang pagkilala at pag-unawa sa pangunahing ideya
Ang mga taong mahilig magbasa ay nakakakuha ng iba't ibang kaalaman. Maaari nilang gamitin ang mga kaalaman na ito sa kanilang mga buhay. Nalilinang din nito ang bokabularyo ng mambabasa.
Ano ang pangunahing kaisipan na maaaring mahinuha sa pahayag?
Marami kang natututuhan na salita.
Mahalaga sa kalusugan ang pagbabasa.
Mayaman sa kaalaman ang taong mahilig magbasa.
Kawili-wiling gawain ang pagbabasa araw-araw.
Alin sa mga pahayag ang pangunahing kaisipan?
Napakabait na bata ni Julius.
Madaling utusan ang batang iyan.
Magalang siyang makipag-usap sa tao.
Masunurin siya sa kanyang magulang.
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang angkop na pantulong na kaisipan sa pahayag na ito?
" Ang mabait kong mga magulang ay kayamanang ibinigay sa akin."
Lubos na pagmamahal ang ipinadarama ng mga magulang.
Ginagabayan nila ako sa lahat ng desisyon na aking ginagawa.
HIndi matatawaran ang kanilang sakripisyo para sa kanilang anak.
Ang mga magulang ay pinakamagandang regalo na ipinagkaloob sa mga anak.
Ito ay karaniwang matatagpuan sa unahang bahagi o pamaksang pangungusap ng teksto.
Pangunahing kaisipan
Pantulong na kaisipan
Alin sa mga sumusunod na salita ang hindi ginagamit bilang pantukoy ng pantulong na kaisipan?
Ano
Bakit
Sino
Ilan
Panuto: Basahin at tukuyin kung Pangunahing Kaisipan (PK) o Pantulong na Kaisipan (PN) ang mga sumusunod na pangungusap.
_____Ang pandemyang ito ay nagtuturo sa atin kung gaano kahalaga ang kalusugan ng isang tao. _____Sa pamamagitan ng pag-iwas na lumabas kung hindi kinakailangan, paghugas lagi ng kamay at pagkakaroon ng social-distancing ay maipapakita natin ang pag-iingat sa ating sarili.
PK- PN
PN - PK
Panuto: Basahin at tukuyin kung Pangunahing Kaisipan (PK) o Pantulong na Kaisipan (PN) ang mga sumusunod na pangungusap.
_____Ano man ang mga problema na dumating sa isang tao ay hindi niya ito tinatakbuhan. Sa halip, buong lakas niya itong hinaharap._____ Ang katatagan ng loob ay importante para sa isang indibidwal.
PK - PN
PN- PK
_____Likas sa mga Pilipino ang pagkakaroon ng mabuting asal at ito ay kanilang naipapamalas sa iba’t ibang pagkakataon. _____Paggalang sa mga nakatatanda, nakikinig at sumusunod sa payo at bilin ng kanilang mga magulang at marunong magpasalamat sa anumang bagay.
PK - PN
PN-PK
_____Marami ang mga bagay na maipagmamalaki ang pulong ito, mga magagandang tanawin at mga produktong gawa ng bawat lalawigan. ______Ang Luzon ang pinakamalaking pulo ng Pilipinas at sentro ng ekonomiya at kalakalan.
PK - PN
PN - PK
_____Ang mga hatirang madla (social media) ang isa sa ginagamit ngayon para sa new normal education. ____Ito ay tumutulong upang mas mapadali ang pagkakaroon ng koneksyon at komunikasyon sa mga mag-aaral.
PK - PN
PN- PK
Ito ang pagbibigay ng haka-haka sa nabasang pangungusap o talaga?
Pagtuturo
Pagsusulat
Pagtatanong
Paghihinuha
_______ kung gagalingan ko ang pagsagot sa aking modules, makakakuha ako ng mataas na marka.
Tila
Siguro
Pwede kaya ang
Posible kayang
_________ ka bang makatulong sa ating kapwa sa panahon ng pandemya?
Baka
Siguro
Maaari
Marahil
Hindi gumawa ng proyekto si Anna para sa kanyang asignaturang Filipino. Ano kaya ang kahihinatnan ng kanyang asal?
Papasa siya sa kanyang asignatura.
Sasaya ang kanyang mga magulang.
Hindi siya papasa sa kanyang asignatura.
Hahangaan siya ng kanyang mga kaklase.
Ilegal na pinutol ang mga punongkahoy sa bukid. Dumaan ang ilang araw, isang malakas na bagyo ang dumaan sa lungsod. Ano ang magiging hinuha mo?
Maaliwalas ang panahon at masaya ang mga tao.
Babaha at magdudulot ng malaking pinsala sa kabahayan.
Sasaya ang mga tao sa mainit na panahon.
Tutubo ang mga dahoon ng mga naputol na puno.
Patuloy ang pagtapon ng basura sa ilog ng mga tao. Ano ang iyong hinuha?
Sasaya ang mga tao sa basurang natatanaw.
Lilinis ang mga tabi ng ilog at dadami nag isda nito.
Liligaya ang mga tao dahil mayroon na silang tatapunan ng basura.
Dudumi ang ilog at magdudulot sa pagkakasakit ng mga tao.
Pagdumi ng tubig na iniinom. Ano ang iyong hinuha dito?
Lulusog ang taong makakainom nito.
Tataba ang taong makakainom nito.
Magkakasakit ang taong makakainom nito
Lalakas ang taong makakainom nito
Pinukpok ni Inyang ang bahay ng bubuyog. Ang mga sumusunod ay mga hinuha MALIBAN sa isa:
Magkakasakit ng dengue si Inyang.
Makakakuha ng maraming matamis na pulot.
Kakagatin si Inyang ng mga bubuyog.
Mamaga ang mukha ni Inyang sa kagat ng Bubuyog
Hindi naghuhugas ng kamay si Daray bago at pagkatapos kumain. Ang mga sumusunod ay mga hinuha MALIBAN sa isa:
Sisipunin si Daray.
Uubuhin si Daray.
Lalagnatin si Daray.
Gaganda ang kutis ni Inyang.
Naglaro ng posporo ang bata sa loob ng kanilang bahay. Ang mga sumusunod ay mga hinuha MALIBAN sa isa:
Napaso ang bata sa apoy mula sa posporo.
Nasunog ang bahay ng bata.
Masaya ang bata sa sarangolang kanyang pinalipad.
Naubos ang isang kahon ng posporo kakalaro.
Tuwing hapon nagwawalis ng silid-aralan si Tony. Subalit ng hapong iyon hindi siya nakapaglinis dahil tinawag siya ng kaniyang guro at pinagsabihang magdala ng pala, kalaykay at panghakot sa lupa. Ano kaya ang gagawin niya?
magsusunog ng mga basura
gagawa ng plot para taniman
maglilinis ng palikuran ng paaralan
magrerepaso para sa paligsahan
Laging kumakain ng junkfoods, baka magkakasakit ka sa atay.
Ano ang ginamit sa pagbibigay ng hinuha sa pahayag?
(a)
Hindi ka na lumalabas ng bahay, siguro natatakot ka mahawaan ng sakit.
Ano ang ginamit sa pagbibigay ng hinuha sa pahayag?
(a)
Walang kasiguraduhan ang pamamahagi ng ayuda sa ating
barangay.
Ano ang ginamit sa pagbibigay ng hinuha sa pahayag?
(a)
Ito ay napapanahon at makatotohanang ulat ng mga pangyayaring naganap na, nagaganap at magaganap pa lamang.
(a)
Ang balita ay maibabahagi sa pamamaraang ______ kung ang ginagawang midyum ay ang radio at telebisyon;
Pasulat
Pasalita
Pampaningin
Pahayagan
______ kung ito ay ipinalimbag sa pahayagan at iba pang babasahin;
Radyo
Pasalita
Pampaningin
Pasulat
Dapat unahing itampok ang pinakamahalagang datos bilang pamatnubay.
TAMA
MALI
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga gamit ng ulo ng balita maliban sa __________.
Buurin ang balita
Tumutulong sa pagpapaganda ng pahina
Bigyang-diin ang kahalagahan ng balita
Kunin ang mahahalagang salita upang gawing batayan sa pag-uulo
Hindi gaanong gamiting pamatnubay dahil ginagamit lamang ito kung higit na mahalaga ang petsa kaysa sa iba pang aspeto ng mga pangyayari.
Pamatnubay na Ano
Pamatnubay na Paano
Pamatnubay na Kailan
Pamatnubay na Saan
Balita tungkol sa mga mahalagang pangyayaring may kinalaman sa negosyo at takbo ng kabuhayan ng bansa.
panlokal
pambansa
pangkabuhayan
Wala sa mga nabangit
Ito ay halimbawa ng balitang __________.
pandaigdig
pambansa
pampolitika
pangkalusugan
Ito ang isa sa naging bunga ng pagkawala ng pagkakakitaan ng maraming Pilipino sa panahon ng pandemya.
Pagkagutom
Online Learning
Pagsara ng ABS CBN
Pagkawala ng trapiko sa EDSA
Ano ang mga kadalasang tumutugon sa mga tanong na sang ayon sa nais itampok o bigyang halaga sa balita?
Sino, Kailan, Ano , at Bakit
Ano, Sino, Kailan, Bakit, at Paano
Ano, Alin, Sino, Kailan, Bakit, at Paano
Sino-sino, Bakit, Kailan, at Paano
Uri ng balita na tumatalakay sa mga pangyayaring may kinalaman sa mga palaro at kumpetisyong pampalakasan.
Balitang Pantahanan
Balitang Panlibangan
Balitang Pampalakasan
Balitang Pang-edukasyon
Ang mga impormasyon ay tunay at aktuwal at hindi gawa-gawa lamang.Anong katangian ng balita ito?
(a)
