NEW
Font size
WorksheetsBalik-Aral Esp 7
Total questions: 8
Worksheet time: 4mins
1. Ito ay tumutukoy sa mga gawi ng pagiging tao, pagiging matatag at pagiging malakas ng isang indibiduwal sa anomang kaganapan sa buhay.
A. Birtud
B. Moral
C. Pagpapahalaga
D. Karunungan
2. Ito ay moral na birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang nararapat para sa kaniya: sinoman o anoman ang kaniyang katayuan sa lipunan at upang maging isang mabuting kabahagi nito.
A. Karunungan
B. Katarungan
C. Kalayaan
D. Katatagan
3. Ang ‘halaga’ ay salitang-ugat ng katagang pagpapahalaga. Tukuyin kung alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI totoo patungkol sa salitang halaga (value).
A. Ito ay nagmumula sa sarili
B. Ito ay obheto ng ating intensyonal na damdamin
C. Ito ay nagbabago depende sa tao, sa lugar, at sa panahon.
D. Ito ay nangangahulugang pagiging matatag o malakas at pagiging makabuluhan
4. Alin sa sumusunod ang pinakanatural at pinakamahalagang tagapagganap ng pagpapahalaga sa buhay?
A. Pamana ng kultura
B. Mga kapuwa kabataan
C. Pamilya at pag-aaruga sa anak
D. Guro at tagapagturo ng relihiyon
5. Alin sa sumusunod ang HINDI tumutukoy patungkol sa birtud?
A. Ang salitang birtud ay galing sa salitang Latin na virtus
B. Ang birtud ay laging nakaugnay sa pag-iisip at kilos ng tao.
C. Ang birtud ay natural lamang na taglay ng lahat ng nilikha ng Diyos
D. Ang birtud ay bunga ng paulit-ulit na pagsasakilos ng mga pagpapahalaga ng isang tao.
6. Ang mga sumusunod ay angkop na katangian na dapat taglayin ng ganap na halagang moral. Alin sa mga pahayag ang HINDI WASTO tungkol dito:
A. Ito ay nagmumula sa pagnanais na gumawa ng tama
B. Ito ay pangkalahatang katotohanan na tinatangap ng tao bilang mabuti at mahalaga
C. Ito ay maaaring pansariling pananaw ng tao o kolektibong paniniwala ng isang pangkat ng tao.
D. Ito ay mga prinsipyong etikal na pinagsisikapang makamit ng tao at mailapat sa kaniyang pang-araw-araw na buhay
7. Kasabay ng pagiging isang mabuting indibiduwal ang pagkakaroon ng tamang gawi at aksiyon. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang gawi ang higit na magpapalalim ng pagpapahalaga na mayroon ang isang indibiduwal.
a. Pagsunod sa nakatatanda
b. Pagdalo sa gawaing pampaaralan
c. Pagiging matatag sa anumang problemang dumaan sa buhay
d. Pagsangguni sa mga nakatatanda at kinauukulan sa bawat desisyon na gagawin
8. Sa paanong paraan mahuhubog ng isang tao ang kaniyang Birtud upang maging isang mabuting kabahagi ng lipunan?
A. Makikisama ng naaayon sa ipinapakita ng iyong kapwa
B. Maging isang mabuting mag-aaral na huwaran ng mga kapwa mag-aaral
C. Gumawa nang naaayon sa kinakailangang kilos na inaasahan ng lipunan
D. Isabuhay ang mga pagpapahalagang natutuhan mula sa pamilya, sa paaralan, at maging sa mga karanasan sa buhay.
